FINAL DAY of tournament. Mabilis ang mga pangyayari. Naka-set up na ang lahat at ang hinihintay na lamang ay ang pagsimula ng laro. Mas dumami ang taong nanood. Mas umingay ang mga tao sa bleachers. Naghihiyawan at nagpapalakpakan. May kanya-kanyang grupo. Ang pinakamarami ay ang kay Enfakid. Maganda ang set up ng lugar. Engrande naman talaga ang tournament. Nakabihis na kaming lahat ng aming safe gear. Tumunog ang trumpeta hudyat para humanda kami sa loob ng limang minuto. Mayamaya lumapit sa akin si Sir Joaquin. Hinintay ko siyang makarating sa aking harapan. Tinitigan niya ako nang seryoso. “It's time. . . Milkita. Huwag mo akong bibiguin, ang pinag-usapan nating dalawa.” Tumango ako sa kaniyang sinabi saka ko siya nginitian. “Makakaasa ka. . . Sir Joaquin. I will make it h

