Bitbit ni Rax ang sampung paper bags ng mga mamahaling damit ni Ning, habang si Donya Aurora naman ay tila rumarampa sa parking lot. Si Ning? Ayun, halos hindi makalakad nang maayos dahil sa suot na emerald green na dress at 4-inch heels. "Sir, parang hindi ko na ramdam ang daliri ko sa paa! Ganito po ba talaga ang feeling ng mayaman? Parang laging nakatapak sa pako?" reklamo ni Ning habang kumakapit sa braso ni Rax para hindi matumba. "Tigasan mo ang tuhod mo, Ning. You're a Vantress fiancée now," biro ni Donya Aurora. Pero bago pa sila makarating sa itim na sports car, isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan ng parking lot. "LUNINGNING! MAHAL KO!" Napatigil ang tatlo. Mula sa likod ng isang poste, lumabas ang isang lalaking naka-polo shirt na may print ng sunflowers, naka

