Nine months later. . . MABILIS ANG mga pangyayari. Siyam na buwan na rin ang nakakalipas simula noong mahuli at makulong si Tiyo Magsino at sina Midred at Cassy. Siyam na buwan na ang nakakalipas simula noong umamin ako sa lahat ng mga kasalanan ko sa awtoridad. At masaya akong naamin ko na ang lahat at wala na akong tinatagong lihim sa pagkatao ko. “I am sorry, Kid. But I need to make my mistakes right. Kailangan kong pagbayaran ang mga kasalanan kong nagawa sa batas. Kailangan kong sabihin sa kanilang lahat ang tungkol sa pagitan ng sindikato at sa akin.” Hilam ang mga matang tumingin sa akin si Enfakid. Ilang beses siyang umiling para pigilan ako sa aking balak. Pero kahit na ano pa ang gawin niya at kahit ayaw pa niya hindi na niya mababago pa ang desisyon ko. Binitiwan ko ang

