Chapter 5
MAGANDA ang sikat ng araw sa silangan. Sari-saring mga ibon ang humuhuni sa paligid. Isama pa ang malakas na hampas ng hangin sa puno sa labas. Humahampas ito sa bubungan ng bahay. Isa sa dahilan kung bakit ako nagising nang maaga.
Agad akong bumangon mula sa kama nang matanaw ko ang aking alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng aking study table. Inayos ko ang aking hinihigaan. Humarap ako sa body-size na salamin at nginitian ang aking repleksyon sa salamin.
Nakangiti pero puno ng lungkot ang aking mga mata. Hindi umabot doon ang ngiting aking pinapakita sa aking sariling repleksyon. Masaya ako, pero hindi umaabot sa puso ko. Puno ng lungkot at pighati. Puno ng pagdurusa at ng nag-iisa.
Humakbang ako patungo sa banyo para maligo. Wala dapat akong sinasayang na oras, lalo pa’t magluluto pa ako ng agahan nila Tiya Laura. At baka magalit na naman siya sa akin at saktan na naman ako kapag magising siya at walang maabutan na pagkain sa hapag-kainan.
RINIG na rinig ko ang hakbang ng kung sino na pababa ng hagdan. Pili na lamang kina tiyo o tiya, abala ako sa paghahain ng mga pagkain sa mesa. Nakatapos na ako ng pagluluto, agad akong naluto pagkatapos kong bumihis ng aking uniporme kanina.
Nakita ko si Tiya Laura na papasok ng kusina. Agad ko siyang nginitian.
“Magandang umaga, tiya. Kumain na po kayo ng almusal, pagkatapos niyo pong kumain ewan niyo lang po diyan ang mga plato sa lababo. Huhugasan ko po mamaya pagdating ko galing school.”
Inirapan niya ako na siyang ikinangiwi ko na lamang. Wala siyang kibong umupo sa upuan. Tinawag niya mayamaya sina tiyo at ang anak niya.
“Half day ka lang naman ngayon, ‘di ba?” tanong niya sa akin habang naglalagay na ng kanina sa kanyang plato.
Naghugas ako ng aking kamay saka sinagot ang tanong niya. “Oho, tiya. Bakit po? May ipapagawa po ba kayo sa akin?”
Hindi na bago sa akin ang pag-uutos niya ng kung ano kapag half day lang ako sa school. Mayroong oras na inuutusan niya akong mamalengke, o kaya ang maaga sa pagbebenta ng balot, mayroon ring pinapalinis niya ako o pinalalaba ng kanilang mga maduming damit, minsan rin ay ako ang kanyang pinapapunta sa mga importanteng bagay na nagaganap sa kanya.
Tumayo siya saka may kinuhang isang nakatuping papel sa ibabaw ng refrigerator. Sobre iyon, isang sulat. Ibinigay niya iyon sa akin bago siya bumalik sa kinauupuan.
“Puntahan mo ang address na nakalagay sa likuran niyan mamaya pagkatapos mo rito sa bahay. Ibigay mo iyan sa taong nakalagay diyan.”
Tumango ako at saka inilagay iyon sa aking bag. “Huwag po kayong mag-alala, tiya. Makakarating po ito sa kaniya.”
Palabas na ako ng bahay nang bigla niyamg tawagin ang pangalan ko.
“Milkita. . .”
Nilingon ko siya. “Bakit po?”
“Isa pa huwag na huwag mong bubuksan iyang sobreng ibinigay ko sa iyo. . .kung ayaw mong umikli ang buhay mo. . .” Ang boses niya’y puno ng pagbabanta.
Tumango-tango ako. “Makakaasa po kayo, tiya.”
NAPATIGIL ako sa aking paglalakad nang makita ko ang pamilyar na itsura sa hindi kalayuan. Nakasandig ito sa isa sa poste ng kuryente habang nakahawak sa string ng kanyang bagpack na itim. Umiling ako saka tumungo sa kanyang pwesto.
Napatayo siya nang tuwid nang makita niya ako. Ngumiti siya at tumikhim bago nagsalita. “Pupunta ka na ng school?”
Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon sa halip ay tinanong ko rin siya..
“Anong ginagawa mo dito?”
Umiwas siya ng tingin sa akin. “Hinihintay ka, sasabay ako sa iyo ngayon papasok ng school.”
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “At bakit ka naman sasabay sa akin?”
Inakbayan niya ako sabay kindat na siyang ikinatulak ko sa kanya. Tumawa siya.
“You are my friend from that public school, Milkita. First day ko ngayon, wala akong mga kilala doon, ikaw palang. Kaya sasabag ako sa iyo ngayon, para hindi naman ako maging lonet sa first day ko.” Ngumiti pa siya nang pagkalapad-lapad.
Napahinga ako nang malalim saka nagsimula nang maglakad. Sumunod naman siya sa akin at tumabi sa akin sa kaliwa.
“Bakit ganyan ka na kabait sa akin? Lumipat ka ng school namin para pahirapan ako, ‘di ba? Iyon ang sinabi mo sa akin, nakikipagkaibigan ka ba sa akin para mapadali ang plano mong iyon? Nagpapanggap ka lang ba kagabi?” Nilingon ko siya at siningkitan ng aking mga mata habang nakatitig sa kanya ng diretso.
Sinalubong niya ang mga titig kong iyon. “Huh! Aaminin ko na iyon ang plano ko sa iyo noong una. At totoo ang sinabi ko sa iyo noon sa canteen. Pero noong makita ko ang sitwasyon mo. . .iyon nga na kagabi. Napag-isipan kong hindi ko na lang itutuloy ang plano ko.”
Bigla akong lumamig dahil sa sinabi niyang paliwanag sa akin. Biglang umiba ang mood ko at nawalan na ng magandang mundo ko. Nawalan na ako ng gana, mukhang nasira na lamang iyon bigla.
Binilisan ko ang aking paglalakad pero nahabol niya pa rin ako.
“Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang kaawaan ako, Enfakid. Kaya kung awa ang nararamdaman mo sa akin sa kabila ng kabaitan mong ipinakita sa akin kagabi. Itigil mo na ang kahibangan mo. Hindi kita kakaibiganin, kaya lumayo ka na sa akin at bumalik sa dati mong school. Huwag mong babaguhin ang buhay mo dahil sa isang tulad ko.”
Hinawakan niya ako sa aking braso kaya napatigil ako sa paglalakad.
Hinila niya ako dahilan para mapaharap ako sa kanya. Tinitigan niya ako at walang salitang dinala niya ako sa kanyang mga bisig.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong niyayakap niya ako.
“I don’t know why, Milkita. Pero hindi awa ang nararamdaman ko sa iyo, at kagabi. Gusto talaga kitang maging kaibigan, hindi ko alam ang rason pero iyon ang nararamdaman ko.”
Tinulak ko siya nang malakas. “B-bakit ako? Marami siyang mga babaeng pwede mong maging kaibigan, Enfakid. Iyong mga babaeng kasing antas mo! Kaya layaun mo na ako, wala akong kwentang kaibigan.”
Ngumiti lang siya sa aking sinabi na siyang ikinagulat ko. Iyong marami pa sana akomg sasabihin pero na blanko na lamang ang isipan ko dahil sa ngiti niyang iyon.
“Hindi mo ako mapipigilang kaibiganin ka, Milkita. Dahil alam kong walang katotohanan iyang mga pinagsasabi mo. Alam kong gusto mo rin akong maging kaibigan.”
Umirap ako at umiwas ng tingin sa kanya. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Gusto ko siyang maging kaibigan rin at pawang kasinungalingan ang mga pinagsasabi ko.
Hinawakan niya ang aking kamay saka hinila na para lumakad ulit papuntang paaralan.
“From now on. . . kaibigan na kita, at kaibigan mo na rin ako.”
Hindi na ako nakapagsalita pa. Pinili ko na lamang ang maging tahimik at dinama ang malambot niyang kamay na nakahawak sa kanan kong kamay.
Enfakid Monteneille. . .you are different. . .far different.