Klayne's POV
Papunta ako ngayon sa office ni Kuya. Magpapa-approve na kami ng letter. Mga walang hiyang 'yon. Pa-chill lang sila sa baba samantalang ako pagod na sa kakaakyat.
Pumasok na ako sa office ni Kuya, walang katok-katok. Nagulat naman siya dahil sa biglaang pagpasok ko.
"Learn how to knock, Klayne."
"Oo na. Magpapa-approve lang ako ng letter para makalabas ng campus."
"Hmm. May tao ba? Parang wala naman."
Napabusangot na lang ako. Ba't ba ganito si Kuya? Aish. Lumabas ako sa office niya, kumatok sa pinto at pumasok.
"Oh, you're here, Klayne. What do you want?"
"Magpapa-approve lang ng letter, Dean."
Diniinan ko talaga 'yong Dean. Tsk, ang arte talaga niya.
"For what?"
"Para makalampas kami sa guard. Kailangan naming bumili ng mga gamit para sa project namin. Wala naman si Ma'am kaya you know, time management."
"Okay then. Give me the letter."
Binigay ko ang letter kay Kuya at pinirmahan niya ito. Lumabas na ako at bumalik sa classroom. Walang hiya talaga 'tong mga 'to.
"Hoy, mga ulol! Tara na."
"Yeheeey!"
Tsk, pasalamat sila mabait at gwapo ako. Kung hindi, naku! Magdudusa talaga sila. Pumunta na kami sa guard house at binigay ang approved letter namin. Pumayag ang guard na lumabas kami.
"So saan tayo?"
"Saan lang, Kieran, walang tayo."
"G*go, Aiden, hindi tayo talo! Aaron! Pakainin mo 'yang kambal mo, gutom ata."
"HAHAHA."
Walang kwenta talaga kausap 'tong mga kaibigan ko, 'ngina.
"Kain muna tayo!"
"Kakakain lang natin, Jay! May uod ba dyan sa tiyan mo?"
"Shut up, Owen. Shattap."
"Pffft."
Binatukan ko silang maiingay. Napa-aray naman sila. Ang iingay, mga lintek.
"Klayne, pwede bang pumunta muna tayo sa Starbucks? May dadaanan lang ako."
"Sige, Rendell."
Tinahak na namin ang daanan papunta sa Starbucks. Walking distance lang ang Starbucks mula dito sa school kaya naman hindi na kami sumakay pa. Iniwan namin ang mga kotse namin sa school dahil hindi pumayag si kuya.
Ilang minuto ang lumipas at nakaabot na kami sa Starbucks. Pumasok muna kami at hinintay si Rendell na makabalik.
"Miss, miss!" tawag ni Jay sa isang waitress.
Parang pamilyar sa akin ang babaeng 'yon. Isinawalang-bahala ko na lang 'yon at tumingin sa mga kapeng available.
"What's your order?"
"Isang—NICA?!"
Si Veronica? Napatingin ako sa babae at gulat itong napatingin sa amin. Anong ginagawa niya rito? Nagta-trabaho ba siya?
"A-Anong ginagawa mo rito, Nica?"
Tumalikod siya at lumakad papalayo sa 'min pero naabutan siya ni Rendell kaya hinila siya pabalik dito.
"Oy, ano ngang ginagawa mo rito, Nica? At bakit ganyan ang suot mo?"
"Hindi pa ba obvious, Jay? Tsk, nagta-trabaho ako rito."
Bakit siya nagta-trabaho? Hindi ba sila mayaman? Sa pagkakaalam ko, mahal ang tuition sa school.
"Maupo ka nga muna."
Tumayo si Axel at in-offer ang kanyang upuan.
"What do you want? May trabaho pa ako."
Unang nagtanong si Jay. "Bakit ka nagta-trabaho rito?"
"To earn money."
"E kung ganoon, paano ka nakapasok sa school? Mahal ang tuition mo. Kahit mag-trabaho ka, hindi makakaya ng sweldo mo."
Napatango naman kami sa sinabi ni Jay. May common sense din pala 'tong isang 'to ah. Tiningnan niya lang kami isa-isa.
"Nica—"
"You don't need to know. So excuse me, may gagawin pa ako."
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa 'kin. Nakatinginan kami. Her eyes, it's.. it's beautiful.
"Bitawan—"
"Veronica? Anong nangyayari dito? Bakit hindi ka nagta-trabaho?"
Patay. Boss niya 'ata 'to. Magsasalita na sana si Veronica nang maunahan siya ni Rendell.
"Excuse me, Sir. Can we excuse Veronica? We have a project to do and the deadline is tomorrow. Without her our project will be incomplete. That means, we will have a zero for our grade."
Nag-isip-isip muna ang boss ni Veronica pero pumayag naman sa huli.
--
'Andito kami ngayon sa mall. Looking for materials na magagamit namin para sa project.
"Teka nga, ano ba ang project natin?"
"Model daw ng atom. Parang ito oh," paliwanag ni Mardel sabay pakita ng picture ng example.
"Tsk. Basic."
Napatingin naman kami sa kanya. Ano raw? Basic? Ang yabang ha. Tsh, hindi kaya madali gumawa ng 3D model of atom.
"Mardel, nakalimutan mo yatang sabihin sa babaeng 'yan na 3D ang gagawin. Tsk."
"Ipinakita ko kaya, Klayne."
Umiling-iling na lang si Veronica. What the?
"Basic, Klayne."
Ngumisi siya pagkatapos sabihin iyon. Ang yabang ng babaeng 'to. Kung pumapatol lang ako sa babae kanina ko pa 'to sinapak. Kaso hindi, e, babae siya. Teka, babae nga ba 'to?
"Here is my instruction—"
"Hoy hoy hoy! Anong instruction? Ako ang in-charge dito! Ako ang masusunod!"
"Shut up, Klayne. Sige nga, sabihin mo ang mga dapat bilhin para mabuo ang 3D Model of an Atom."
Ano nga ba ang mga kailangan para buohin yun? Paksh*t hindi ako marunong gumawa niyan, e. Ang hirap, p*t*ngina. Hindi ako nagsalita at tiningnan na lang nang masama si Veronica.
"Alam niyo? Kung hindi ko lang kayo kilalang dalawa, sasabihin kong kayo na."
"Yuck."
"Eww, Kieran."
Sabay na sabi namin ni Demonica. Napangiti ako. Demonica? Not bad. Hahaha, that will be her nickname.
"Tsk. Bilisan niyo na. Nauubos ang oras."
Gaya nga ng sabi ni Rendell ay umalis na kami. At dahil nga hindi ko alam kung paano gagawin ang 3D Model of an Atom ay si Demonica ang nagli-lead.
Veronica's POV
I-a-assign ko na lang sila sa mga dapat bilhin. Tatlo-tatlo para hindi sila mahirapan. Medyo mahirap din kasi hanapin 'yon.
"Kieran, Haden, and Mardel. Buy some paint."
"Aiden, Aaron, and Kahlil. Maghanap kayo ng sticks at tali. Kahit anong tali basta tali."
"Owen, Jake, and Axel. Box and plastic cover."
"Ash, Jay, and Klayne. Tutulungan niyo ako sa paggawa."
Tumango silang lahat pwera kay Ash, Klayne at Jay.
"Saan tayo magkikita-kita at anong oras babalik?"
Hmm, ano kaya ang estimated time na makakabalik sila? It's already 1:00.
"Be back at 2:30 dito mismo sa tinatayuan natin."
Nagsialisan na sila at napaupo naman ako sa malapit na bench. Nalaman na nila, tsk. They already knew that I have work. Mas lalo silang maku-curious sa pagkatao ko.
"Nicaaa, do'n muna kami ah!"
Hindi ko lang sila pinansin pero alam kong umalis sila dahil nakikita ko ito sa peripheral vision ko.
"Hey."
Napatingin ako sa nagsalita. Oh, it's him.
"What?"
"Tsk. Nothing. I'm bored."
"Iniwan mo sila do'n na naghahanap ng in-assign ko? Tsk."
"You didn't assign me something."
Hindi ba? Tsk, I don't care. Tumulong na lang siya sa paggawa mamaya. Busy ako sa kakaisip kung kamusta na ba sila. Tsk iniisip ko sila pero ako kaya? Iniisip din ba nila?
"Hey, why are you working?"
Hindi na ako nagulat sa tanong niya. He's already curious from the start. Alam kong curious na sila sa 'kin noong una pa lang at mas naging curious dahil nakita nila ako sa Starbucks, psh.
"You don't need to know. At 'wag mo nang alamin pa."
"Why? What are you hiding?"
Naiirita ako. Hindi ba niya alam ang 'mind your own business and life'? Hindi ko lang siya pinansin. Ilang minuto kaming hindi nagsalita at nanahimik lang.
--
2:25 na. 'Asan na kaya ang mga 'yon? Tsk.
"'Andito na kami."
Oh, speaking of them. Sabay-sabay silang bumalik ah. Napangiti ako sa mga dala nila. Nice, kompleto lahat. Walang labis, walang kulang.
"So saan natin gagawin ang project?"
Napatingin kami sa nagtanong. Anyare sa lalaking 'to?
"Ba't pinagpapawisan ka, Axel?"
Agad siyang umiling. Isinawalang-bahala ko na lang. Saan kaya kami gagawa nito?
"Kaninong bahay ang pwede? Doon na lang tayo gagawa."
Napatingin lahat sila kay Klayne nang sabihin ko iyon. I think sa bahay nila kami tutuloy.
"Tsk, as if I have a choice."
Natawa na lang kami. 13 boys and one girl. Cool.