Chapter 5

1251 Words
Veronica's POV Nandito kami sa mall. Yep, success ang plano namin kaya tuwang-tuwa naman itong mga kasama ko. "Wooohh! Makakakain na akooo!" "'Wag kang mag-alala pinakamamahal kong tiyan, bubusugin kita, HAHAHA." "Tara na sa Jollibee!!" Natawa na lang ako. Nangunguna talaga sila ta's ako nahuhuli. T*ng*nang 'yan ako 'yong nang-aya ta's ako pa nahuli aba. Nang makaabot kami sa Jollibee ay agad na nagsi-upuan sila at um-order. Sinulat lang nila sa papel ang order nila at binigay sa waiter. Nag-uusap lang sila samantalang ako ay nagse-cellphone lang. Swerte sila at may pera 'yong credit card ko, HAHAHA. "Uy, babae! Paano mo napaalis 'yong guard?" Napatingin ako sa nagsalita. "Sabing may pangalan ako, e!" "HAHAHA, oo na, oo na. Ano nga ginawa mo, Veronica?" Diniinan niya talaga ang pagsabi sa pangalan ko, pft. "Wala, sinabi ko lang na pinapatawag siya ng principal natin." "Ano? E paano kung hindi naman talaga siya pinatawag ta's maghihinala 'yon at malalaman na lumabas tayo, pambihira naman oh! Walang kwenta 'yong naisip mong plano, Veronica! 'Pag tayo nahuli ah!" Napa-poker face naman ako. Masyadong matatakutin 'to. Parang hindi lalaki, t*ng'na. "Ano? Tapos ka na? T*ng*na, hindi naman ako magpaplano nang gano'n kung papalpak lang, g*go! Sinabi ko 'yon dahil totoo naman talaga eh. Nang napadaan ako sa principal's office narinig ko na may nawawala daw na papeles at balak niyang ipahanap kay manong guard. Malamang ipapatawag no'n si manong guard kaya inunahan ko na, ulol!" Nakakainis 'to. Wala talaga silang tiwala sa 'kin, kingina. Napakamot na lang siya sa batok niya at nag-peace sign sa 'kin. Ulol talaga, hahaha. "Nga pala, alam naman namin na 'di mo kami kilala kaya magpapakilala kami. Libre mo kaya magpapakabait na kami sa 'yo, hehe." Ngumiti ako sa kanila. Libre lang pala ang paraan para matanggap nila ako, e di sana no'ng una pa lang nilibre ko na sila, hay naku. "Unahan ko na ah! Ta's paikot clockwise. Ako nga pala si Ash Blake Devon. Pinakagwapo sa section natin." Napangiwi ako. Ano raw? Pinakagwapo? Yuck. Feeling amputs. Pero gwapo naman talaga siya. Gwapo lang hindi pinakagwapo, tsk tsk. Napatingin ako sa kasunod niya nang magsalita ito. "Ako si Aiden Karl Fuentes at siya naman si Aaron Kurt Fuentes, ang kambal ko. Ako talaga ang pinakagwapo sa aming dalawa, hahaha." Kambal. Ngayon ko lang na-realize na hawig pala sila. "Wow, kambal ha. Sa pagkakaalam ko kasi ako 'yong pinakagwapo sa ating dalawa." "Ako kaya!" "Ako kasi!" "Ako nga!!" Kambal nga sila. Pareho silang mahangin, e. "Manahamik na nga kayong dalawa. Nag-aaway pa kayo e alam naman nating ako talaga ang pinakagwapo, tsk. Kahlil Aljed Gallardo pala." Di ko alam kung makaka-survive ako sa kahanginan nila. Pakiramdam ko babalik si Bagyong Yolanda dahil sa kanila, gosh. "Mardel Anthony Montes. Pinaka-cute." Pft, ang cute nga niya. May dimples siya at lumalabas iyon tuwing ngumingiti siya. Sana may dimples rin ako. "Earl Wilson Villami. Ako 'yong lalaking muntikan mo nang baliin ang kamay." Natawa naman kami. Hahaha, 'yon talaga ang pagpapakilala niya, e. Hahaha, now I remember him. Siya nga 'yong lalaking muntikan ko nang binali ang kamay. Kasalanan naman niya 'yon e sumugod siya sa 'kin, hahaha. "Owen Leigh Pilar. Wala na akong masabi, inubos na nila ang gwapo, tss." Oo nga, hahaha. May dimples rin siya. Tsk, 'pag ako nagkaroon ng dimples. "Jake Tyler Park. Half Korean, mannaseo bangawoyo." "Hmm, nado." "Marunong ka?" "Ne." I know how to speak Hangul because Korean blood runs in my blood too. (Translation: Mannaseo bangawoyo: Nice to meet you. Nado: Me too. Ne: Yes.) "Haruki Jay Tanaka. Half Japanese, pinakagw---" "Pinakamaingay at matakaw. Yeah, I know you already." Nag-pout naman siya. WTF? Hindi bagay sa kanya, eww. Mukha siyang pato, tsk. "Hindi naman ako maingay, e. Gwapo lang, HAHAHA." Umiling-iling na lang ako. Bunganga nito parang bunganga ng parrot, tsk tsk. Dinaig pa ang babae. Tahimik nga ako eh ta's siya dada nang dada. "Axel Blaze Morello. Pinakamatino sa section." Pakilala niya at nag-pogi sign pa. Matino raw, tss. Si Rendell lang 'ata ang matinong lalaki sa section e, tss. And nope, I don't like him. I just admire him for being cold. "Haden Jed Alvarez. Teka, ano pa ba ang mga compliment?" "'Wag ka na mag-isip dahil naubos na nila." Ngumiti na lang siya sa 'kin. Ang cute niya, hahaha. "Kieran Lade Weiger. Pinakamabait sa kanila." "SUPPORT BRO, HAHAHAHA!" Natawa na lang ako. Mga baliw pala 'tong mga kaklase ko. Sana lang hindi ako mahawaan, tsk tsk. "Maam/Sir ito na po 'yong order niyo." Napasigaw sila sa tuwa. Mga baliw, hahaha. Kumain na kami habang nag-aasaran. Pati ako ay sumasali sa asaran nila. Ang saya pala nila kasama. Ilang minuto ang lumipas at natapos na kaming kumain. Busog na busog ang mga ugok, hahaha. Grabe, 3000+ 'yong binayaran ko, t*ng*na. Pasalamat sila at good mood ako. "Tara na, bumalik na tayo." Tumango naman sila. Matapos ang 15 minutes ay nakabalik na kami sa school namin. Madali lang ang pagpasok namin sa campus dahil walang nakabantay. "Grabe! Busog na busog ako. Salamat nang marami, Veronica, ah!" "Oo nga salamat!" "Manlibre ka ulit ah, HAHAHA! Salamaaat!" Ngumiti ako sa kanila. "You're welcome." Pumasok na kami sa classroom namin at nadatnan naman namin si Klayne at Rendell na nakaupo. Napatitig ako kay Rendell, nakatingin rin pala siya sa 'kin. His eyes.. His eyes are beautiful. Agad akong umiwas ng tingin. Umupo ako sa upuan na malapit sa 'kin. Bahala na kung kaninong upuan 'to. Napahawak ako sa dibdib ko. Why is it beating like this? Parang hinahabol ng mga kabayo sa sobrang bilis. Why am I feeling this? Napailing ako. Wala lang 'to. Wala lang. "Bro! Sana sumama ka! Ang sarap ng Jobee, tol. Busog na busog ako!" As always, bunganga ni Jay ang nangunguna. At ano raw? Jobee? Shortcut ba ng Jollibee 'yon? Tss, daming alam. "Tsk, kaya ko namang pumunta ng Jollibee araw araw, e." "Talaga, bro? Sama mo 'ko ah!" "'Wag na, uy. Mauubos pera ko sa 'yo." Napasimangot naman si Jay. Ilang oras ang lumipas at dismissal na namin. Umalis na ako sa classroom at pinuntahan si Zai. "Hey, Zai." "Hoy babae! Mag-explain ka sa 'kin. Pumunta ako sa classroom mo kanina, wala ka do'n at dalawa lang ang tao. Saan ka nagpunta? Or should I say, saan kayo nagpunta?" Napangiwi ako sa bunganga niya. Kaka-survive ko lang sa bunganga no'ng isa ta's ito na naman. Bunganga na naman, t*ng*na nakakarindi na ah. "Alam mo, Zai? Bagay kayo ni Jay. Bungangera at bungangero." "Sinong Jay? Gwapo ba?" Binatukan ko siya. Tsk, gwapo na naman ang hinahanap. Hindi na nadala sa nangyari sa kanya noon, tsk tsk. "Makabatok ka ah! Tara na nga. Uwi na tayo." Kinuha na namin ang bike namin at nagsimula ng mag-bike pauwi. "Hoy! Magkwento ka!" "Oo na. Ingay mo, tsk." "Ano na? Daliii, sabihin mo na." Kwinento ko sa kanya ang nangyari kung bakit wala kami sa school. Hindi ako titigilan nito 'pag kulang ang mga sinabi ko, e, kaya dapat kompleto. "Nagseselos na ako, Vica ah. Hindi mo ako nilibre nang ganyan. Ang daya mo." "Tsk, palagi naman tayong magkasama." Nang makauwi kami ay sinamahan ko siyang kumain at nauna na akong natulog. May assignment daw siya na kailangan niyang gawin. Kami kaya? Kailan kami magkakaroon ng guro? Sana bukas may guro na kami. Napangiti ako nang maalala ang nga kaklase ko. Masaya naman pala silang kasama. If ever na maging bestfriend ko sila lahat, I swear, hindi ko hahayaang masaktan sila. I'll protect them. Ayokong mangyari ang nangyari noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD