“OSIGE, may naisip akong paraan para hindi matuloy ang kanilang masamang binabalak.” Napangiti ako nang malapad nang marinig ko ang tinuran ni Sir Joaquin. Agad ako sa kaniyang napayakap at walang katapusan ko siyang pinasalamatan. Umupo siya sa sofa na nasa loob ng kaniyang opisina. Magkaharap kaming dalawa. May mapa sa ibab aw ng mesang kaharap namin. Isa iyong blue print sa bahay ni Enfakid. May ballpen na rin doon. “Ito ang plano ko. . . para hindi tayo maunahan ng mga magnanakaw. Kailangan tayo ang mauna sa kanila. Kunin natin ang dalawang kotse ni Enfakid at itago ito sa lugar kung saan ay hindi matatagpuan ng mga masasamang may balak na iyon at ng mga pulis.” Tumigil siya saka humalukipkip. Tela isa siyang inbestigador habang nagsasalita sa aking harapan. Nakikita kong may tal

