Hindi malaman ni Milkita kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Akala niya ay may mangyayari sa kaniya na masama kanina, sa kanila ni Enfakid. Pero mali pala ang akala niya na iyon. pasalamat na lamang siya atagad na dumating ang mga pulis at si Milo para tulungan sila. Muntik na sana silang mapahamak na mag-asawa kung hindi lang sana sila agad nakatunog. Nag-aalala pa rin siya sa kaligtasan nilang mmag-asawa, lalo na sakanilang anak na si Enzo. Napahinga siya nang malalim at agad na tinawagan si Pea sa messenger nang makita niyang online ito. Nilakasan na rin niya nag loob para sa pakikipag-usap dito. Minsan lang kasi siya kuma-usap sa mga asawa ng mga kaptid ni Milo, kahit na matagal na niyang mga kilala ang mga babae. "Hello, Milkita. Napatawag ka?" tanong at bungad agad sa kaniya

