HINDI pa rin makapaniwala nang mga oras na iyon si Enfakid sa hinihiling na kapalit ni Odrey sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit na nararamdaman sa kaniya ng kaaban. Ibig bang sabiihin nito ay may matagal nang nararamdaman si Odrey sa kaniyang asawa na si Milkita? Narinigg niyyang may kumatok sa pinto ng kaniyang opisina. Wala naman siyang inaasahan na may pupunta sa kaniyanang mga oras na iyon. Kaya naman ay hindi niya napigilan ang pagsalubong ng kaniyang dalawang kilay. "Come in," ani niya. bumukas naman ang pinto at pumasok ang kaniyang sekretarya na manager din sa department kung saan naka-locate ang kaniyang asawa. "What is it?" tanong niya agad sa sekretarya nang makapasok na ito ng kaniyang opisina. Nilapag nito ang mga folder na dala

