Veronica's POV
Unang sumugod 'yong lalaking may hawak na tubo kanina. Akmang susuntukin niya ako pero umiwas ako at sinuntok siya sa likuran. Sumugod ang dalawang nasa gilid ko at lumayo muna ako nang konti.
I felt a movement coming from my back so I ducked. Aba, sabay talaga silang sumugod ah. Akala nila 'di ko sila kaya. Sinipa ko ang paa ng lalaking nasa likod ko kaya napaupo siya.
Sumugod sa 'kin ang dalawang nasa harap ko. Sabay silang sumuntok sa 'kin pero nakaiwas ako. I won't let them ruin my beautiful face. At dahil tinatamad na ako lumaban kasi weak sila, ako naman ang sumugod sa kanila at pinagsusuntok sila.
Alright, three down, two left. Humarap ako sa dalawang natira at ngumisi sa kanila. Napaatras sila. Humakbang ako papalapit sa kanila. Nakita kong napalunok sila. Tss, scaredy cats.
"S-Sandali! Panalo ka na. Hayaan mo na kaming umalis."
Hindi ako nakinig at mas binilisan ang hakbang papunta sa kanila. Hindi na sila makaatras dahil may kotse sa likuran nila. Nang makalapit ako sa kanila ay tinitigan ko sila nang mabuti habang sila naman ay pinagpapawisan.
Kinwelyuhan ko ang lalaking nasa kanan.
"I won't let the both of you escape without any clue. Ano ang kailangan niyo sa dalawang binugbog niyo?"
"W-Wala. Napag-utusan lang kami."
"Sino ang nag-utos sa inyo?"
"Hindi namin pwedeng sabihin. Mapapatay niya kami."
"I DON'T CARE! Sino ang nag-utos sa inyo?"
Nakipagtitigan lang sila sa 'kin at hindi kumibo. Hindi talaga sila magsasalita? Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kuwelyo niya at sinamaan siya ng tingin.
Akmang tatakbo na sana ang isa pero agad kong hinawakan ang kwelyo niya nang mahigpit at sinamaan siya ng tingin. Akala niya makakalusot siya? Matalino 'ata ako.
"Sasabihin niyo o babangasan ko ang mga mukha niyo?"
"P-Pakawalan mo na kami."
"Ayaw niyo talaga?"
Susuntukin ko na sana siya pero napatigil ako nang magsalita siya.
"T-TEKA MAGSASALITA NA! 'Wag mo lang suntukin ang gwapong mukha ko, t*ng'na."
Mahangin din, tss. Ang sarap ihulog sa tulay ang mga mahanging tulad niya.
"Spill it."
"Hindi ko sasabihin ang pangalan dahil mapapatay niya talaga kami pero may clue akong sasabihin. Nag-aaral siya sa Andres University. Kilala siya bilang Dark Demon."
Dark Demon? That's kinda familiar. Pinakawalan ko na sila at nag-unahan naman sila sa pagtakbo. Pinuntahan ko sina Klayne ay nakaupo na sila.
"Jay, tulungan mo si Ash."
Tumango naman siya at tinulungan si Ash makatayo. Isa lang kasi ang pasa ni Jay kaya alam kong hindi siya napuruhan. Aabutin ko na sana si Klayne pero umiwas ito. Aba't.
"I don't need your help."
"Oh really? E di sana pinabayaan ko na lang kayo na mabugbog ng mga lalaking 'yon," naka-crossed arms kong sabi sa kaniya. Hihiram na lang siguro siya ng mukha sa aso kung pinabayaan ko sila, tsk.
"B-Bro, 'wag ka nang magpabebe. Kailangan magamot 'yang sugat mo. Magpatulong ka na, bro," singit ni Jay.
Wala na siyang nagawa kundi ang magpatulong sa 'kin. Akay-akay ko siya habang papunta kami sa clinic. Hindi siya nagpapabigat dahil alam kong nahihiya siya. May hiya pa pala siya.
Nang makaabot kami sa clinic ay agad silang inasikaso ng nurse. Tumayo na ako at binuksan ang pinto pero bumungad sa 'kin ang mukha ng dean.
"Good morning," ngiting sabi niya.
Tumango lang ako at tumabi para makadaan sila. Bago ako nakalabas ay narinig kong nagsalita ang dean.
"Where are you going? You are part of this incident. We need to talk to you."
Napabuntong-hininga na lang ako at sinirado ang pintuan. Hays, ano ba 'yan. Umupo na lang ako nang padabog at umupo sa sofa saka nag-cellphone.
"Kamusta ka, Klayne?"
"Medyo masakit lang ang mga pasa ko, Kuya, pero okay naman ako."
"Ikaw, Ash?"
"Okay na po ako, Dean, salamat."
Gusto ko nang umuwi. I'm already tired. I want to sleep. Tinago ko na ang phone ko at pumikit. I feel uneasy. May nakatitig sa 'kin. Dumilat ako only to find all of them staring at me.
"What?"
"What's your name?"
"Why do you need to know, Dean?"
Pinandilatan naman ako ni Klayne at Ash. Inirapan ko lang sila. Ngumiti sa 'kin si Dean at lumapit.
"You have something to do with this incident so I need to know your name."
"Tsk, Veronica Clare Dellvega-Jung."
Tumango siya at bumaling kina Klayne.
"Okay ka na ba, Klayne? And Ash?"
"Yes, Kuya."
"Yes, Dean."
Sabay na sagot nila. Ang bait 'ata nila kung 'andiyan si Dean?
"Let's go to my office. Pag-usapan natin ang nangyari."
Bakit parang kalma lang siya? Hindi ba siya nag-aalala sa kapatid niya? Lumabas na kami sa clinic at nagtungo sa office ng dean.
Klayne's POV
Sh*t, ang sakit ng katawan ko. Sino ba 'yong mga g*gong 'yon? Bangasan ba naman ang gwapong mukha ko, sh*t. Kung wala lang sana silang tubo ay makakaganti ako, tsk.
"Grabe, bro, ang pangit mo na, HAHAHA."
Sinamaan ko ng tingin si Jay. G*go 'to, parang ang gwapo niya ah.
"Ulol! Kahit ganito na ang mukha ko mas gwapo pa rin ako sa 'yo."
"Bro, masama ang nagsisinungaling. Magbagong buhay ka na, bro, HAHAHA."
"'Ngina mo!"
"HAHAHAHAHA."
Pati si Ash ay tumatawa na rin. Lakas talaga mang-asar itong hapon na ito, tsk. Nandito na pala kami sa office ni Kuya. Kasama namin si Veronica.
Hindi pa pala ako nagpapasalamat sa ginawa niya kanina. Tsk, pabidang babae. Alam naman niyang delikado 'yong ginawa niya pero tinuloy pa rin.
Napatingin ako sa kanya. Ang seryoso niya ngayon. Kahit na hindi ko hiningi ang tulong niya ay nakakamangha 'yong ginawa niya. Walang bahid ng takot ang mata't mukha niya.
Ang tapang niya at ang galing niya makipag-away. Paano kaya siya natuto? Umiwas ako ng tingin nang magsalita 'yong kuya ko.
"So, Ms. Dellvega-Jung, pwede mo bang sabihin sa 'min ang nangyari?"
"Ba't ako? Sina Klayne dapat."
Walang galang talaga ang babaeng ito. Dean kaya ang kinakausap niya at hindi kaibigan.
"Ako na lang po."
"Okay, Ash. Spill it."
Ayan na, seryoso na si Kuya. Nakakatakot talaga siya 'pag seryoso. Parang mangangain ng tao. 'Yong mga g*gong nambugbog kasi sa 'kin, tsk.
"Nasa parking lot po kami, nag-uusap ng mga bagay-bagay. Wala naman po kasing teacher kaya balak sana naming gumala. Wala rin ang guard, hindi namin alam kung saan. Tapos nagulat po kami nang sinugod kami ng mga lalaking hindi namin kilala."
"Hindi niyo ba namukhaan?"
Umiling si Ash. "Naka-mask po kasi sila. Pero si Nica, kilala niya siguro."
Tumingin kaming lahat kay Nica na nagse-cellphone. Napatingin din siya sa 'min at napakunot ang noo. Tsh, hindi nakikinig ang isang 'to, e.
"What?"
"Kilala mo ba ang mga lalaking 'yon, Ms. Dellvega-Jung?"
"Taga-Andres University sila."
"Pangalan nila?"
"Dunno."
Natahimik kami ng ilang minuto. Agad naman itong binasag ni Kuya.
"Bakit ka nakipaglaban?"
"Para tulungan silang tatlo."
"Tsk, papalampasin ko 'to ngayon, Veronica, pero next time na makipag-away ka pa ay magkakaroon ka na ng record."
"Self-defense lang naman po 'yon."
Aba't diniinan pa talaga ang 'po'. Wala talagang respeto ang babaeng ito. Ba't hindi niya ako gayahin? Gwapo na, mabait pa.
"Kahit na. Away pa rin 'yon. Maliwanag ba?"
"Tsk, whatever."
Napailing na lang si Kuya sa kanya. Mabigyan nga ng isang sakong respeto ang isang 'to, baka sakaling tumino na makipag-usap sa matatanda sa kanya.
"Pwede na kayong umalis."
Nagsialisan na kami at ako naman ay ika-ika sa paglakad. Sh*t, ang sakit talaga ng katawan ko. Kapag nakita ko talaga ang mga lalaking 'yon ay ipapakulong ko sila sa pagsuntok sa gwapong mukha ko, 'ngina.
"Bro, hindi ka man lang ba magte-thank you kay Nica?"
Ako, mag te-thank you do'n? No way! Hindi ko naman hiningi ang tulong niya kaya wala akong utang sa kanya. There's no way I'm gonna say thank you to that girl. Tsk.
"Ayoko."
"Grabe, bro, tigas mo."
"Tsk."
Umuwi na lang ako at nagpahinga. Phew! Mabuti at wala si Mama, hindi niya nakita yung bangas sa mukha ko. Pero panigurado makikita niya iyon bukas. 'Ngina, bahala na nga. Pagod na ang katawan ko. Gusto ko nang matulog.