Gabi na pero maliwanag pa rin ang ilaw sa opisina ni Raxon. Nakasandal siya sa kanyang swivel chair, pinapaikot ang isang ballpen habang malalim ang iniisip. Ang tahimik na gabi ay nagulo nang makarinig siya ng tatlong mahinhin pero madiing katok. "Pasok," maikling sagot ni Rax. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Donya Aurora. Wala na ang kanyang abaniko, at ang kanyang mukha ay seryoso na—malayo sa tawa niya kanina habang kumakain ng Chickenjoy. "Ma? Bakit gising ka pa? Anong isinumbong sa'yo ni Monica at napasugod ka rito na wala man lang pasabi tapos kasama mo pa ang babaeng iyon?" tanong ni Rax, direkta at walang paligoy-ligoy. "Monica is Monica, Raxon. Sanay na ako sa kadramahan ng batang 'yun," sagot ni Aurora habang umuupo sa tapat ng table ng anak. "Nandito ako dahil gusto ko

