Pero mukhang ngayong gabi ay nakatakdang maghirap si Creed. Napapalunok itong nakatunghay ngayon kay Miranda ng may namumungay na mga mata. Kung ilang beses na niyang pinakiusapan ang babaeng tumahimik na at maligo na lamang pero bigo siyang iwan ito nang hindi nag-aalala. Huminga ng malalim si Creed. Ilang beses siyang napabuga ng malakas sa hangin. Kasalukuyang naka-bra na lamang ang babae at pilit pang hinuhubad ang cut-off shorts na hindi naman masagwang tingnan. "Miranda, stop it. Doon ka nalang sa shower maligo, aalalayan kita, Huwag mo nang hubarin-" "Why? Para namang hindi mo pa ito nakita? Akala ko ba, nami-miss mo'ko." "Please. Just stand-up. Don't tempt me dahil lasing ka lang." Ngumisi ang babae. Yeah, nakainom siya pero alam niya pa rin ang kaniyang ginagawa. That momen

