Ang mansyon ni Vince Raxon Vantress ay parang museum: napakalaki, napakatahimik, at talaga namang nangangamoy milyones. Pero higit sa lahat, nakakatakot hawakan ang kahit ano dahil baka mas mahal pa ang presyo nito kaysa sa buhay ko.
Matapos akong i-tour ng mayordomang si Manang Fe sa aking kwarto—na sa totoo lang ay mas malaki pa sa buong bahay namin sa Samar—ay binigyan niya agad ako ng warning.
"Ning, tatandaan mo, ayaw ni Sir Raxon ng maingay, ayaw niya ng makalat, at higit sa lahat... ayaw niyang nakikita ang mukha mo kapag hindi kailangan," seryosong bilin ni Manang Fe habang inaayos ang uniporme ko.
"Opo, Manang Fe. Gagawin ko po 'yun para kay Tatay," sagot ko habang nakakuyom ang palad.
Pero ang unang gabi ko ay hindi nagsimula sa katahimikan. Nagsimula ito sa kape.
Bandang alas-diyes ng gabi, tumunog ang intercom sa kusina.
"Fe, coffee. Now. No sugar, just a drop of milk," matigas na boses ang narinig ko. Iyun na 'yun! Ang boses ng Dragon! Uuuwaaaa, gabi na pero kape pa rin ang hanap.
Agad namang nag-timpla si Manang Fe, inayos niya ito akala ko siya ang maghahatid ngunit.
"Ning, ikaw na ang magdala sa kwarto niya. Busy ako sa laundry," utos ni Manang Fe na tila nagmamadali.
"Ha? Eh, Manang Fe, 'di ba sabi niyo ayaw niyang makita ang mukha ko?" kabado kong tanong.
"Wala siyang choice ngayon. Basta ilapag mo lang ang kape sa side table niya at lumabas ka agad. Huwag mo siyang titingnan sa mata!" Sagot nito sa akin bago pumasok sa Laundry area.
Dala ang isang tasa ng kape na gawa sa mamahaling porselana, dahan-dahan akong umakyat sa ikalawang palapag. Bawat hakbang ko sa carpeted na sahig ay parang may kasamang panalangin.
"Sana hindi ako masisante, sana hindi ako masisante." Mahina kong bulong para na akong mangkukulam sa ginagawa ko.
Nakarating ako sa tapat ng isang malaking pinto. Ito na 'yun. Ang kwarto ng bilyonaryong si Raxon Vantress. Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot. Kumatok uli ako. Wala pa rin.
"Baka tulog na?" bulong ko sa sarili ko.
Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at bumukas ang pinto. Ang kwarto ay madilim, ang tanging liwanag ay galing sa naglalakihang bintana na nakaharap sa city lights at ang asul na ilaw mula sa laptop sa study table.
Nandoon si Sir Vince Raxon Vantress. Nakatalikod siya sa akin, nakaupo sa kanyang swivel chair, busy sa pagta-type. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay hindi ang laptop niya.
Kundi ang suot niya.
O mas tamang sabihin. Wala siyang t-shirt. Ang malapad niyang likod ay kitang-kita, ang bawat muscle ay tila nililok sa bato. Mula sa kanyang balikat hanggang sa kanyang baywang, perpekto ang hubog. Hindi ko napigilang mapahinto. Grabe, ang init yata dito sa kwarto niya?
Kahit gusto kong tumitig pa, naalala ko ang bilin ni Manang Fe. Ipagpatuloy ko ang misyon, para makalabas na dito.
Naglakad ako palapit sa study table. Sinikap kong huwag lumikha ng ingay. Nilapag ko ang tasa ng kape sa side table, sa pinakamalayong sulok para hindi ko siya maabala.
"I don't remember asking you to come in without my permission," biglang nagsalita ang malalim at malamig niyang boses. Hindi siya lumingon, pero naramdaman ko ang tensyon sa bawat salita niya.
Napatalon ako sa gulat. Sa takot ko, nawalan ako ng balanse. Ang kamay ko ay biglang napadapo sa mesa para sana hindi ako matumba, pero ang nasagi ko ay ang tasa ng kape.
Clatter!
Nalaglag ang tasa. Hindi sa sahig, kundi sa mesa, diretso sa ibabaw ng stack ng mahahalagang papel at, ang malala, tumalsik ang kape sa binti niya.
Napatayo si Sir Raxon sa bilis ng kidlat. "s**t!" mura niya, habang tinitingnan ang nabasang binti ng kanyang suot na... silk boxer shorts? At doon ko napansin... ang silk ay manipis. At basa. Teka ano yun?
Namula ang buong mukha ko, hanggang tenga. Ang focus ko ay hindi na sa binti niya kundi sa isang partikular na bump na mas lalong naging visible dahil sa pagkabasa ng manipis na tela. Oh my God!
"Ano'ng ginawa mo?!" galit na asik ni Sir Raxon, habang nakatitig sa akin ng masama. Lumingon na siya sa wakas, at ang mukha niya ay puno ng pagkairita at kaseksihan? Ang mga mata niyang singkit ay tila may apoy.
"S-sorry po, Sir! Sorry po talaga!" taranta kong sagot, habang sinusubukang punasan ang mesa gamit ang laylayan ng uniporme ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong punasan ang mesa o ang binti niya.
"Get out! Manang Fe! Get this clumsy maid out of here!" sigaw niya, habang sinusubukang ayusin ang sarili.
"Sir, wait lang po! Lilinisin ko po!" Sa sobrang taranta ko, imbes na lumabas, ay lumapit pa ako para tulungan siyang punasan ang kape sa kanyang binti gamit ang aking panyo.
"Hu-wag mong hahawakan 'yan!" sigaw niya, sabay hablot sa kamay ko. Ang hawak niya ay mahigpit, mainit yung kamay niya at nakakakuryente.
Napatitig ako sa kanya. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Ang bango niya amoy peppermint at mamahaling pabango. At sa unang pagkakataon, napansin ko kung gaano kahaba ang pilik-mata niya at kung gaano kapula ang labi niya, kahit galit na galit siya.
"S-Sir..." mahina kong sabi, habang hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang mga mata.
Napatigil din siya. Ang galit sa mga mata niya ay napalitan ng isang expression na hindi ko maintindihan, pagkagulat? Pagkalito? Tila napansin din niya na ang lapit namin sa isa't isa.
Du-dug. Du-dug. Du-dug.
Ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa takot o dahil sa bagay na nakita ko kanina sa binti niya.
Clack!
Bumukas ang pinto at pumasok si Manang Fe, na hingal na hingal.
"Sir Raxon! Ano'ng nangyari? Ning! Ano'ng ginawa mo?!" Gulat na tanong ni Manang Fe.
Sabay kaming nagkahiwalay ni Raxon. Mabilis siyang tumalikod at bumalik sa kanyang swivel chair, na tila walang nangyari.
"Get her out of my sight. Now," malamig niyang sabi, na tila hindi na galit kundi mas... iritable?
"Opo, Sir! Tara na, Ning!" Hila-hila ako ni Manang Fe palabas ng kwarto.
Bago sumara ang pinto, lumingon ako uli kay Raxon. Nakaupo pa rin siya, nakatalikod sa akin, pero ang tenga niya ay tila mapula.
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas kami. Ang unang gabi ko sa mansyon ni Vince Raxon Vantress ay nagsimula sa kape, pero parang may iba pang nag-init maliban sa tasa.
"Ano ba'ng ginawa mo doon, Ning? Sabi ko sa'yo, 'wag mong hahawakan kahit ano!" pagalit na bulong ni Manang Fe sa hallway.
"Sorry po, Manang Fe. Nasagi ko lang po 'yung kape," paliwanag ko, habang sinusubukang pakalmahin ang puso ko.
"Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo. At magdasal ka na hindi ka masisante bukas." Bilin nito sa akin habang umiiling-iling.
Pabalik sa kwarto ko, ang tanging tumatakbo sa isip ko ay hindi ang takot na masisante. Kundi ang imahe ng silk boxer shorts ni Sir Raxon Vantress.
"Uwaaa ang DAKS niya, gaano kalaki yun? Oh my gosh.... Bakit kasi tumingin ako Doon?!!"bulong ko sa sarili ko, sabay takip sa mukha kong pulang-pula.
.
.
~ITUTULOY