Veronica's POV
Matapos kong lumabas sa classroom ay pinuntahan ko si Zai sa classroom nila. Nakita ko naman siyang naghihintay sa 'kin. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko kaya napatingin siya sa direksiyon ko.
"Oh? Ba't ang tagal mo? At bakit ganyan ang itsura mo?"
"Wala. Naka-encounter lang ako ng mga bugok."
"Vica, nakipag-away ka na naman ba? I told you to behave."
"'Di ako nakipag-away. Nag self-defense lang naman ako. Halika na, let's eat."
May sariling canteen ang school kaya naman pwede kang bumili ng foods whenever you want. Bumili kami ni Zai at umupo na sa bakanteng mesa. Tsk, 'di na tuloy ako nag-e-English. Nahawa na ako sa language ng mga tao rito. Tagalog lahat.
"So how's the new classmates, Vica? Mabait ba sila?"
"Tsk. Ang yayabang."
"Wait, anong section ka nga ulit?"
"Class A-1."
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi na siya kumibo at ako naman ay kain lang nang kain. I was about to drink my juice when Zai shouted.
"CLASS A-1 KA?! SERYOSO?"
At dahil sa gulat ay nabilaukan ako. T*ng*nang 'yan, kumakain ako nang seryoso ta's sisigaw. Sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign naman siya.
"Ano bang problema 'pag Class A-1 ako? Ang weird na nga mga estudyante, pati ba naman ikaw nahawaan. Una, no'ng papasok ako sa classroom ko nagbubulungan sila ta's ngayon naman ganyan reaction mo. Bakit ba!?"
"'Di mo ba alam?"
"ALAM ANG ANO, T*NG*NA!"
"Chill ka nga. Ang init ng ulo nito. Pinagtitinginan na tayo oh. Lakas ng boses mo, e."
Uminom na lang ako ng tubig. Naiinis ako.
"Ang Class A-1 kasi ay special. Diyan napupunta 'yong mga estudyanteng basagulero, malapit sa away, at siga pero matatalino, talented, at maraming skills. Kaya siguro do'n ka napunta kasi 'yong records mo sa dating school natin ewan. Palagi kang nakikipag-away pero perfect mo pa rin ang quizzes."
Tumango-tango naman ako. Kaya pala ako lang ang isang babae doon. Now I understand. Napatingin ako sa paligid. 'Di ko 'ata sila nakikita rito sa canteen? Nagpatuloy lang ako sa pagkain at bumalik sa classroom nang mag-bell na nagsasabing tapos na ang recess.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang narinig ko silang nag-uusap sa loob kaya 'di ako tumuloy at nakinig na lang.
"E paano na 'yan? Mukhang siya 'ata ang magiging reyna natin."
"Anong reyna? Ikaw na lang uy. Ayoko sa kanya. Kailangang umalis siya rito."
"Pero paano? Nakita mo 'yong ginawa niya kay Earl? Marunong siyang makipaglaban."
Napailing na lang ako. Ayaw pala nila sa 'kin ah. P'wes gusto ko sila. Gusto ko sila pag-trip-an kaya magdusa sila. Hindi ako aalis kahit anong gawin nila.
"Gagawa tayo ng paraan para umalis siya. Pahirapan natin. Sapakin araw-araw, saktan araw-araw, basta pahirapan siya."
"G*go! Babae 'yon!"
"G*go ka rin!! Marunong makipaglaban 'yon!"
'Di ko pa sila kilala kaya naman hindi ko alam kung sino ang nagsasalita. Pumasok na ako at napatingin naman sila sa 'kin. Sumandal ako sa pader. Wow, nag-meeting talaga sila. Nakapabilog pa sila ha.
"Kung mag-uusap kayo, siguraduhin niyong hindi maririnig sa labas at siguraduhin niyong hindi maririnig ng taong pinag-uusapan niyo, okay? Okay."
Pumunta na ako sa assigned seat ko. Seryoso? Walang guro? Wala bang magtuturo sa amin?
"Hey, pwede bang umalis ka na lang dito sa section namin? Girls are not not allowed here."
Umiling ako.
"Babae ako pero pwede naman ako maging lalaki."
"'Di ka ba natatakot sa 'min? Di ka ba natatakot na baka kung anong gawin namin sa 'yo?"
Nope. Tsk, napatumba ko nga 'yong sikat na grupo sa ibang school kayo pa kaya?
"Subukan niyo lang. Marami na akong napatumba, gusto niyong isunod ko kayo? Behaved ako ngayon dahil gusto kong makapagtapos. Gusto ko ng diploma pero kung gusto niyo ng away, 'di ko kayo uurungan."
Natawa ako sa reaction ng mukha nila. Teka nga, lalaki ba talaga sila? Para silang natatakot na natatae, pft.
"Marami kami. Kayang-kaya ka namin."
Napangisi ako. Talaga lang ah? 'Di nila ako kilala. 'Di nila alam ang kaya kong gawin. Tsk, mga lalaki talaga. Palaging ina-underestimate ang mga babae.
"Kahit isa lang ako, kayang-kaya ko kayo. "
Natawa naman si Klayne.
"Wow! Yabang ah."
"'Di ako mayabang. Nagsasabi lang ng totoo."
"E di wow."
Sinamaan ko siya ng tingin. Palamon ko ang 'e di wow' niya sa kanya, e.
"Bakit 'di niyo na lang ako pabayaan? Wala akong ginagawa sa inyo ah."
Tumayo ako at pumunta sa CR. May sariling CR ang bawat classroom kaya naman 'di mo na kailangan pang lumabas ng classroom.
Naghugas ako ng kamay at tinitigan ang mukha ko sa salamin. Mukhang magiging exciting ang year ko na 'to ah. Exciting is heaven for me.
Lumabas na ako at napatingin naman silang lahat sa 'kin. Palagi na lang silang napapatingin sa 'kin, hahaha. Para namang may gagawin akong masama, tss.
Kinuha ko ang headset ko at sinalpak ito sa magkabilang tenga ko. Napapikit ako para damahin ang kanta. Ganito ako 'pag nagsa-soundtrip ako. Napapapikit sa kanta, mapa-good vibes man o hindi ang tumutunog.
Maya-maya ay narinig kong nag-iingay sila. Finull ko ang volume pero naririnig ko pa rin ang ingay nila. Hinayaan ko na lang sila dahil nangingibabaw pa rin naman ang kanta.
Matutulog na sana ako nang naramdaman kong may tumama sa 'king papel. Tss, 'pag natamaan ulit ako ewan ko lang. 'Di masakit pero naiistorbo ako.
Maya-maya ay natamaan na naman ako hanggang sa umabot ng lima ang binato sa 'kin. Nakapikit pa rin ako. May tumama sa 'king tatlong bagay na masakit na kaya napamulat ako at tiningnan ang tumama sa 'kin.
Dalawang chalk at isang eraser. Pinulot ko ito at tiningnan sila. Nagbabatuhan sila ng papel. Ang ingay nila, tss.
"Sinong bumato sa 'kin?"
Naghintay ako sa sagot nila pero wala. Wala ngang napatingin sa 'kin, e. Tumayo ako at pumunta sa gitna.
Nilapag ko sa desk ang chalk at eraser. Hayaan na nga natin, hayst. Ang bait ko ngayon. Sa totoo lang, kanina pa 'ko naghihintay ng guro. Walang guro na dumating simula kanina.
Umupo ako sa teacher's desk at pinanuod sila na magbatuhan.
"'Wag mong tamaan ang gwapong mukha ko hoy, hahaha."
"G*go! Mukha lang walang gwap—aray ko, g*go! Hahaha."
"Shut up, bro! Marami akong papel dito kaya 'di mo 'ko matatalo, HAHAHA."
"T*ng*na, paubos na papel ko oyyy!"
Napangiwi naman ako sa kanila. Ang maubusan ng papel, talo? Tsk, mga takas mental pala 'tong mga lalaking 'to e. Ang hahangin pa.
"Tumigil na nga kayo!"
Natigilan sila at napatingin sa 'kin. Napangiti naman ako nang palihim. Masunuring mga bata, HAHAHA.
"Bakit walang gurong nagtuturo sa 'tin?"
Tumahimik lang sila. Wala 'ata silang balak sumagot sa tanong ko.
"Takot silang magturo dito sa section natin. Matalino naman daw ang nandito kaya 'di na kailangan."
Napatingin ako sa sumagot sa 'kin. Ano raw? Matalino naman ang nandito sa section na 'to? Kalokohan, kailangan pa rin namin mag-aral aba. Bakit sila natatakot? Dahil mga siga ang nandito? Parang hindi naman, tsk.
Lumabas na lang ako at humanap ng pwede tambayan. Luckily, nakahanap ako. Matutulog na nga muna ako. I'm tired.
Zzzzzz...
--
Nagising ako nang may narinig akong ingay. Bell na, hudyat ng dismissal. Nag-unat muna ako bago bumangon. Hapon na pala. Ang sarap sarap ng tulog ko, lols.
Pupuntahan ko si Zai sa classroom niya. Hinihintay na 'ko no'n. Nang makita ko siya ay umuwi na kami. Gusto ko pang matulog kaya 'di na 'ko nag-dinner at natulog na lang.