Kulay luntian at puti ang nakapinta sa buong dingding habang papasokk sa opisina ni Milo, ang kapatid na sundalo ni Enfakid. Kung hindi lang sana naging mahirap ang paghahanap ng impormasyon at kung sino ang nagpaadala ng death threats sa kaniyyang sister in law na si Milkita, kundi sana ay may uban na siya sa mga pagkakataon na yon. Pero dahil sa marami siyag konekson at kakilala sa mga bagay-bagay na tumatakbo sa batas ay madali niya lamang nalutasan ang bagay nna iyon. Noong humingi ang kapatid niya ng tulong ay hindi niya agad ito matanggihan. Hindi niya makayanan na makita itong nahihirapan, saka alam naman niyang matutulungan niya ang kapatid kahit na hindi naman niya trabaho iyon. Huminga siya nang malalim saka napakamot sa kaniyang batok. malalim ang iniisip kung ano na ang patutu

