Chapter 30

1006 Words

TOTOO NGA ANG sinabi ni Enfakid. Naghihintay sa min si Tiyo Magsino sa presinto at tulad namin ay nakaposas rin siya. Maging sina Mildred at Cassy. Agad akong tumungo sa kanilang dalawa. “Mildred, Cassy!” Agad silang napatingin sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Bakas sa kanilang mga mata ang lungkot at saya. Hindi ko napigilan ang mapaiyak. “I'm sorry,” hingi kong paumanhin. “Ano ka ba? Bakit ka nag-so-sorry? May kasalanan naman talaga kami sa batas,” sabi ni Mildred sa akin sabay akbay. “Oo nga, tama si Mildred. Saka handa na kaming makulong at pagbayaran ang mga kasalanang nagawa namin. Ito naman na talaga ang balak namin noon pa. Balak na naming sumuko nang bago pa dumating ang mga pulis sa hide-out natin,” kwento ni Cassy. Napaatingin ako kay Tiyo nang bigla siyang tumayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD