Veronica's POV Nandito ako sa school at katulad ng kahapon ay nandiyan pa rin nakakadiring tingin sa 'kin ng ibang estudyante. Tch, wala akong paki. Nandito ako sa tambayan ko. Wala na naman si Ma'am Prutas kaya vacant na naman kami. Hindi ko alam kung bakit hindi siya pinapatalsik eh palagi namang absent. Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate ito. At sino naman itong nag-text? From: Zai Hoy, babae! Nandito ako sa classroom mo. Punta ka dito. May gusto sa 'yong kumausap. 9:14 am Si Zai lang pala. Ano naman ang ginagawa ng babaeng iyon sa classroom? Wala ba siyang pasok? Tch. At sino naman ang gusto akong kausapin? Tumayo na ako at tinahak ang daan papuntang classroom. Nag-expect ako na magbubulungan na naman ang mga estudyante pero himalang wala 'ata. Pinatuloy ko lang ang

