NAKAUPO ako sa sofa at si Enfakid naman ay nakatayo sa aking harapan. Hindi pa rin ako makaimik ngayon simula kanina pa— noong biglaan siyang umamin sa akin ng tunay niyang nararamdaman. Pagkatapos niya iyong sabihin sa akin ay tinawanan ko siya. Pero natigil rin ako nang makita ko ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Kaya sa mga oras na ito ay hindi ko alam ang aking gagawin lalo na at naiilang ako na naasiwa. Hindi ko lubos maisip na ang isang Enfakid Monteneille ay mahuhulog ang loob sa akin ng sa loob ng ganoong kaikling panahon. Sino ang hindi makapaniwala roon? Lalo na at ang iba nga ay naabot pa ng ilang taon bago mahulog ang loob sa isang tao. “Niloloko mo lang ako. . . kung sa tingin mo ay maniniwala ako sa iyo ay hindi.” Tumayo ako sa sofa na aking kinauupuan saka tumungo sa

