Chapter 7

1061 Words
HALOS araw-araw akong hinihintay ni Enfakid sa labas ng aming gate tuwing papasok ako sa school at kapag magtitinda na ako ng balot. Panatag ang loob ko dahil hindi naman siya nagpapakita kina Tiya at Tiyo. Mabuti na lamang at nasabihan ko siyang huwag na huwag magpapahuli kung hindi ay katapusan ko. Wala ring palya ang palagi niyang pagsama sa akin sa pagtitinda ng balot. Kaya't malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung hindi dahil sa pagsama niya baka palagi na lamang akong walang tinda. At maraming sobra na balot na tiyak ikakagalit nila Tiya Laura. Bagaman ako ay nahihiya na'y kinakapalan ko na lamang ang aking mukha. Saka si Enfakid na rin naman ang nagsabi na tulong niya iyon sa akin. Gayunpaman, kailangan ko ring suklian ang kabutihang pinapakita niya sa akin. Lumabas na ako ng gate dala ang dalawang basket ulit ng balot. Mainit ang ulo nila tiya at tiyo. Hindi na ako nagpa-alam pa sa kanila na ako ay magtitinda na. Mahirap na at baka ako na naman ang pambuntunan nila ng galit. Kung ayaw kong hindi mapaaga ang paglalamay sa sementeryo. “I've been calling to you one hundred times, Milkita.” Napalundag ako dahil sa gulat. Sumalubong sa akin ang seryosong paningin ni Enfakid. Nakapamulsa na naman siya. Agad niyang kinuha ang isang basket ng balot na dala ko. Alas sais palang ng gabi kaya marami pa namang tambay sa plaza nito at sa gilid ng kalsada. “Hindi ko na charge. Low bat ako.” Umiling-iling siya saka nagpatiuna nang lumakad. Agad naman akong sumunod sa kanya. Napatingin ako sa langit. “Ang ganda ng mga bituin ngayon. Ang dami nila sa langit. Maging ang buwan, ang ganda ng sinag niya.” Tumigil sa paglalakad si Enfakid saka napatingala rin sa langit. “Yeah, just like you.” Gulat akong napabaling sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa akin at tinitigan niya ako nang mataman. Hindi ko alam pero hindi ko yata imahinasyon ang unti-unting paglapit ng mukha ni Enfakid sa akin. Pero natigil siya nang may isang bata ang lumapit sa amin para bumili ng balot. Ngumiti ako at bumaling sa batang babae na kahit bata pa ay ang ganda na. “Ilan bata?” tanong ni Enfakid saka niya pinantay ang taas sa batang babae. Bumaling ang tingin sa kanya ng bata. Napangiti ako. Pinagmasdan ko lamang siya kung paano niya balutan ng balot ang batang babae. Hanggang sa bigyan niya ito ng sukli at tumakbo na papalayo ang bata. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya. Kung hindi lang siya tumikhim ay baka hindi pa ako nahihimasmasan. “Tititigan mo lang ba ako? O magtitinda na tayo ng balot?” ngising untag niya sa akin. Inirapan ko siya at sinapak sa kanyang dibdib. “Kapal mo! Magtitinda siyempre, kailangan nating maubos ulit ngayon ang dalawang basket ng balot na ito.” Narinig ko siyang humalakhak sa likuran ko nang unahan ko na siya sa paglalakad. Nilingon ko siya saka inirapan nang bonggang-bongga. Pero nang tumalikod ako'y hindi ko mapigilan ang mapangiti nang malapad. Napahawak ako sa aking dibdib. At ang lakas ng t***k no'n na hindi ko maintindihan. — NAGLALAKAD NA kami pauwi ni Enfakid. At ang laki ulit ng ngiti ko dahil naubos na naman naming ibenta ang dalawang basket ng balot. “At dahil naubos ulit natin na itinda ang lahat ng balot ngayong gabi! Ililibre kita!” pahayag ko habang nakaharang sa harapan ni Enfakid. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang kanyang pagngisi at ang pagdaan ng mumunting kislap sa kanyang mga mata. Amused siyang tumitig sa akin. Tinaasan niya ako nang kilay tila ba naghahamon kung kagagawa ko ba ang aking sinabi bago lang . . .o hindi. “Talaga, huh?” Tumango-tango ako. “Talagang-talaga! Kaya halika na at ililibre kita!” Agad kong hinawakan ang kanyang kamay saka hinila na siya papunta sa mga nagtitinda ng street foods. Nilingon ko siya. “Hindi ka naman siguro mapili, 'di ba? Kumakain ka naman ng mga ganitong klase ng pagkain? Thirty pesos lang ang kaya kong ilibre sa iyo,” tanong ko sa kanya saka sinundan pa ng aking pagkukunot-noo. Wala siyang sabi-sabi at kumuha siya ng isang transparent cup at naglagay doon ng isang piraso ng kwek-kwek, ilang tusok ng fishball at kumuha rin siya ng betamax. Manghang-mangha akong nakamasid lamang sa kanyang ginagawa. “Thirty pesos lang 'di ba? Sakto na itong kinuha ko. Bumili ka na rin ng para sa iyo.” Wala na akong nagawa pa kundi ang kumuha na rin ng para sa akin at binayaran na ang aling nagtitinda. Isa kwek-kwek, betamax at dynamite ang aking binili. “Maraming salamat po,” pasasalamat ko rito matapos kong matanggap ang sukli niya sa isang daan na ibinigay ko. Lumapit ako kay Enfakid na hinihintay ako habang kumakain. “Proud na talaga ako sa iyo. Ikaw lang yata na mayamang nakilala kong kumakain ng ganitong klaseng pagkain.” Tumawa siya nang mahina. “Hindi naman kasi lahat ng mayaman tulad ng iniisip mo, Milkita. And to tell the truth, marami pa ang tulad ko sa mundo. Hindi mo lang talaga sila nakakasalamuha minsan.” Kumibit-balikat ako saka inisang subo na ang dalawang dynamite na binili ko. “Kung sabagay, oo nga pala. Salamat sa palaging pagtulong at pagsama mo sa akin, Kid ah? Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob sa iyo.” Inakbayan niya ako saka pinanggigilan. “You don't have to think that Milkita. Hindi ako humihingi ng kahit anoman. Hayaan mo lang akong pumasok sa mundo mo, okay na ako doon.” Ngumiti ako saka tinampal ang kamay niya. “Tsansing ka na naman!” Tumawa siya na siyang ikinatawa ko na rin. Ilang hakbang ang nagawa ko bago ako napatigil dahil sa aking nasaksihan. Nabitawan ko ang transparent cup na hawak-hawak ko. May laman pa iyong isang stick ng betamax. Maski si Enfakid ay napatigil rin sa aking tabi at sa kanyang paghalakhak. Mga sigawan ang rumihestro sa aking pandinig at ang pagtatakbuhan ng mga tao habang sumisigaw ng ‘sunog’. Napakapit ako sa batlikat ni Enfakid habang tumutulo ang aking luha sa pisngi. “Kid. . . ang bahay namin. . . ang bahay namin nasusunog. . .” Hindi! Wala na. . . wala na kaming bahay. Paano na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD