Present Enfakid's Point of View MAINIT NA sikat ng araw at ang paghampas nang malakas ng hangin. Isang magandang tanghali para sa lahat ng mga taong nasa Pilipinas. Pero para sa akin iyon ang pinakainis na tanghali sa buong buhay ko. Nasa racer's company ako kung saan ay nasa opisina ako. Sa opisina ng manager ko na prenteng nakaupo sa kaniyang swivelchair habang ako ay tinititigan nang seryoso. Pinatawag niya ako rito para sa isang nakakainis na balita. Ayon sa kanya ay hindi na muna ako makakarera sa darating na olympics. Dahil nga wala akong sasakyan na gagamitin dahil na nakakaw ng pesteng magnanakaw na iyon. Umigkas ang gilid ng labi ko para sa isang ngisi. Ito talaga ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang patigilin ako sa pagkarera ng manager kong si Joaquin Savina. Tumayo ako

