Veronica's POV
Nandito na kami sa harap ng bahay ni Klayne. Sa bahay niya kami gagawa ng project.
"Pasok na kayo."
Ang laki ng bahay. Ang yaman niya pala talaga. Tsk, whatever.
"Anak? Ikaw ba 'yan?"
Napalingon kami sa kusina kung saan galing ang boses ng ina ni Klayne. Mahinhin ang boses niya.
"Yes, Mom. It's me."
Lumabas siya sa kusina and, woah. Ang ganda ng mama niya. Kung hindi ko lang alam na anak niya si Klayne ay mapapagkamalan ko siyang dalaga.
"Oh, may mga bisita ka pala, 'nak."
"Hi po, Tita!"
Ngumiti siya sa 'min at binati kami. Napatingin siya sa 'kin at ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.
"May babae pala kayong kasama. Girlfriend mo ba 'yan, Klayne?"
Nanlaki naman ang mata naming dalawa ni Klayne at natawa 'yong iba. Seriously?
"What the, Mom! She's not my girlfriend. And she will never be my girlfriend, tsk."
Aba't parang gugustuhin ko rin naman siyang maging boyfriend ah. Tss, kung siya lang naman ang magiging boyfriend ko, 'wag na lang.
"Hindi natin alam 'nak, hahaha."
"Tsk. Stop it, Mom."
"Okay okay, hahaha."
Grabe, parang tropa lang ang turingan nila ni mama niya ah.
"So, classmate mo rin siya?"
Tumango si Klayne at tahimik lang kami ng mga kasama ko. May interview pa palang magaganap, hindi ako informed.
"Woah! First time nagkaroon ng babae sa section niyo ah."
Napangiti ako. Astig kasi ako, hahaha.
"Bago kayo magsimula, kumain muna kayo."
"Yes, pagkain!" sabay na sigaw ng kambal at ni Jay.
Basta pagkain e, tsk tsk. Napatingin ako sa mama ni Klayne. I still don't know her name. Napatingin rin siya sa 'kin at niyakap ako. What the..
"Uhmm..."
"Ay sorry, iha. Ang ganda ganda mo kasi, hihi. Napayakap tuloy ako sa 'yo. I remember her. Anyways, kumain lang kayo ha?"
Hinila niya ako papuntang kusina. Nagsunuran naman sila at umupo kami sa mesa. Nagkwentuhan kami—sila lang pala. Habang ako ay tahimik lang. Napag-alaman ko na Hazel pala ang pangalan ng mommy ni Klayne.
--
"Pagkatapos niyong pintahan 'yan, patuyuin niyo kaagad ah."
"Yes, boss!"
Napailing na lang ako sa sagot nila. Nakakatuwa ang tawag nila sa 'kin. Boss, hahaha. Nice.
Gumagawa na kami ng project at malapit na itong matapos. Ilalagay na lang namin 'yong styrofoam balls sa alambre at ipapasok sa box.
"Oh, tuyo na!"
Ang bilis naman. Kinuha ko na ang styro balls at binigay kay Klayne. Alam na naman niya kung anong gagawin. Natapos din namin ang project sa wakas and yeah, ang ganda.
"SUCCESS!" sabay na sigaw nila. Napatingin kami sa pintong biglang bumukas.
"Oh, magmeryenda muna kayo."
Si Tita Hazel pala. Ngumiti siya sa 'kin kaya nginitian ko rin siya. Kahit bastos ako ay marunong din naman ako gumalang 'pag gusto ko, tsk.
"Tamang-tama, gutom na ako!!"
Agad na tumakbo si Jay papunta kay Tita kaya napasigaw kaming lahat..
"JAY! MAG-INGAT KA!!"
Napatigil naman siya kaya nakahinga kami nang maluwag. Sinamaan ko siya ng tingin at nilagay ang project sa safe na lugar. Jusko, pinaghirapan namin itong project tapos masisira lang dahil sa pagkain? Tsk.
"Ahehe, sorry naman. Gusto ko nang kumain, e!"
Nilantakan niya agad ang pagkaing dala ni Tita. Tumayo ako at naglibot-libot sa bahay ni Klayne. Ang laki ng bahay nila. Puno ito ng mga pictures nilang magpamilya.
Napatigil ako sa isang teddy bear na may naka-engrave na 'baby' sa pillow na hinahawakan nito. Ang cute. Hahawakan ko na sana ito nang may nagsalita mula sa likod ko.
"Don't you dare touch that."
"Tss, e di 'wag."
Sinusundan 'ata ako nitong si Klayne e. Hindi ko siya pinansin at tumingin-tingin sa pictures na nakasabit sa wall. Napako ang tingin ko sa isang litrato na kung saang may hawak na batang babae si Tita Hazel sa kaliwa at sa kanan naman ay isang batang lalaki.
Si Klayne 'yong batang lalaki panigurado. Pero 'yong batang babae, sino? Tsk, hayaan na nga. Para namang may paki ako sa buhay niya.
"Tapos ka na bang magtingin-tingin? Kung oo, lumayas ka na dito aba. Baka magkaroon ng germs ang mga gamit dito dahil sa 'yo."
"Ulol! Malinis ako. Hindi tulad mo na may germs talaga, tsk."
"Ulol ka rin, babae! Nakikita mo ba 'yong germs?!"
Napangisi ako. Bakla talaga siya, tsk. May gusto 'ata 'to sa 'kin kaso ayaw niya lang umamin. Hayst, iba talaga 'pag astig ka at maganda.
"May putik 'yong uniform mo oh! Madumi. Ibig sabihin may germs. Tsk."
"E di wow."
Tinalikuran ko siya at bumalik na sa sala. Tsk, mga patay-gutom talaga ang mga 'to. Ilang tray na ng pagkain ang nakikita ko.
"Nica! Tara kain."
"'Wag na. Kulang pa 'ata sa inyo 'yan, Axel, tsk tsk."
"Okay! Basta sinasabi ko sa 'yo na masarap ang pagkain, HAHAHA, bahala ka diyan."
Gusto ko nang umuwi. Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kay Tita Hazel.
"Uuwi na po ako."
"Teka sandali, ipapahatid kita kay Klayne."
"'Wag na po. Kaya ko naman."
Umalis na ako at dumiretso sa bahay. Wala pa si Zai. Hindi pala ako nagpaalam sa kanya kanina. Iniwan ko siya sa trabaho. Nakakapagod.
Iidlip na sana ako nang biglang may kumatok. Si Zai? Ang aga naman niya? Ba't kaya umuwi yun? Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"V! I miss—"
Naisara ko ang pinto sa sobrang gulat. WTF? Anong ginagawa niya rito?! Paano niya nalaman na dito ako nakatira? Kumatok ulit siya kaya binuksan ko ang pinto.
"Grabe ka! Bakit sinara mo ang pintuan?"
"What the hell are you doing here?"
"I just miss you," sabi niya sabay gulo ng buhok ko kaya binatukan ko siya. G*go talaga itong lalaking 'to.
"'Di mo ba ako miss?" naka-pout na sabi niya. Yuck, ang pangit niya. Mabuti pa ako maganda, tsk.
"Ano ngang ginagawa mo rito?"
"Chill. Papasukin mo muna ako aba!"
Hindi pa ako nakasagot ay pumasok na siya. Wow, bahay niya 'to e 'no? Sumalampak siya sa sofa at kinain ang Piattos na nakapatong sa maliit na mesa.
"So dito ka pala nakatira? Not bad, hahaha."
"Anong oras ka aalis?"
"Grabe, kakapasok ko lang dito sa bahay mo ta's papaalisin mo kaagad ako?"
He's annoying as hell. But I must say, I kinda miss this guy. Kamusta kaya 'yong dalawa? I really miss them.
"V.."
"Hmm?"
"Ang pangit mo pa rin, HAHAHA."
Sinamaan ko siya ng tingin. Tumayo ako sa inuupuan ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Ako, pangit? Mamamatay ang magsasabi sa 'kin ng pangit.
"Hahah—joke lang—hahaha."
Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang dinaganan.
"Ah sh*t, ang bigat mo!"
"Ginusto mo ito, C. Panagutan mo."
Ginulo ko ang buhok niya at kinuha ang permanent marker sa bulsa.
"Woah, woah. What are you going to do, you little brat?"
"Stay still, C."
Nagkulitan lang kami at umuwi na rin siya dahil paniguradong hahanapin na siya sa kanila. Now, my day is complete. Gusto ko rin makita 'yong dalawa.
I wish these sh*ts will be over. I'm tired of it already. I want to go home and be with them.