Sabi nila, sa Maynila, ginto ang bawat galaw. Pero sa bawat hakbang ko sa sementadong kalsadang ito, tila mas lalo lang akong nalulunod sa kawalan ng pag-asa.
Hila-hila ang isang lumang maleta na halos bumigay na ang gulong, tumingala ako sa nagtataasang building sa Makati. Sa edad na dalawampu't dalawa, dapat sana ay nag-aaral pa ako o nag-eenjoy kasama ang mga kaibigan ko sa Samar. Pero iba ang tadhana sa akin. Napadpad ako rito hindi dahil sa pangarap, kundi dahil sa isang desperadong pangangailangan.
Nakahiga si Tatay sa ospital sa probinsya, unti-unting kinakain ng sakit. Sabi ng doktor, kailangang ma-opera ang kanyang puso sa lalong madaling panahon. Saan ako kukuha ng daan-daang libo? Kami na nga ang pinakamahirap sa baryo, kami pa ang sinubok ng ganito. Kaya nang ialok sa akin ng isang malayong kamag-anak ang mamasukang kasambahay sa isang VIP sa Maynila na may malaking pa-suweldo, hindi na ako nag-atubili. Kakayanin ko ang lahat, basta madugtungan lang ang buhay ni Tatay.
Akala ko, paglilinis lang ng bahay, pagluluto, at paglalaba ang gagawin ko. Kayang-kaya ko 'yun. Pero hindi nila sinabi na ang magiging amo ko ay isang Vince Raxon Vantress.
Siya ang bilyonaryong madalas laman ng balita ang "Golden Boy" ng business world na laging nakasimangot. Gwapo sana, pero ang ugali, kasing-tigas ng bato at kasing-init ng impiyerno. Unang araw ko pa lang, halos palayasin na ako dahil lang sa maling pagkakalapag ng kape niya.
"I don't pay you to stare at me, Miss Dimalanta. Move!" ang asik niya habang hindi man lang inaalis ang tingin sa laptop niya.
Galit siya sa mundo, masungit sa lahat, at ang pinaka-rules niya: Stay out of his sight. Pero paano ako lalayo kung sa bawat sulok ng mansyong ito, tila hinihigop ako ng presensya niya?
Bago ako tuluyang nakatapak sa harap ng Dragon, kailangan ko munang dumaan sa butas ng karayom—at ang karayom na 'yun ay walang iba kundi si Mr. Alfonso, ang Butler ng mga Vantress.
Nakatayo siya sa gitna ng malaking sala, tuwid na tuwid ang likod na parang nakalunok ng ruler, at may hawak na gintong clipboard. Nakasuot siya ng tuxedo kahit tirik na tirik ang araw. Tiningnan niya ako mula sa luma kong tsinelas hanggang sa bitbit kong backpack na may burda pang "Samar is Love."
"Name?" malamig niyang tanong, pagod na ba siya? Ang sungit eh, parang may nagawa agad akong kasalanan. Kaya siguro siya kalbo, stress yarn?
"Luningning Dimalanta po, Ser! Pero Ning na lang para short, para tipid sa laway," masigla kong sagot sabay pakita ng bungi kong ngiti sa gilid.
"Age?"
"Twenty-two po. Pero sa hirap ng buhay, pakiramdam ko po trenta na ako." Ngiting-ngiti ko na sagot sa kanya.
Bumuntong-hininga si Mr. Alfonso at naglista sa clipboard. "Miss Dimalanta, ang mansyong ito ay hindi basta-basta. Si Sir Raxon Vantress ay isang mabusisi, mainisin, at perfectionist na tao. We need someone efficient. Are you efficient?" Tanong nito, sabay tingin sa akin. Seryoso pa rin ang mukha nito.
"Naku, Ser! Sobrang efficient ko po! Sa amin sa Samar, ako ang champion sa pag-akyat ng niyog habang may kagat na pandesal! At sa paglalaba? Isang kuskos ko lang sa batya, pati kasalanan ng kapitbahay namin, nawawala sa puti!" Masigla kong pagmamayabang sa kanya, masipag pa sa masipag ito.
Tumaas ang isang kilay ni Mr. Alfonso. "Hindi tayo maglalaba sa batya rito. We have high-tech machines. Marunong ka bang gumamit ng smart appliances?"
Napakamot ako sa ulo, gaano ba katalino ang mg appliances nila dito?
"Smart? May talino po ang washing machine niyo? Ilang percentage ang talino niya? Baka mas matalino pa 'yun sa akin, Ser, baka mag-away lang kami sa loob ng laundry room. Palaban pa naman ako, lalo kung nasa tama." Agad ko na sagot sa kanya habang patuloy pa rin sa pagkamot ng aking ulo. Muli siyang bumuntong-hininga, bakit wala namang mali sa sinabi ko.
Nako kung usapang braincells lang ay ubos na ang laman ng utak ko ngayon.
"Let's proceed to the skills test," seryosong sabi ni Alfonso. Itinuro niya ang isang mamahaling vase sa gilid.
"How would you clean that 18th-century Ming Dynasty vase?" Seryoso at malamig niya na tanong Kay Luningning.
Lumapit ako at hinawakan ang vase. "Ah, madali lang 'to, Ser! Babasain ko ng tubig, lalagyan ng Joy na kalamansi para tanggal-sebo, tapos kuskusin ko ng steel wool para kumintab!"
Halos malaglag ang salamin ni Mr. Alfonso.
"Steel wool?! That costs five million pesos, Miss Dimalanta! Isang gasgas lang, ibebenta namin pati kaluluwa mo para pambayad!" Halata sa Mukha nito ang galit dahil sa aking sinabi. Nako mukhang ma-highblood pa itong matanda.
"Ay, mahal pala 'yan? Akala ko po lalagyan lang ng bagoong!" bawi ko agad habang dahan-dahang inilalayo ang kamay ko. "Sige po, punas-punas na lang ng bimpo na may konting laway, joke lang po!" Muli kong biro pero hindi man lang ito tumawa, ang hirap naman kapag tanders na. Laging seryoso sa buhay.
"And lastly," pagpapatuloy ni Alfonso habang minamasahe ang sentido niya. "Sir Raxon hates noise. He hates chatter. Can you remain silent for twelve hours a day?"
"Twelve hours po na walang kibo? Ser, baka tumubo ang amag sa dila ko niyan! Pero sige po, para kay Tatay, magpapanggap akong napu-pipi. Pero kapag po ba nadulas ako o nakabasag, pwede po bang sumigaw ng 'Ay, kabayo!' o bawal din?"
"Strictly no unnecessary sounds," diin ni Alfonso. "But since we are desperate for a stay-in helper dahil lahat ng nauna sa'yo ay nag-resign matapos ang isang oras... you're hired. For now."
"Talaga po, Ser?! Yahoo! Salamat po! Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko pong kasing-linis ng budhi ng sanggol itong mansyon!"
Muntik ko nang mayakap si Mr. Alfonso sa tuwa pero hinarang niya ang clipboard niya.
He was my boss. I was just the helper. Pero sa likod ng mga sigaw at pagiging strikto niya, may kung anong tukso na unti-unting sumisira sa distansyang itinakda ko. Sabi nila, bawal ang pangarapin ang langit kung nasa lupa ka lang. Pero paano kung ang mismong langit ang bumababa para akitin ka?
~ITUTULOY