Chapter 4

1148 Words
Chapter 4 “AWW! s**t!” Umirap ako sa hangin pagkatapos na marinig ang mura na iyon ni Enfakid. Nilalagyan ko ng gamot ang pasa niya sa gilid ng labi. Dinala niya ako sa kaniyang mini-house malapit lang pala sa plasa. “Bakit ka kasi nangialam kanina? Kaya ko naman ang mga iyon,” sermon ko sa kanya saka diniinan ko ng cotton bonds na hawak kong may betadine pa ang pasa niya. “Ahh! Sure kang kaya mo ang mga iyon? Eh, isang lipad lang ng hangin sa iyo, wala ka nang magagawa eh.” Inirapan ko siya at saka padabog na inayos ang first aid kit. Tumayo na ako’t inayos ang sarili ko. Kinuha ko ang dalawang basket ng balot sa may gilid ng sofa na kung saan niya nilagay kanina. Tumungo na ako sa pintuan ng mini-house niya. “Aalis na ako, salamat pala sa pagligtas sa akin.” Nanatili akong nakatalikod sa kanya habang sinasabi ko iyon. “Hindi ko alam na nagtitinda ka pala niyan,” wika niya dahilan para lingunin ko siya. Kumunot ang noo ko nang tumayo siya’t inaayos ang suot na t-shirt. Medyo magulo iyon. Marahil siguro sa pagkikipagbuno niya kanina sa dalawang lalaking holdaper na iyon. Ngumisi siya saka hinablot mula sa akin ang dalawang basket. “I will buy this,” sabi niya sabay kuha ng isang balot. Napasinghap ako nang pisain niya iyon at kainin ang laman. Nanlaki ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya. Hindi ko aakalain na kumakain ng isang balot ang isang mayaman na tulad niya. “Don’t worry I will pay for this. Magkano itong lahat?” Napanganga ako sa sunod niyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa kanya. Hindi yata’t abusado na ako sa kabaitang ipinapakita niya? Baka bukas nito singilin niya ako at wala pa akong pambayad sa kanya. Mahirap na at nanghihikaos rin ako sa pera. Hinablot ko mula sa kanya ang dalawang basket. “Hindi mo na kailangan bilhin itong lahat. Ibebenta ko na lamang itong lahat ngayon. May bibili pa naman, tama na iying pagbili mo ng isa. Nakatulong na iyon—” Hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita nang hilahin niya ulit mula sa akin ang isang basket ng balot at nagpatiuna na siyang lumakad palabas ng mini-house niya. Nagsimula siyang magsumigaw ng tulad ng madalas kong ginagawa. At napapalatak ako ng wala pang dalawang hakabang siyang nagagawa sa gitna ng kalsada ay marami na sa kanyang bumili. Napapantastikuhan akong tumitig sa kanya at maging sa mga mamimili. Umiling-iling saka nagsimula na lang rin akong tuminda. Siya na rin mismo ang nag-offer ng tulong sa akin, edi gora! Sasamantalahin ko na rin. Minsan lang mangyari sa tanang buhay ito. “Akin na iyan! Ang bagal mong magbenta.” Hinablot niya ulit sa akin ang isang basket na bitbit ko at nagsimula ulit siyang lumako. “Balot! Balot kayo diyan! Bili na kayo!” Nakasunod lamang ako sa kanyang likuran hanggang sa makaabot kami na ng plasa. Ang kaninang mga teen ager na tambay na hindi ako pinapansin sa pagtitinda ng balot, ngayon ay bumibili na! At panay pa ang pa-cute kay Enfakid! “Naku! Masyadong napaghahahalataan. . .” bulong ko habang panay ang irap sa hangin. Hindi nagtagal ay naubos na rin ni Enfakid ang balot na tinitinda ko. Lumapit siya sa akin at binalik ang dalawang basket na pagmamay-ari ko. Kasama ang pera na naging kita ng mga balot na benenta niya. “Ayan! Solve na ang problema mo. Wala ka nang aalalahanin pa.” Tinitigan ko siya nang mataman nang ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. “Bakit mo ito ginagawa?” tanong ko sa kanya na siyang nagpaseryoso ng kanyang mukha. Kumunot ang kanyang noo. “Anong ginagawa?” “Ito. . . bakit mo ako tinutulungan? Wala kang bang hinihinging kapalit pagkatapos nito? Kung may balak ka man, Enfakid. Huwag mo nang ituloy, nakikita mo naman ang sitwasyon ko ngayon. Kung pagkatapos lang rin nito, at susumbatan mo lang rin ako at pagtatawanan, gawin mo na ngayon. Gawin mo na ngayon sa harapan ko hanggang kaya ko pang sikmurahin ang lahat mula sa iyo. Gawin mo na ngayon, habang handa pa ako. Huwag mo nang patagalin pa, para pagkatapos nito hindi na ako magpapakita sa iyo. Sisiguraduhin kong—” Pumamulsa siya saka niya ako tinitigan nang mataman. Ngumiti siya dahilan para matigil ako sa pagsasalita at mapatitig rin sa kanya. “Nakakain ka na ba?” Tulero akong napatanong sa kanya. “Huh?” Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila palayo sa plasa. Dinala niya ako sa isang karinderya na bukas 24/7. Umupo siya may bakanteng upuan. Tinuro niya ang isang bakante. Pero hindi ako doon naupo. Nakatayo lang ako sa harapan niya. “Enfakid, anong palabas—” “Manang! Dalawang tapsilog nga po!” sigaw niya sa nagtitind. Bumaling siya sa akin saka sinuway. “Ano? Huwag kang tumayo diyan. Hindi pinaghihintay ang pagkain, Miss Milkita Salazar. Alam kong kanina ka pa walang kinain. Mas mabuti na ang lamnan mo ng pagkain iyang tiyan mo, bago ka magtinda ng balot. Inuuna mo pa ang balot kaysa sa sarili mo.” Natameme ako sa sinabi niyang iyon. Wala na akomg nagawa pa kundi ang umupo na lang rin at maghintay sa ini-order niyang dalawang tapsilog. Isa pa, naramdaman ko na rin ang gutom kaya’t pagsamantalahan ko na lang rin ang kabutihang pinapakita niya. Wala namang masama. Babayaran ko na lang siya balang araw kapag magkaluwag-luwag ako. “Salamat. . .” biglang usal ko dahilan upang mapaangat ang tingn niya sa akin mula sa kakadudot niya ng cell phone na iphone. Inilahad niya sa akin ang cell phone niyang hawak. Kumunot ang noo ko. “Anong gagawin ko diyan?” Umiwas siya ng tingin sa akin. “Your number,” mahinang usal niya. Nagbaba ako ng tingin. “Wala akong number.” Narinig ko siyang napabuntong hininga. Mayamaya ay may inilapag siyang isang bagay sa ibabaw ng mesa kaharap ko. Isang touch screen na cell phone. Vivo. Mukhang ginamit na pero mukha pa ring bago kung titingnan. Nagtatanong akong papalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa cell phone na kaharap ko. “Use it, and owned it. Mula ngayon, tatawagan na kita at kukumustahin. Ngayon, kainin mo na ang dalawang tapsilog na ini-order ko.” Masayang inilapag ng matandang nagtitida ang dalawang tapsilog sa mesa. Magsasalita pa sana ako para tanggihan at pasalamatan siyang muli si Enfakid. Pero huli na nang makalakad na siya papalayo ng karinderya habang nakapamulsa. Hindi ko alam pero napatitig ako sa likuran niya at napangiti. “What a thief. . .” mahinang usal ko nang makita ko ang isang balot sa kanang bulsa nito sa pantalong suot. Buti hindi nabasag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD