Napanganga si Pollux samantalang si Lino naman ay napakurap-kurap ng kaniyang mga mata sa kasalukuyang nakikita. Tatlong magkakasunod-sunod na lagok ng Bacardi and ginawa ni Creed pero tila walang epekto iyon sa lalaki. Ismael on the other hand is just silent. Naiiling na lamang ito sa nakikitang sitwasyon ng lalaki pero walang salitang namumutawi sa bibig. Somehow they knew, hindi nanaisin ng kahit sino ang magbiro kay Creed Evander sa mga oras na iyon. Pasado alas-diyes ng gabi nang masalubong ni Ismael ang nagdidilim na mukha ng lalaki. Tinawag nito si Creed ngunit nilampasan lamang siya nito at deretsong nagtungo sa isang security aide. Saglit na may ibinulong si Creed kay Damires pagkatapos ay malalaki ang mga hakbang nitong tinahak may kadilimang pathway palabas ng inoukupang villa.

