Veronica's POV
Nagising ako sa 'di malamang dahilan. Dahil nauna akong magising ay nagpasya akong magluto ng breakfast.
Eggs and hotdogs lang ang lulutuin ko. Matapos kong magluto ay naligo na ako at nagbihis ng loose T-shirt and leggings.
"Good morning! Aba, himala 'atang nauna kang nagising sa 'kin."
"Good morning, Zai. Let's eat our breakfast na."
"Nagluto ka?!"
Kinuha ko ang eggs and hotdogs sa kusina at nilapag sa mesa. Napahagikgik si Zai kaya napatingin ako sa kanya.
"Pft, nakalimutan ko, 'di ka pala masyadong marunong magluto. Eggs at hotdogs lang pala ang alam mong lutuin, HAHAHA."
I glared at her. Binatukan ko pa siya. Napa-aray naman siya at sinamaan ako ng tingin. Tsk, 'pag ako natuto talagang magluto hindi ko ipapatikim sa babaeng 'to ang luto ko.
Kumain na kami at pumunta na sa school. As always, eyes are on us. Ang ganda ko kasi. Hinatid ko muna si Zai sa classroom niya.
"Yaaah! Vica! Behave ka sa classroom niyo, okay? Be a good girl please."
"I'll try but I won't promise."
She calls me Vica when laziness in pronouncing names strikes her. Para daw unique. Tss, ang daming alam e.
"Ih! Sige na, mauna ka na. Kita tayo mag-recess, okay?"
Tinanguan ko siya at umalis na. Hinanap ko ang room ko and luckily, nahanap ko agad ito. I felt something strange when I saw the door. Hindi pa bell pero nakasara ang pintuan.
Lumingon ako sa likod dahil pakiramdam ko may nakatingin sa 'kin, then nakita ko na lang na nakatingin sa 'kin lahat ng estudyanteng nasa labas ng room nila at nasa hallway.
Anong—? Ba't sila nakatingin sa 'kin?
"OMG! Papasok siya!?"
"Hala! Anong gagawin niya riyan? 'Di ba niya alam?"
"Waaah, patay siya 'pag binuksan niya 'yong pintuan. Patay talaga siya, gosh."
Mas kumunot ang noo ko sa mga sinasabi nila. Bakit ako mamamatay sa pagbukas ng pinto na 'to? At ano naman kung papasok ako sa classroom ko? This is my classroom.
Dahil nangangalay na 'ko sa kakatayo ay binuksan ko na ang pinto at pumasok. Nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa 'kin. Buti na lang magaling ang reflexes ko kaya naman nakaiwas agad ako.
It's a baseball. Tiningnan ko ang mga magiging kaklase ko. They are all boys. Wait, ako lang ba ang nag-iisang babae rito? Nakatingin silang lahat sa 'kin at ako naman ay nilalabanan ang tingin nila. 'Di ako magpapatalo.
Two minutes passed at may bumasag na sa katahimikan namin.
"Who are you?"
Isang lalaking may matangos na ilong, maputi, makinis ang mukha, at may mapupulang labi ang kumausap sa 'kin. Namangha ako sa kagwapuhan niya pero sa isip lang. Walang reaksyon ang mukha kong nakatingin sa kanya.
"Tsk, I know that I'm handsome but please don't look at me like that because I don't like it."
Napangiwi naman ako sa kanya. The fudge? Ang hangin at ang yabang. I am not looking at him. Tsk tsk, assuming.
"Mwo? I'm not looking at you. Ang upuan sa likuran mo ang tinitingnan ko kung komportable ba o hindi, tss."
Sinamaan niya ako ng tingin. Pupunta na sana ako sa upuan sa likuran malapit sa bintana nang bigla silang nagdikit ng upuan para 'di ako makadaan.
Nilingon ko ang dalawang lalaking nagdikit ng upuan. Nakatingin din sila sa 'kin pero masama ang tingin nila.
"Sagutin mo ang tanong ni Klayne."
Klayne? Nice name. Pang-bad boy pero base sa itsura niya, 'di siya marunong lumaban, tsk. At dahil gusto ko na maupo ay pumunta ako sa gitna. Nagtaka naman sila.
"Veronica Clare Dellvega-Jung. This is my classroom. So, can I sit now?"
Tumawa sila bigla at nainis ako. Parang mga baliw. Wala namang nakakatawa ta's tatawa sila. Napapikit ako sa inis. Ang ayaw ko sa lahat ay hindi ako pinapaupo at nangangalay na ang paa ko.
Sinuntok ko ang blackboard at nabutas talaga ito. Natigilan sila at napatingin sa butas sa blackboard na nanlalaki ang mata. Pumunta ako sa likuran at umupo.
Nakanganga silang tumingin sa 'kin. Nagbukas lang ako ng bubble gum at nababagot na tumingin sa kanila. Tumunog na ang bell kaya napaayos ako ng upo. Ilang minuto kaming naghintay pero wala pa rin ang guro.
I got bored kaya nag-isip ako ng pwedeng gawin. Hmm, napangiti na lang ako sa naisip ko. Tumayo ako at pumunta sa teacher's desk sa gitna. Napatingin sa 'kin ang mga classmate ko na lalaki lahat.
Umupo ako sa table's desk mismo at hindi sa upuan. Tinitigan ko silang lahat, isa-isa. Ngumiti ako nang matamis sa kanila.
"Pwede bang i-explain niyo sa 'kin kung bakit nag-iisang babae lang ako dito at kung bakit lalaki kayo lahat?"
"Bakit namin sasabihin sa 'yo?"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Klayne pala. Tinitigan ko siya nang masama. Nanlaki naman ang mga mata niya. Tsk, bading.
"Aba! Wala kang karapatan na tingnan ako nang masama! 'Di mo ba ako kilala?"
"Wala akong paki kung sino ka man."
Napangisi naman siya. Akala niya siguro, 'di ko siya kilala. Klayne Earl Delfin, kapatid ng dean. Tsk, porke't kapatid siya ng dean, ganyan na siya umakto.
"Ako lang naman ang kapatid ng dean dito at pwede kitang ipa-drop ngayon din."
Tumawa ako. Hahaha, bobo. Hindi niya naisip na nag-background check ako? Tsk, nasa kapangyarihan kasi ang isip.
"For your information, Mr. Delfin, this school won't easily drop students out without a valid reason. Even though you are the brother of the dean, you are still a student here and your brother, which is our dean, treats you like a student here in school and not as his brother."
Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa ako siguro nailibing. Ang sama-sama ng tingin niya sa 'kin, 'yong tipong parang tino-torture niya na ako sa isipan niya. Tsk. Biglang nag-bell na hudyat na para mag-recess.
Kinuha ko na ang bag ko at bubuksan na sana ang pinto nang may mapansin akong kakaiba sa doorknob nito. Napailing na lang ako. May glue ang doorknob.
Hinarap ko sila.
"Buksan niyo ang pinto," matigas na sabi ko pero walang may nakinig sa 'kin.
"BUBUKSAN NIYO ANG PINTO O BUBUTASIN KO ANG ULO NIYO GAYA NG GINAWA KO SA BLACKBOARD?" sigaw ko sa kanila.
Kanina pa ako napepeste. T*ng*nang 'yan, puro lalaki pala silang lahat. Mahirap pakiusapan. Mga lalaki talaga ma-pride t*ng'na. Masama akong magalit dahil nagmumura ako pero mas masama 'pag napeste ako dahil nananakit na ako.
"Aba! Kanina ka pa ah! Pumasok ka dito na parang reyna. Ano kami, sunod-sunuran mo?" sagot sa 'kin ng isa sa kanila.
"E ako? Ano ako, laruan? Na pagti-trip-an niyo?! Kanina 'yong baseball tapos ngayon itong glue sa doorknob. Ulol!"
"SINONG ULOL?!"
"Ikaw, ulol ka! 'Di naman kasi ikaw 'yong tinutukoy ko para buksan ang pinto, sabat ka nang sabat, g*go!"
"ABA, ANG TAPANG MO AH!"
Akmang susuntukin niya ako nang umiwas ako at dinakip ang kamay niya at pinaikot ito papunta sa likod niya. Napaluhod siya sa sahig.
"'Wag ako ah! 'WAG AKO! Kanina pa 'ko napepeste! Porke't lalaki kayo ay 'di ko na kayo kaya. IBAHIN NIYO 'KO!!"
'Di ko pa rin siya binibitawan at naluluha na siya sa sakit.
"A-ARAY, BITAWAN MO AKO!!!"
Galit na galit ako, t*ng'na. Ang ayoko sa lahat ay 'yong pinagti-trip-an ako. May naramdaman akong papalapit sa 'kin. Agad akong lumingon at pinandilatan siya ng mata. Umatras naman ang loko. Natakot 'ata sa 'kin. Tsk, dapat lang na matakot sila sa 'kin.
"H-HOY! BITAWAN MO NA 'YONG KAIBIGAN NAMIN!! M-MABABALI ANG KAMAY NIYA!"
Ay, oo nga pala. 'Di ko pa siya pinapakawalan. Binitawan ko na siya at nagpagulong-gulong ito sa sahig habang hawak ang brasong pinulupot ko kanina.
Tiningnan ko ang lalaking nasa gilid ng pinto, pinahihiwatig na buksan niya ang pinto. Nakuha naman niya at dahil sa takot sa 'kin ay siya na ang nagbukas ng pinto at lumabas na ako.
Ang ayoko sa lahat ay 'yong binabangga ako. Di nila ako kilala kaya 'wag nila ako maliitin. I may have an innocent face but I know how to fight and I don't easily give up.