VERONICA'S POV
"Wake up, sleepy head! Hey! I said wake up."
Tsk, I hate it when she does that. Mas yumakap ako sa unan ko at pinabayaan siya.
"Heeey, wake up or I'll eat the breakfast I made for you!!" Bakas na ang iritasyon sa kanyang sumisigaw na boses.
"Go ahead, eat it. I'll just buy later."
Porke't 'di ako marunong magluto ay gaganyanin niya ako. I have connections, duh.
"Aba, bumangon ka na nga! I don't want to be late in our first day of school."
"Wake me up one more time and I will punch you, Zairie," banta ko.
"Sige nga, Veronica, punch me."
"Tsk."
Bumangon na lang ako at dumiretso sa CR. I'm sick of her voice waking me up always. She's Zairie Kai Perez, my bestfriend. This is our first day of school. We just transferred yesterday. Bumaba na ako at dumiretso sa table para kumain.
"What? You're wearing that?"
Napatingin naman ako kay Zai nang sabihin niya iyon. What's wrong with my outfit? I don't see any problem with it.
"Why?"
"Seriously? Black lahat? A-attend ka ng libing, 'te? Black leggings paired with a large black T-shirt?" 'di makapaniwala niyang tanong.
"Hayaan mo na kasi ako. I like this kind of outfit. Just eat."
Napa-tsk na lang siya. I love to wear loose T-shirts. I love black and white. I hate girly colors and girly things. I'm not a lesbian, I just hate those things. It's so pabebe.
Matapos naming kumain ay pumunta na kami sa school using our bikes. Unfortunately, we have to use bikes. We don't use cars because we don't have one. At the moment, I'm living in Zairie's place. Her mom and dad are in another country. They visit us barely.
"Hey, ano nga ulit ang pangalan ng school natin?"
"It's Angeles University."
"Oh right, are you excited?"
"A little," I lazily replied.
"Same."
Ilang minuto rin ang lumipas bago kami nakarating sa school. May sariling parking lot ang school na ito kaya naman pwede ipasok ang mga vehicles.
"Tayo lang 'ata ang may bike dito. Kotse lahat, e."
She's right. Kotse lahat, wala kang makikitang motor, bike, o scooter man lang. Pumasok na kami sa loob ng school at hinanap ang kwarto namin.
Tumitingin sa 'min ni Zairie ang bawat estudyanteng madaanan namin. They are whispering to each other. Bumubulong pero rinig na rinig namin, wow.
"OMG, transferees?"
"Eww, her fashion taste sucks. Buti pa 'yong kasama niya."
"OMG, I can 'saw' her charm. Her appeal is so 'strength'."
RIP, grammar. Tsk, English nang English, 'di naman marunong. Patuloy lang kami sa paghanap ng room namin nang may bumangga sa 'king babae.
"WTF?! Watch where you're going," sigaw niya sa 'kin.
Tiningnan ko lang siya at nag-flip ng hair. Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang braso ko. Agad ko namang binawi ang braso ko at hinarap siya. She wants a fight? Then I'll give it to her.
"Hindi ka man lang ba magso-sorry?! 'Di mo ba ako kilala? Are you some kind of a poor b*tch?"
"Ba't ako magso-sorry kung wala naman akong kasalanan? FYI, I don't care whoever you are and don't call me a b*tch because the real b*tch here is you."
"What did you just say?!" Bingi yata 'to. Sigaw nang sigaw.
"Walang ulitan sa bingi." Nag-smirk ako sa kanya at iniwan siyang nakanganga.
"You really are a bad girl, Veronica," komento ni Zai.
"Yes I am, Zairie." Natawa na lang ako.
"Tsk. Oh look! Here is our room!"
Salamat naman at nakita na namin ang classroom namin. Agad kaming pumasok at pumwesto sa likuran. Nakatingin naman sa amin ang magiging classmates namin. Are we really that pretty?
Nag-bell na at dumating ang teacher namin. Nagbukas ako ng V-Fresh at ngumuya.
"Good morning class, I am Mrs. Antonio, your adviser for this academic year. May transferee ba tayo? Please introduce yourself."
Tss, 'transferees' dapat dahil dalawa kami. 'Yourselves' dapat dahil dalawa nga kami, tsk tsk. Tumayo na si Zairie para magpakilala. Alam niya talaga kung mauuna dapat siya sa 'kin o hindi. She knows me so well.
"Hey, I'm Zairie Kai Perez! I hope we can all be friends. Don't worry, I'm a good girl, hihi."
After that ay umupo na siya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-tweet ng random thoughts. Tiningnan ko si Zairie dahil kanina niya pa ako tinititigan. Yep, kanina pa simula no'ng umupo siya. Nararamdaman ko.
She gave me an ikaw-na look. Tinanguan niya ako para tumayo at magpakilala. Tsk, I really hate introductions because after you have introduce yourself, people will start to criticize you.
Pero dahil mapilit si Zairie ay tumayo pa rin ako.
"Veronica Clare Dellvega-Jung."
Umupo na ako pagkatapos kong sabihin ang buong pangalan ko. Pangalan lang ang kailangan nilang malaman sa 'kin at wala nang iba.
"Veronica Clare Dellvega-Jung? Dito ka?" tanong ni Mrs. Antonio sa 'kin.
"Uh, yes?" sagot ko rito.
"Walang nakalagay na Veronica Clare Dellvega-Jung dito sa class list ko."
Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkalikot sa cellphone ko. Tsk, ano ba 'yan. Mauubusan na 'ko ng load. Magpapa-load na lang ako mamaya.
"Uhm, class, since it's your first day of school, you're free to do whatever you want to do. Dismissed."
Napasigaw sa tuwa ang mga kaklase ko. I immediately grabbed my bag para sana umalis na nang tawagin ako ng teacher namin kaya napalingon ako sa kanya.
"Veronica? I think this is not your section."
Kumunot naman ang noo ko. What does she mean? Nagkamali ako ng classroom? 'Di ko classmate si Zai? Oh come on, Veronica, stop asking yourself. It's already obvious, psh.
"This is Class A-2. At sa pagkakaalam ko, ang classroom mo ay Class A-1."
Tumango lang ako at umalis na. Humabol sa 'kin si Zai.
"Hoy! Baliw ka ah. 'Di ka man lang nag-thank you kay ma'am."
"You know me, Zai. I don't use polite words. Takot akong mawala ang korona ko."
"Korona?"
"Yes. My crown as a bad girl."
Nag-smirk ako sa kanya at napailing naman siya.
"Nga pala, paano na 'yan, hindi tayo magkaklase." Bakas ang lungkot sa boses niya.
This is the first time na hindi kami magkaklase. Zairie is a good girl. Palagi siyang binu-bully sa dating school namin. Palagi ko rin siyang pinagtatanggol.
Ayokong nasasaktan siya lalo na kung binu-bully siya at wala ako, kaya tinuruan ko siyang lumaban at maging matatag. It went well. Matapang na siya ngayon pero ayaw niya talaga na nahihiwalay kami.
"Hey, cheer up! Sa section lang naman tayo hiwalay, e. Magkasama pa rin tayo palagi."
Ngumiti naman siya at niyakap ako. Nanlaki ang mga mata ko. Yah! 'Di ako sanay na niyayakap.
"Oy oy oy! Bitawan mo nga ako."
Kumalas na siya at tumawa. Gustong-gusto niya talaga ang inisin ako. At dahil walang class ay gumala kami ni Zai. 'Di na ako pumunta sa classroom ko dahil alam ko namang wala nang tao do'n, tsk.
This is the start of my new adventure in life. I wonder how my life would go in this school. Napangisi naman ako. This would be exciting.