"Ang hot lang talaga niya 'no? Kung ako lang siguro ang girlfriend niyan, itatali ko na talaga sakin 'yan. Pipikutin ko pa!" Mula sa pagkakatitig ni Miranda sa mga batang B'laan at ilang batang hindi parti ng tribo, nalipat ang mga mata niya sa isang babaeng may kasama pang ibang halos kasing-edad nito. They were giggling. Namumula pa nga ang mga pisngi habang nakatanaw sa isang direksyon. Nang sundan niya ang tinatanaw ng mga ito'y hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Napailing na lamang siya. Bakit ba sobrang takaw-pansin ang lalaing ito? Humalukipkip siya't tahimik lamang na nagmasid. Mukhang hindi naman napapansin ni Creed ang tatlong kababaihan na may layong ilang metro. Abala kasi ito sa pagtulong sa ilang kalalakihan sa dalampasigan. Mukhang nagkukumpuni ng bangka ang

