Chapter 7

1282 Words
Veronica's POV "Tara na, Vica! Male-late na tayo oh!" Tumango ako. Ilang weeks na ang nakalipas at ganoon pa rin ang nangyayari sa school. Kasama ko sila sa lunch at 'yong teacher ko na pinag-iinitan ako. Tsk, ako palagi pinupuntirya no'n, e. Habang papunta ako sa classroom ay masamang titig naman ang binabato sa 'kin ng bawat estudyanteng madaanan ko. Tsk, iniisip nila na inaagaw ko raw 'yong mga classmate ko sa kanila. Duh, it's not my fault that we're close. Sinasawalang-bahala ko na lang dahil sanay na ako. Nang makaabot ako sa classroom ay binati nila ako. Napatingin ako kay Rendell na nakatingin din pala sa 'kin. Umiwas agad ako at umupo. Here goes my heart again everytime we make eye contact. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya gusto but why does my heart goes kaboom when I see him? Nilibang ko na lang ang sarili ko sa paligid. Lumapit ako kay Jay at nakipag-asaran sa kanya. Sa mga kaklase ko, si Jay ang pinaka-close sa 'kin. Ang ingay at takaw kasi, tsk tsk. Palaging humihingi ng pagkain. "Nica, may pagkain ka?" Napa-facepalm na lang ako. Pagkain na naman? Kinuha ko 'yong chocolate sa bag ko at binigay sa kanya. Tuwang-tuwa siya—as always. Tsk, pasalamat siya at malaki ang sahod ko ngayon. Hayst, magpupuyat na naman kami ni Zai mamaya. Bumalik na ako sa upuan nang mag-bell. Mahirap na, baka mapag-initan ulit ni Ma'am. Ano kayang problema ni Ma'am sa 'kin? Tss. Ilang minuto kaming naghintay pero walang Ma'am Prutas na dumating. Hindi pumasok 'yon? Sa pagkakaalam ko masipag 'yon ah. "Ay, oo nga pala guys! Nakalimutan ko, hehe. Off pala ni Ma'am Apricot ngayon." Kaya pala. Gumawa na lang ako ng project para matapos na. Napatingin ako kay Axel nang umupo ito sa tabi ko. Namangha siya sa ginagawa ko. "'Yan na 'yong project mo? Grabe ka, Nica! Ang lupit mo talaga." Natawa na lang ako. Pinagpatuloy ko ang paggawa ng aking project hanggang sa matapos ito. Napangiti naman ako sa gawa ko. Ewan ko na lang 'pag hindi ako binigyan ni Ma'am Prutas ng mataas na marka. "Jay, hanggang bukas ba wala si Ma'am Prutas?" "Ngayon lang 'ata, Nica," natigilan siya saglit. "Teka, Ma'am Prutas?" "'Yan tawag ko sa kanya. Apricot kasi." Natawa sila nang konti. Ano kaya ang magandang gawin? Matutulog na nga lang ako. Tumayo ako at lumakad para lumabas ng classroom. "Oy, Nica, saan ka pupunta?" "Sa tambayan lang." "Ah, okay! Bilhan mo ako ng pagkain ah." Tumango lang ako at umalis na. Umupo ako sa puno kung saan ako natutulog palagi 'pag walang ginagawa. Pipikit na sana ako nang may nagsalita. "Going to sleep?" Napatingin ako sa nagsalita. Nang makilala ko kung sino ay agad na tumibok ang puso ko nang malakas. Si Rendell. "Anong ginagawa mo rito?" "Napadaan lang." Umupo siya sa tabi ko at ako naman ay napatitig sa kanya. "Hey, I know that I'm handsome. Stop staring at me." Napangiwi naman ako. Akala ko lang pala. "Mana ka rin pala sa kanila. Mahangin, tsk." "Hindi ako mahangin. I'm just telling the truth." "Wow, overflowing confidence?" Humarap siya sa 'kin at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napaatras naman ako pero may puno pala sa likod ko. Sh*t, anong ginagawa niya? "Sige nga, sabihin mo sa 'kin na pangit ako. 'Yong walang halong kasinungalingan." Pigil-hininga akong nakatitig sa kanya at siya naman ay chill na nakatingin direkta sa mga mata ko. Hindi ako magpapatalo. "Pangit ka." Ngumiti siya at mas nilapit pa ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko. Our face are only inches apart. I'm a bad girl but why can't I push him away? Hindi ko siya matulak para lumayo sa 'kin. "Liar." Matapos niyang sabihin iyon ay nilayo na niya ang kanyang mukha at nakahinga naman ako nang maluwag. Ano 'yon? Pinagti-trip-an 'ata ako ng lalaking 'to, e. Napahawak ako sa dibdib ko. T*ng'na, ang bilis ng t***k. "Magkwento ka." "Ha?" "Magkwento ka tungkol sa sarili mo." Umiwas ako ng tingin. "I hate story telling." "Really? Ako kasi, I love story telling. At hindi ko titigilan ang isang tao kapag hindi ko narinig ang kwentong gustong-gusto ko marinig." Hindi lang ako sumagot. Walang dapat makaalam tungkol sa buhay ko. Kung ano ang dapat nilang malaman sa 'kin, pangalan lang at wala nang iba. Tumayo ako at iniwan siya. Lumalayo ako sa mga topic na tungkol sa 'kin. Ayokong pag-usapan ang sarili ko. Ayoko magkwento tungkol sa 'kin. Ayokong malaman ng iba ang tungkol sa buhay ko. Ayoko. Uuwi na lang ako. Dumaan ako sa classroom ni Zai. May teacher sila. Sumilip ako sa pinto at nakita ko siya. Napansin niya ako. Sumenyas akong uuwi na at tumango na lang siya. Dumaan ako sa parking lot para kunin ang bike ko. May tao. Mukhang pamilyar ah. Ay, si Klayne, Ash, at Jay lang pala. Malapit sila sa exit. Dadaan ako roon, tsk. Nang medyo makalapit ako sa pwesto nila ay narinig ko ang pinag-uusapan nila. "Seryoso, bro? Ang init pa rin ng dugo mo kay Nica?" tanong ni Ash kay Klayne. Tsk, bahala siya. Kung galit siya sa 'kin e di galit. Wala akong pakialam sa kanya. "Ayoko sa kanya, tss." Sumingit naman si Jay, "Hahaha, ayaw niya rin sa 'yo, bro." "Tsk, gusto kong umalis na siya sa section natin." "Hayaan mo na, bro. Hindi ka nga inaano ni Nica e, tss." Bading talaga. Baka natatakot siya na mas gandahan ko siya. Ayaw pa aminin na bakla siya, hahaha. Pakipot din, pft. I was about to paddle my bike when I saw someone. Nakamasid siya kina Klayne. Napatingin ako sa mga kasama niya. Lima sila. Anong binabalak nila? Nanatili ako sa pwesto ko para malaman kung ano ang gagawin nila. Sabay silang lumapit sa pwesto nila Klayne at sinapak ito. Nanlaki ang mga mata ko pero nanatili lang ako sa pwesto ko. Siguro naman kaya nilang lumaban 'di ba? "F*ck, sino kayo? Anong kailangan niyo sa amin?!" "Malaki ang kailangan namin sa inyo!" sagot no'ng lalaki kay Ash at sinapak ito. Gumanti ng suntok si Ash. Pero wala nang magawa ang tatlo kundi magpabugbog na lang. Tatlo lang sila at lima ang kalaban. Ang lalaki pa ng katawan. Kumuha ng tubo ang isa sa kanila. Pinatumba ko ang bike ko at tumakbo papunta sa kanila at sinangga ang tubo na ihahampas sana nila kay Klayne. Nanlaki ang mata ng lalaking may hawak ng tubo. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit at pinaikot ito kaya nabitawan niya ang tubo at napahiyaw siya sa sakit. Tinulak ko siya papunta sa mga kasama niya. "At sino ka naman? 'Wag kang makialam dito kung ayaw mong madamay." "Well, nakialam na ako kaya damay na ako rito. Hahaha, 'di niyo ako natatandaan?" "Gusto mo talaga ng away?" "I don't like it. I love it." Pinalibutan nila ako. At ako naman pa-chill na tinitingnan ang kuko ko kung may nabali ba o wala. "Sh*t, Nica! Nababaliw ka na ba?! Hindi mo sila kaya!" Napatingin ako kay Ash na nakatingin sa 'kin at nabaling naman kay Jay na hindi makapaniwalang sumigaw sa 'kin. "Tama si Ash, Nica. Hindi mo sila kaya. Malakas sila! Babae ka, Nica. BABAE!" Napairap na lang ako. Porket babae ba, weak na? Hindi ko na sila pinakinggan at binaling na lang ang tingin ko sa mga lalaking nakapalibot sa akin. "Wow, ang ganda mo naman, miss, hahaha." "'Pag napatumba ka namin, sa kama ang diretso mo, HAHAHA." Tumawa silang lahat. Sinamaan ko sila ng tingin. Mga manyak. Hindi pa rin sila nagbabago. I know them pero nakalimutan na 'ata nila ako. Matagal tagal na rin akong 'di nakipag-away ah. Let the fight begin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD