Chapter 6

1177 Words
PINAPAIKOT-IKOT ko ang hawak-hawak kong ballpen sa aking kanang kamay habang naglalakad sa gilid ng kalsada pauwi na sa bahay. Nang matapos ang aming klase ay agad akong nagpa-alam kina Cardoy at Marce. Hindi pa rin makapaniwala ang dalawang kaibigan ko na kaklase na namin si Enfakid. At mas lalong hindi sila makapaniwala nang malaman nilang magkaibigan na kami. Sino ba naman ang hindi magugulat? Kilala ako sa loob ng classroom na walang sinasamang lalaki o kinakaibigan man lang maliban sa bakla. Pero naiba na ngayon ang ihip ng hangin. Biglaan na lamang akong may kaibigang lalaki. Mukhang maiiba na ang ihip ng hangin na darating sa buhay ko. Sana hindi masama, sanq maayos naman. Sawa na ako sa mga pagsubok. Pumasok na ako ng bahay at agad tumungo sa aking silid na nasa bodega. At ang kamang sinasabi ko kanina ay isang malaking sofa. Sira na nga dahil sa mga kagat ng daga. Pero ayos, pa naman at naresulbahan ko. Nagawa kong kama, kahit papano'y may mahihigaan ako kaysa matulog ako sa lapag. Initsa ko ang aking bag sa sofa at agad na nagtungo sa kabinet para humanap ng damit na aking ibibihis. Kailangan ko pang maghugas ng mga plato at maglinis ng bahay bago ko ihatid iyong pinapahatid ni tiya. Kailangan kong magmadali kung ayaw kong abutan ako ni tiya rito at hindi pa rin ginagawa ang utos niya, yari ako. Pagkabihis ko'y agad akong tumungo sa kusina at hinugasan na ang plato. - NANG MATAPOS akong maglinis ng buong bahay ay tumingin ako sa orasan na nasa sala namin. Alas tres na ng hapon, may oras pa ako para ihatid iyong sulat na inutos sa akin ni tiya. Kailangan kong magmadali at baka maabutan niya akong nandito pa rin sa bahay. Dali-dali akong pumunta sa likod ng bahay at kinuha ang aking lumang bisikleta. "Bakit ngayon lang kita naalala?" Kausap ko rito bago sinakyan. Palabas na ako sana ng gate nang bigla na lamang may pumigil sa aking bike mula sa likuran. Lumingon ako't nakita ko si Enfakid na nakatayo habang hawak-hawak ang bakal ng bisikleta ko sa likuran. Nakasuot siya ng polo shirt na itim at pedal na itim rin. Nakasapatos siya ng kulay puti. Ngititing-ngiti siya sa akin nang tumama ang aming paningin na dalawa. Kumunot ang aking noo. Anong ginagawa ng lalaking ito rito? Bumaba ako ng aking bisikleta. "Anong ginagawa mo rito?" Hinila ko siya papalayo sa harap ng aming bahay at ang aking bike. "Hinihintay ka. Ang tagal mong lumabas." "Ibig sabihin, kanina ka pa dito?" Agad siyang tumango saka pumamulsa. "Yes, kanina pa kita hinihintay. Kanina pa ako nakatayo diyan sa labas ng gate ng bahay niyo. Kanina pa ako sinisikatan ng araw." Umirap ako sa hangin dahil sa kanyang sinabi. Wala naman akong sinabi sa kanyang maghintay siya sa akin sa labas. Anong pumasok sa isip ng lalaking 'to? "Ano ba ang pumasok sa isip mo at hinintay mo ako dito sa labas? Hindi ka man lang nagsabi sa akin kanina na may plano ka palang puntahan ako." Hinila niya ang bisikleta ko at sinakyan iyon. Nanlaki ang mga mata ko. "Wala ka na sa school noong hanapin kita. Umuwi ka na daw, kaya hindi ko nasabi sa iyo na pupuntahan kita ngayon. Saka, akala ko kasi magtitinda ka ng balot. Sasamahan sana kita," sabi niya sabay sa pagbalanse ng bisikletang sinakyan. Hinampas ko siya sa kanyang balikat dahilan upang mapa-Aww siya nang malakas. "May pupuntahan pa ako ngayon, Kid! Umalis ka diyan, nagmamadali ako." "What did you say?" Seryoso ang mukha niya nang itanong niya iyon sa akin. Kumunot ang noo ko. Bumaba siya ng bike at humakbang palapit sa akin. "Ulitin mo nga ang sinabi mo. . ." muling sabi niya. "Huh? May pupuntahan ako, at nagmamadali. Kaya kita pinapaalis sa bike ko." Umiling siya, "Hindi iyong tawag mo sa akin." "Enfakid? Oh, anong mayroon sa pangalan mo maliban na hango ito sa gatas? Alis na nga diyan, nagmamadali ako." Tinulak ko siya para makuha ko ang aking bisikletamg nasa likuran niya. Pinatayo ko iyon mula sa pagkakatumba. Pasakay na sana ako nang pigilan niya ako. "Call me again in that way, Milkita." Hinila ko mula sa kanya ang aking braso na hawak-hawak niya. "Enfakid, wala akong oras na makipag-lokohan sa iyo ngayon. Seryoso akong nagmamadali ako." Pero hindi niya binitiwan ang braso ko. "Call me, 'Kid' again, Milkita." Napatigil ako sa pagpupumiglas mula sa kanyang pagkakahawak nang marinig ko ang sinabi niya. Tumikhim ako. "Kid. . ." At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang yakapin niya na lamang ako bigla. "Oh, God. Thank you!" Kahit hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya ay niyakap ko siya pabalik. Hindi ko alam pero napangiti ako sa mga oras na iyon at tumibok ng malakas ang puso ko. "Halika na, ako na ang maghahatid sa pupuntahan mo." Pinatayo niya ang aking bisikleta at sumakay siya roon. Napatitig ako sa kanya na puno ng katanungan. "Angkas ka sa likuran, Milkita. And let me drive you." Wala na akong nagawa pa kundi ang sumakay na lamang sa likuran at hinayaan siyang mag-padyak ng pedal. - TINAPIK KO ang balikat ni Enfakid nang makita ko na ang address na nakalagay sa sobreng hawak ko. Huminto kami sa isang bahay na medyo luma na rin. Agad akong bumaba ng bisikleta. Tinignan ko si Enfakid. "Dito ka lang, huwag kang aalis sa pwesto mo." Iniwan ko na siya at tumungo na ako sa may harap ng pinto. Kumatok ako ng dalawang beses bago ako pinagbuksan ng may-bahay. Isang babaeng nakasaya ang sumalubong sa akin. Buntis ito dahil sa malaki ng umbok ng kanyang tiyan. Kahit mukhang wala siyang ayos sa sarili ay hindi pa rin iyon nakabawas sa kanyang kagandahang taglay. Puno ng pagtataka ang titig nito sa akin. Noon ko na lamang nagawang mag-salita nang kumalansing bigla ang isang bagay na stainless sa sahig. Nagmumula iyon sa loob. Mukhang may ginagawa pa sila sa loob. "Andito po ako para ihatid sa inyo ang sulat ni Laura." Napatingin siya sa sobreng inilahad ko sa kanya. Tinitigan niya iyon ng ilang segundo. Bago kinuha mula sa pagkakahawak ko. Ngimiti siya sa akin. Nagtataka ako kung ano-ano siya ni tiya Laura. Kung ano ang koneksyon nilang dalawa. Hayst. Hindi ko na nga iyon isipin pa. Bahala na si tiya. "Salamat, pakisabi kay Laura nakuha ko na. At sa mga susunod na araw ang pagpadala ko ng tugon sa kanya." Tumango ako. "Makakarating po sa kanya," sabi ko bago na humakbang patalikod. Narinig kong isinara na nito ang pinto. Dali-dali naman akong lumapit kay Enfakid na malalim at seryosong nakatitig sa akin. Kinunotan ko siya ng aking noo. "What?" Hinawakan niya ang aking kamay saka pwersahang punaupo sa harapan na malaking bakal ng bisikleta. Ang ending nasa harapan ako ng bisikleta nakaupo. Samantalang siya ay nasa upuan ng bisikleta at siya ang taga-pedal. "It's time to sell balot, Milkita! Were going home!" Napahigpit ang hawak ko sa harap ng bisikleta nang bumilis ang pagpapatakbo niya. "Kid!" sigaw ko dahil sa kaba. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD