Veronica's POV
Papunta ako ngayon sa classroom. Ang ganda ng gising ko, e. Hindi ko alam kung bakit. Nang pumasok ako sa classroom ay kompleto na sila.
"Good morning, Nica!" bati nilang lahat.
Nica? Shinortcut pa talaga ang pangalan ko. Ngumiti lang ako at umupo na. Bumait sila sa 'kin ah, hahaha. Jollibee lang pala ang kailangan.
"Nica! Hindi ako nag-breakfast, libre mo 'ko ulit."
Napatingin naman ako kay Jay. Aba, abuso 'to ah. Porket nanglibre ako kahapon magpapalibre ulit? Wala na akong pera, t*ng'na.
"Hoy, hapon! Kapal ng mukha nito. Uubusin mo pera ni Nica."
"Hoy ka rin, hindi naman kita kinakausap Earl ah! Shattap!"
Natawa na lang ako. Napaayos ako ng upo nang mag-bell. Wala pa rin ba kaming guro? Napatingin kami sa pinto nang bumukas ito. Nanlaki ang mga mata ko at napangiti.
"Good morning class. I am Ms. Apricot Buena, your teacher for this school year."
"Good morning, Ma'am."
May guro na kami sa wakas.
"Hmm, so kayo pala ang sinasabi nilang special section."
Nilibot niya ang tingin niya at napako ito sa akin.
"May babae pala rito. I'm impressed."
Napangisi na lang ako. Kahit basagulera ako, matalino naman, tss.
"Okay let's start our lesson."
***
"Mr. Morello! Give me five examples from the table of elements."
"What?"
"Minus five!"
Napanganga si Axel. Mukhang magiging mahirap pakisamahan ang guro na 'to ah. Tss, nagkaroon nga ng guro, strikto naman.
"Mr. Montes! 10 examples!"
"Ng ano po?"
"Minus five!"
"What? Maam naman!"
"Upo!"
Padabog na umupo si Mardel. Natawa na lang ako sa itsura niya. Nawala tuloy ang cute niyang mukha daw. Busangot e, hahaha.
"Mr. Reyes! Three examples of China's Dynasties."
"Shou, Tang, and Han Dynasty."
What? Science tapos naging AP? Seryoso?
"Good. 'Yan! Dapat ganyan kayo! Alert. Mga bingi ba kayo para ulit-ulitin ang tanong? Be alert. Ayoko ng paulit-ulit at ayoko ng maling sagot. 'Pag mali ang sagot mo, minus five agad."
Kakaturo lang niya oral agad. Hindi pa nga niya kami kilala oral recitation na agad. Napairap na lang ako.
"Mr. Delfin! Dalawang klase ng tauhan sa kwento!"
"Antagonista at protagonista po."
Napataas naman ang kilay ko. Matalino pala itong si Klayne. Mabuti kung ganoon. Akala ko nga puro yabang at kapangyarihan lang ang nasa isip e. Ba't hindi niya ako gayahin, 'di ako nagyayabang, tss.
"Ms. Dellvega-Jung! 40 examples of elements of table."
40!? Ang dami naman no'n. Tumayo pa rin ako at sumagot.
"Germanium, zirconium, boron, fluorine, tin, lead, copper, beryllium, neon, arsenic, silicon, silver, gold, xenon, radon, titanium, magnesium, potassium, calcium, argon, cobalt, nickel, selemenium, platinum, krypton, sodium, barium, radium, iron, manganese, gallium, aluminum, sulfur, phosphorous, bromine, astatine, hassium, ceroum, actinium, and nobelium."
"Atomic weight of silver?"
"107.8682 u."
"Ilan ang anak ni Francisco Balagtas?"
"Labing-isa."
"Ilan ang namatay?"
"Pito."
"Cube root of eight?"
"Two."
"Another name for x and y axis?"
"Abscissa and ordinate."
Tumango-tango lang siya at nagturo na ulit. Ano 'yon? Bakit ang dami ng tanong niya sa 'kin? Lahat 'ata ng subject topics natanong niya sa 'kin, e. Buti na lang natatandaan ko pa ang ibang topics. Pinag-iinitan ba ako no'n?
Ilang oras siyang nagturo at 'di naman ako nakikinig. Alam ko na ang mga tinuturo niya, tsk. Nagbukas ako ng bubble gum at ngumuya. Nilibot ko ang tingin ko. Natawa naman ako.
'Yong totoo? Bakit napunta sa section na ito 'tong mga ugok na 'to? Nakikinig naman sila. Nagsusulat pa nga ng mga sinasabi ni Ma'am. Ano kaya ang pinaggagawa ng mga ito last year? Pati si Klayne at Rendell napunta rito.
Habang nagtuturo si Ma'am ay napansin niyang ngumunguya ako. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Hindi niyo ba alam na bawal ngumuya ng bubble gum 'pag nasa klase?"
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit ipinagbabawal ang pagnguya ng bubble gum. Ngumunguya lang naman ah.
"Wala namang problema sa pagnguya ng bubble gum, Ma'am. Nakikinig pa rin po ako."
"Ah, talaga? Akala mo hindi kita napapansin? Hindi ka nakikinig kanina pa."
"E ano naman po? Grades ko naman po ito hindi sa inyo, tsk."
"Bastos ka ah!"
"Hindi po ako bastos. Nagsasabi lang po ng totoo."
Napairap na lang ako. Duh, totoo naman ah. Magsasalita na sana siya pero nag-bell na para mag-lunch.
"Mag-lunch na kayo."
Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya. Ay, sila lang pala. Hindi ako, tsk.
"Mag-aral kayo nang mabuti. Hindi paglalandi ang atupagin."
Tumingin siya sa 'kin matapos niyang sabihin 'yon. Aba, sinasabihan niya ba akong malandi? Lumabas na si Ma'am at ako naman lukot ang mukha. Ako, malandi? Nah uh. Tsk, kung ako malandi, siya ano? Akala niya hindi ko napapansin ang pagsulyap-sulyap niya kay Klayne? May gusto 'ata 'yon kay Klayne, e.
Malandi pala ah. Bastos ako oo, walang respeto at troublemaker but I'm not a flirt. Tsk, hindi ako lumalandi. Nakakalecheng sabihan ka ng malandi kahit 'di naman totoo. T*ng*na mo po Ma'am. Oh ayan, may 'po'.
"Tara na, Nica! Kumain na tayo."
Napatingin ako kay Kahlil at tumango. Habang papunta kami sa canteen ay pinagtitilian naman itong mga kasama ko. Pinayagan na kasi silang bumalik. Famous pala sila?
"Uy, Nica, baliw ka talaga. Ba't mo ginanon si Ma'am?"
"Wala naman akong ginagawa, Jake. Nagsasabi lang ng totoo."
Umiling-iling lang siya habang tumatawa.
"Trip ka ata ni Ma'am, Nica, HAHAHA."
"Trip ko rin naman siya, Owen."
"HAHAHA, baliw ka, Nica."
Ngumiti lang ako. Trip ko si Ma'am. Trip ko si Ma'am asarin, HAHAHA. Ang pangit ni Ma'am, e. Mas pangit 'pag naasar, pft.
"Baliw talaga. Walang respeto, tsk."
Sinamaan ko ng tingin si Klayne. Sumama pala 'tong lalaking 'to?
"Bakit sa 'kin, may respeto siya?"
"Kahit na, mas matanda sa 'yo 'yon!"
"Aba, bumabait ka? E di wow. Bading."
"Sinong bading? Tibo!"
Tumawa lang ako. Bading talaga, hahaha. Titibo-tibo naman talaga ako e, kaya okay lang na masabihan ako ng tibo.
"Tinatawa mo diyan? Ako may ari ng school na 'to kaya dapat nirerespeto mo ako!"
"Respeto gusto mo? Oh sige ba. T*ng*na mo po Klayne. Oh ayan, may 'po' ah."
Napanganga na lang siya. Tumawa naman ang mga ugok. Nang makarating kami sa canteen ay center of attention kami. Nakatingin lahat sa amin. Ang ganda ko talaga. Tawa pa rin sila nang tawa lalo na si Jay.
"HAHAHAHAHA, T*NG'NA ANG SAKIT NG TIYAN KO. RESPETO DAW, E, HAHAHA."
Bunganga talaga ni Jay, tsk. Umupo na kami sa mesa at si Haden at Kieran naman ang um-order para sa amin. Napalingon-lingon ako. Nasaan kaya si Rendell? Hindi siya sumama sa 'min.
"Sinong hinahanap mo, Nica? Si Rendell ba? Ayieee, hahaha. Crush mo?"
Napatingin ako kay Jake at umiling.
"Aniyo, I'm looking for Zai."
"Wokey, sabi mo eh."
Kumain na kami nang dumating ang pagkain. Nag-aasaran din habang kumakain. Si Klayne ang inaasar nila dahil do'n sa respeto ko sa kanya. Kaya ayun, pikon na pikon naman siya. Bading talaga.
Habang kumakain ako ay may naramdaman akong nakatitig sa 'kin. Nilibot ko ang paningin ko at napako ito sa babaeng ang sama ng titig sa 'kin. Problema no'n? Isiniwalang-bahala ko na lang ito.
Maaga kaming umuwi ni Zai dahil na-suspend ang klase. Faculty and staff meeting daw. Well, another adventure of my life ended and tomorrow is another.