Klayne's POV
"Klayne, gising na, Klayne. Maaga pa ang pasok mo."
Boses pa lang alam kong si Yaya Eda na iyon. Bumangon na ako at naligo. Matapos kong maligo ay bumaba ako. 'Andito pala si Mommy.
"Good morni—ANAK! WHAT HAPPENED TO YOUR FACE?"
Ano ba naman 'yan. OA talaga si Mama pagdating sa mga ganitong bagay.
"Heins, what happened to your brother?"
"Binugbog siya ng grupo ng mga estudyante galing Andres University."
"What?! Wala ba kayong guard, Heins?"
Sumubo muna si Kuya ng pagkain at sinagot si Mommy.
"Meron naman, Mom. May ginagawa kasi 'yong guard that time."
"Hindi na dapat mangyari ulit 'to Heins ah. Kumain ka na, Klayne."
Ngumuso ako at kumuha ng pagkain. Bad trip na naman si Mommy. Ganito talaga siya 'pag may nasaktang isang family member. Kahit konting sugat lang grabe siya mag-react. Buti na lang hindi ko minana 'yong ganyang ugali niya, hahaha.
"Sino 'yong mga estudyanteng 'yon? Nakilala niyo ba?"
"Hindi po, Mom, but sabi ni Veronica taga-Andres University daw sila."
Nabilaukan naman ako. Ba't kailangan pang i-mention ang pangalan ng babaeng 'yon? Ang sakit sa tenga, psh.
"Who's Veronica?"
"Siya 'yong tumulong kina Klayne. If it wasn't for her, malala na siguro ang lagay ni Klayne ngayon."
Nakikinig lang ako sa usapan nila habang kumakain. Tsk, e di siya na 'yong hero. I didn't ask her to save me though.
"You mean, she fought with the guys who beat Klayne up?"
"Yep."
"Woah, I want to meet her. Klayne, nag-thank you ka ba sa kanya?"
Napatingin naman ako kay Mommy.
"Hindi pa at ayoko mag-thank you."
"At bakit?"
"I don't want to, Mom."
"Mag-thank you ka, Klayne. Hindi magandang ugali 'yan. She saved you."
Bumuntong-hininga na lang ako. Tsk, ayoko pa rin. Sabay kaming pumunta sa school ni Kuya. Nang makaabot kami ay naghiwalay na kami.
Bago ako pumasok sa campus ay inayos ko muna ang sarili ko. Baka ma-turn off ang mga girls, e. Well, mas okay nga 'yong matu-turn off sila para walang maingay.
Naglakad na ako papunta sa classroom at pinagtitilian naman ako ng mga babae. Alam kong gwapo ako pero nakakarindi talaga ang mga tili nila. Ang sakit sa tenga. Nang makaabot ako sa classroom ay pumasok agad ako.
"Yo, bro! Good morning!"
"Good morning, Jay. Pangit mo."
"Wow, bro. Coming from you ha. Sino kaya mas pangit sa atin ngayon? HAHAHA."
Oo nga pala. May bangas pala 'yong mukha ko, 'ngina. Umupo ako sa tabi ni Rendell. Ang tahimik talaga nito. Hindi ko alam kung paano niya natitiis ang hindi magsalita. Pinasadahan ko ng tingin ang buong classroom. Parang may kulang ah.
Napako ang mata ko sa isang bakanteng upuan sa likod. Wala siya? Napangiti ako. Mukhang magiging masaya 'yong araw ko ah. Walang kontrabida.
Nang dumating si Ma'am ay nagsi-upuan na kami at nakinig sa mga sinasabi nito. Good boy ako kaya naman nakikinig ako. Hindi gaya sa kilala ko na walang respeto at bad influence, tsk tsk.
--
Ilang oras ang lumipas at natapos din ang klase. Lunch time na at bawal ulit kami sa canteen dahil sinabi ni Ma'am Apricot kay Kuya 'yong inconsistency ng section namin sa pagsagot ng recitation sa kanya. Bakit ba kasi hindi nakikinig 'yong ibang classmates ko? Nadamay tuloy ako. Gutom na gutom na kaming lahat dito. Idagdag mo pa 'yong maraming assignments na binigay ni Ma'am at project na mahirap gawin, 'ngina.
"Hoy! Tara dito magme-meeting tayo tungkol sa project."
Nagsilapitan sila sa 'kin. Ang hirap naman ng project na ito. Tapos madugo pa ang pagbigay ni Ma'am ng grades. 'Ngina talaga.
"Wow, bro! Nagbabagong buhay ka na talaga. Congrats, proud na proud kami sa 'yo, HAHAHA."
"Ulol! Umayos ka nga! Usapang grades 'to, bro. Papagalitan ako ni Dad 'pag bumagsak ang grades ko, 'ngina."
Paano kaya namin gagawin 'yon? Model of an atom? Tiningnan ko 'yong sample picture na binigay ni Ma'am.
"Aw, sayang wala si Nica. Walang astig."
Sinamaan ko ng tingin si Haden.
"'Wag hanapin ang wala dito."
"Grabe, ang init talaga ng dugo mo kay Nica e, 'no?"
"Tsk."
Napatingin ako kay Rendell nang may binulong siya na hindi ko narinig.
"Anong sabi mo?"
"Wala."
Tumango na lang ako. May narinig akong nagpipigil ng tawa kaya napatingin ako kay Jay.
"Pft, narinig ko 'yon, Rendell, hahaha. Bro, BAKLA KA RAW SABI NI RENDELL, HAHAHA!"
Ano raw?! Sinamaan ko ng tingin si Rendell. Hindi ako bakla. Sa gwapo kong 'to? Bakla?
"What? Totoo naman ah. Pumapatol sa babae, tsk."
"Porket pumapatol sa babae, bakla agad? Sipain kita diyan e!"
"Tss."
Gutom na ako, 'ngina. Napahawak ako sa tiyan kong biglang umingay. Hays, tiis na lang. Kasalanan naman namin e, haha. May narinig kaming kumatok sa pintuan.
"Oh, may kumakatok. Axel, buksan mo."
Binuksan ito ni Axel at bumungad 'yong kuya ko.
"Good morning, Dean," sabay na bati namin. Bumait mga tao ngayon. Iba talaga 'pag graduating na, HAHAHA.
"Good morning. Pwede na kayong pumunta sa canteen. You can eat there again."
Napatayo naman kami sa tuwa. Sa wakas! Sa wakas makakakain na rin. Gutom na gutom na ako. Agad silang nag-unahang pumunta sa canteen at naiwan kami ni Jay, Ash, at Rendell.
"Thank you, Dean."
"Don't thank me. Thank the person who came to me and said that all of you is starving already."
Person? Sino?
"Sino, Dean?"
"It's for you to find out. I'll go ahead."
Tumango lang kami at lumakad na papuntang canteen. Mamaya na lang 'yong project dahil makakapag-hintay naman 'yon.
"Bro, sino kaya 'yong nagsabi sa kuya mo na gutom na tayo?"
"Hindi ko alam, Jay. Pero thank you talaga sa ginawa niya."
"True. SA WAKAS, KAINAN NAAA!"
Napailing na lang kami sa kanya. Mukhang bunganga talaga siya, tsh. Mukhang pagkain din. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya tumataba kahit ang takaw-takaw niya.
"Kyaaahh! OMG, nandito na siyaaa!"
"Wieee, pwede na sila sa canteen!"
"Oo nga, yaaah! Makikita ko na siya araw-araw."
Iba talaga 'pag gwapo, hayst. Bakit ba kasi ako pinanganak na gwapo? Ayan tuloy araw-araw akong pinagtitilian. Bumili na kami ng pagkain at nakiupo sa lamesa nina Mardel.
"Hoy, 'yong project pala natin. Tapusin na dapat para wala nang aalahanin. Kailan tayo gagawa?"
"Hayaan mo na, bro. May gusto naman sa 'yo si Ma'am kaya okay lang 'yon, HAHAHA."
"Ulol ka Jay! G*go."
"HAHAHA."
Walang hiya talaga. Kung ano-ano ang pinagsasabi. Palibhasa pagkain at bunganga ang inaatupag, hindi grades. Ang bait ko talaga, sh*t.
"'Wag mong pansinin si Jay, Klayne. 'Pag pinansin mo 'yan siguradong mauulol ka."
"Ulol ka, Ash!"
Tumawa na lang kami. Napaka-isip bata. Mabuti pa itong si Ash. Matino kahit papano.
"Let's just buy things we need for the project later. Since our teacher isn't here, we'll make a letter to be approved by the Dean so that we can go out."
Ang mysterious talaga nitong lalaking 'to. But, Rendell's right.
"Okay then, it's settled."
Tinapos na namin ang aming pagkain at bumalik sa classroom. Pinag-usapan namin ang mga dapat bilhin. Kaunti lang naman. Bawat isa sa 'min ay magbabayad lang ng 100 para makabili.
"E, paano si Nica? Absent siya."
Pati ba naman 'yan kailangan problemahin? Palagi nilang sinisingit ang pangalan ng babaeng 'yan, tsk.
"E di 'wag ilagay sa members. Basic."
"Grabe, bro. Ilagay mo naman."
"Wala siyang tinulong."
"Absent siya, bro."
"Jay, kasalanan na niya 'yon."
Tumingin silang lahat sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"WALANG AWA."
Sabay pa talaga sila. Napa-poker face na lang ako. Napalapit na pala sila sa Nica na 'yon, 'ngina. Por que't nilibre sa Jollibee. Kaya ko silang librehin sa Jollibee araw-araw aba. Pero siyempre ayoko dahil mauubos ang pera ko sa kanila.
"Uy, Klayne, gumawa ka na ng letter. Ikaw ang gagawa ng project kaya ikaw ang gumawa."
"'Ngina mo, Earl. Ako na nga ang magpaplano ako pa ang gagawa? Ikaw gumawa, Owen."
"Oh, ba't ako? Jake, ikaw 'yong gumawa!"
Aba't pinagpapasahan pa. Mga tamad talaga itong mga 'to. Abuso na sila sa kabaitan at kasipagan ko ah.
"Oh, Kahlil, ikaw raw gumawa."
"Ina niyo! Ako na lang ang gagawa, ang tatamad niyo lintek."
Natawa na lang kami kay Kahlil. Mukhang masaya nga talaga ang araw ko kapag wala ang babaeng 'yon. Pero, bakit kaya siya absent? Aish, bahala siya.