NAGDADABOG NA pumasok ang isang dalagita— si Ofelia sa kanilang bahay habang dala-dala ang luma nitong bag na nasa likuran. Nakapaloob doon ang kaniyang mga gamit para sa eskwela. Suot nito ang luma at kupas na uniporme at sirang itim na sapatos. Hindi maipinta ang mukha nito habang papaupo siya sa bangko na gawa sa kahoy. Inis na hinubad ang sapatos. Binalibag sa kung saan at pati ang bag na kakahubad lang nito mula sa sariling likuran. Sumandig ito saka pumikit. Napagod sa paglalakad mula paaralan pauwi sa kanila. Ganoon ang eksena na nangyayari sa kaniya araw-araw. Idagdag pa ang makipot at maruming eskinitang kaniyang dinaraanan. Maging ang mga tao sa paligid ay nag-sisigawan, naghahalakhakan, nagkakasiyahan at naghihinagpisan waring mga asong nakawala sa sariling kulungan. Bigl

