Chapter 4

1277 Words
Veronica's POV Papunta ako ngayon sa classroom. Maaga kaming nagising ni Zai kaya maaga rin kaming pumasok. 6:45 pa lang and our class starts at 7:30. Sabagay, okay lang naman na ma-late kami since wala namang nagtuturo sa amin, tsk. Pa'no mga grades namin niyan? Okay lang na hindi ako turuan since may libro naman ako at naiintindihan ko naman ang mga topics, pero ang grades namin paano? Nang makaabot ako sa classroom ko ay dalawa pa lang ang tao. Si Klayne at isang 'di ko kilala. Actually, si Klayne lang ang kilala ko sa kanila dahil 'di pa sila nagpapakilala sa 'kin, tss. Tiningnan ko lang sila at inirapan. Ilang minuto ang nakalipas at dumating na ang iba. Ang tamlay 'ata nila? Lahat sila mukhang matamlay. 'Di ata kumain, e. Nagulat ako nang biglang mag-bell. T*ng*nang bell 'yan, ang ingay-ingay. Ang sakit sa tenga kainis. Nag-uusap at nagkukulitan lang sila samantalang ako nag-iisa lang dito. Tsk, I'm bored. This is already the third day of class. Dapat regular na ang class pero heto kami, wala pa ring guro. Bilib din ako sa mga lalaking 'to e, pumapasok pa rin kahit alam nilang walang magtuturo. Parang 'di naman sila siga. Sa katunayan nga parang ako lang yung hindi mabait dito, tsk. Pinagmasdan ko sila isa-isa. Matamlay, walang energy, namumutla. 'Yan ang nakikita ko sa kanila ngayon. Pumunta ako sa gitna. "Oy! Wala ba kayong kinain?" "Paki mo?" Napapikit ako sa inis at hinarap ang nagsalita. "Alam mo-" "Hindi ko pa alam." T*ng*nang 'yan. Sinamaan ko siya ng tingin at nginisihan niya lang ako. Sarap niyang tirisin. 'Pag ako 'di makapagtimpi dito, sasapakin ko siya. "Tumahimik ka nga! Epal ka, alam mo 'yon?" Napairap naman siya. Tsk, bading! Epal talaga 'tong si Klayne. 'Di kinakausap, sumasabat. Sarap niyang kaltukan, kingina. Bahala siya 'pag nagbago isip ko. "Ba't nga ang tamlay niyo? Tss." "Wala kaming kain," sabay na sagot nila. Tss, sabay talaga. So tama nga ako, wala pa silang kinain. Aba, may balak 'ata silang magpakamatay, e. "Tara sa canteen. Kakain tayo." Bubuksan ko na sana ang pintuan para lumabas pero napatigil rin nang marinig ang sinabi no'ng lalaking makulit. "Bawal kami sa cafeteria." "Bakit?" "May nagawa kaming kasalanan kaya suspended kami sa canteen for one week." Kaya pala 'di ko sila nakita no'ng nag-recess. Hay naku, kasalanan naman pala nila. Anong kalokohan kaya ang ginawa nila at pinagbawalan talaga sila sa canteen for one week? "Bakit ba 'di kayo kumain sa mga bahay niyo?" Natahimik sila sa tanong ko. So ano, trip-trip lang nila? Napa-poker face na lang ako sa kanila. "Kung hindi ba naman kayo isa't kalahating baliw, tsk. Magpapakamatay ba kayo? T*ng*na niyo." "T*ng*na mo rin! Nakakailang mura ka na sa 'min ah! Nanay ka ba namin? Pabayaan mo na lang kami, tsk." Napailing na lang ako. Parang ang sarap nilang sapakin isa-isa. Sasapakin ko talaga sila pag 'di ako makapagpigil. Pero naaawa ako sa kalagayan nila dahil ang putla nilang lahat pwera na lang do'n sa dalawang lalaki na walang paki sa paligid nila, tss. "E sa gusto ko kayo murahin e! Tsk, tayo na! Pupunta tayong mall." Swerte nila at mabait ako kaya papakainin ko sila, tss. Wala namang guro kaya pwede kaming lumabas. "Anong gagawin namin do'n? At sira ka ba? Alam mo namang may guard sa exit ng school ah!" "Oo nga! At 'pag nahuli tayo patay tayo sa principal, g*go!" Aba't minura pa talaga ako. "G*go ka rin! Nagmamalasakit na nga ang tao. Libre ko pa naman sana kayong lahat kaso wala kayong tiwala sa 'kin kaya 'wag na lang," sabi ko habang bumabalik sa upuan. Tingnan natin kung sino ang mamamatay sa gutom. Ano ba 'yan! Ang ganda na sana ng plano ko, e. Sa Jollibee pa sana kami kakain, tss. "Sandali, oo na, sasama ako. Gutom na gutom na ako." Napangisi naman ako sa lalaking parang Hapon. Half-Japanese siguro ito. Pero anyways since gusto niya sumama sa 'kin, pagbibigyan ko. "Haruki Jay Tanaka, sigurado ka ba sa desisyon mo? Akala ko ba wala kang tiwala sa babaeng 'yan? E ba't ka sasama?" Kahit kailan talaga ang epal nitong si Klayne. "Nagugutom nga ako. Ayoko mamatay sa gutom! At isa pa libre niya daw e, hahaha." Natawa ako nang palihim. Naniniwala pala ito sa kasabihang 'masarap kumain ng libre'. "'Wag kang mag-alala, Mr. Delfin, 'di ko ipapahamak ang kaibigan mo. I've been through this several times already." Binaling niya ang tingin niya sa 'kin. "At paano kami makakasiguro na nagawa mo na nga ito noon? You're just a girl, Ms. Dellvega-Jung. "Dahil nandito ako sa section niyo. Nakalimutan mo 'ata na sa section niyo napupunta ang mga estudyanteng basagulero at troublemaker." Naging matalim ang titig niya sa 'kin. Napa-smirk naman ako. Hindi ako magpapatalo sa 'yo, Mr. Delfin. I can do bad things more than you can do. "Tara na, babae! Nagugutom na 'ko!" Atat masyado 'tong Hapon na 'to. Lalabas na sana kami nang may sumigaw. "SANDALI!!! Sasama rin ako!!" Dali-dali siyang tumayo at lumakad papunta samin ni Haruki. Napangiti ako nang konti. Hahaha, pustahan, sasama silang lahat maliban kay Klayne, pft. "Ako rin!" "Ako rin sasama!" "KAMING LAHAT, SASAMA!!" So ayun, tama nga ako. Sumama silang lahat. Naiwan namang nakanganga si Klayne at poker face naman 'yong lalaking suplado kung tingnan. 'Di sila sasama? Bahala sila. "Klayne! Tara sumama ka na!" "Tss, kayo na lang. Wala akong tiwala sa babaeng 'yan." Sinamaan niya ulit ako ng tingin. Napairap na lang ako. Bahala siya. Napatingin ako do'n sa lalaking medyo suplado. Nagtama ang mga paningin namin at nakaramdam ako ng uneasiness. Ang cold ng dating niya. "Ikaw, Rendell? Ayaw mong sumama?" Rendell pala ang pangalan niya? Now I know. Inobserbahan ko siya. Mestiso, matangos ang ilong, mapupungay na mata at mapupulang labi. Ang gwapo niya. Even though his hair is messy, he's still handsome. "Tss. I'm not hungry. Kayo na lang." His voice, it's emotionless. Ngayon lang ako naka-encounter ng cold na tao. And I must say, I am amused. Napaiwas naman ako ng tingin nang tumingin siya sa 'kin. "So it's settled? Tara na." Lumabas na kami ng classroom at parang mga asong nakasunod sa 'kin 'yong mga kaklase ko. Nang makaabot kami sa exit ay nagtago muna kami sa malaking puno. Walang gumagalang teacher ngayon kasi may class lahat. Sinilip ko ang isang guard na nagbabantay sa exit. Hindi kami pwedeng lumabas ng school. Makakalabas lang kami 'pag dismissal na sa hapon. Baka kasi magka-cutting class 'yong iba 'pag nakalabas kaya ipinagbabawal ang lumabas sa campus. "Pst, babae! Paano tayo makakalabas? May guard oh." "May pangalan ako! At ako nang bahala. Manahimik ka na lang at baka marinig tayo." Ano kaya ang pwede kong gawin para makalabas kami? Para umalis ang guard sa gate. Nag-isip ako ng paraan at nakaisip naman ako agad. Napangiti ako sa plano ko. "Dito lang kayo. 'Pag sinenyasan ko kayong lumapit, tumakbo kayo palabas, okay?" Tumango sila at ako naman ay lumakad na papunta kay manong guard para gawin ang plano ko. Inayos ko muna ang sarili ko habang papalapit kay manong guard. Nang makalapit ako sa kanya ay kumunot naman noo niya. "Anong ginagawa mo rito, bata? Wala ka bang klase?" Bata!? T*ng*na 'di ako bata. Masasapak ko 'tong guard na 'to, e. Pero kailangan kong maging mabait muna. "Inutusan po kasi ako ng principal. Pinapatawag niya po kayo, may ipapautos daw po siyang importante." "Ahh gano'n ba? Sige pupunta na 'ko. Salamat." "Walang anuman po." Nang makalayo na ang guard ay sinenyasan ko na silang lumapit. Nagsitakbuhan naman sila palabas at tumakbo na rin ako kasama nila. Napangiti ako. HAHAHA, success 'yong plano ko! Mukhang magiging masaya 'to ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD