Chapter 21

1107 Words
Veronica's POV Papunta kami ngayon sa canteen para mag-recess. Kasama ko si Zai at of course 'yong barkada ko. Kalat sa buong campus ang issue na call girl ako. Tch. Paniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan. "Pigilan mo 'ko, Vica. Nanggigigil ako sa mga titig ng mga estudyanteng ito. Aba! Ikagaganda ba nila 'yan?" "Tch. Hayaan mo na lang sila." Nang makarating kami ay agad kaming humanap ng mauupuan. And unluckily, kailangan pa naming dumaan sa table ni Juliette Lilly. Tch. Nang dadaan na kami ay pinatid ako ni Juliette kaya sumalampak ako sa sahig. Napuno ng tawanan ang buong canteen at ang may pinakamalakas na tawa ay si Juliette. Tch, b*tch. "Hoy! G*ga ka ha! Bakit mo pinatid si Vica? Naghahanap ka ba ng away?" rinig kong sigaw ni Zai kay Juliette. Tinulungan ako ni Klayne makatayo at tinanong kung okay lang ako. Tumango lang ako bilang sagot. Tch, buti na lang mabait ako at hindi ako nananapak ng babae. Buti na lang, 'di ako warfreak. "Uhm, duh, hindi ko siya pinatid. Sadyang tanga lang siya at hindi niya nakita ang paa ko." Susugurin na sana siya ni Zai pero hinawakan ko ang kamay niya kaya napatigil siya. "Tara na, Clare." Hinawakan ni Klayne ang kamay ko at hinila ako papunta sa table namin. Nakita kong napabusangot si Juliette at binelatan siya ni Zai. "Oh ha! Hahaha, sakit girl 'no? Diyan ka na nga, hmp." Umupo na ako at tiningnan ang tuhod kong may konting sugat. Ang sakit, sh*t. Mas okay na ang malaking sugat kesa sa maliit na sugat na sobrang hapdi. Bumuntong-hininga ako at napatingin kay Klayne na nakatingin din sa 'kin. Iniwas niya ang tingin niya. Kumunot ang noo ko nang basain niya ng tubig ang panyo niya at lumuhod sa harapan ko. Anong ginagawa niya? Tinaas niya ang leggings na suot ko hanggang tuhod at nilinisan ang maliit na sugat sa tuhod ko gamit ng panyong binasa niya. Napangiwi ako sa hapdi. Pagkatapos ay nilagyan niya ng band aid ang sugat at tumingala sa 'kin kaya napaiwas ako ng tingin at namula. "TOL! KINAKAGAT AKO NG LANGGAM, SH*T!" "AKO DIN, AXEL, 'NGINA." "GRABE! SANA LAHAT MAY LABLYPE, T*NG*NANG 'YAN!" Natawa kami kay Jay nang sabihin niya iyon. Napatingin ulit ako kay Klayne na nakatingin din sa 'kin. I smiled and mouthed 'thank you'. Ngumiti lang siya sa 'kin. Nagpaalam muna ako para mag-CR. Habang nasa loob ako ng CR ay narinig ako na nag-uusap ang dalawang babae. "Uy, girl! Nakita mo ba 'yong kanina? Hinawakan ni Klayne my labs ang kamay no'ng Veronica." "Yeah, I saw it. Gosh, may something ba sa kanila?" "OMG, I don't know. At nakita ko rin kanina na nilagyan ni Klayne ng band aid ang tuhod niya." "Gosh! Hindi sila bagay. Masyadong gwapo si Klayne para mapunta sa call girl na 'yon 'no." Ako pala ang pinag-uusapan nila. Lumabas ako at malakas na sinara ang pinto dahilan kung bakit nagulat sila at napatingin sa 'kin. "At masyado din kayong chismosa to the point na pati ang CR, naririnig ang kasinungalingan niyo." Umalis na ako matapos sabihin 'yon. Parang na-miss ko atang makipag-away. Bumalik na ako sa table namin at nagkwentuhan ng mga nakakahiyang nangyari sa amin noong mga bata kami. Kami 'ata ang pinakamaingay dito sa canteen. Grabe naman kasi makatawa 'tong mga ugok na 'to. Nakikitawa rin ako minsan sa kanila. Nang mag-bell na hudyat na tapos na ang recess ay nagsibalikan na kami sa classroom. Syempre hinatid ni Ash si Zai. Ako naman ay papunta na sa classroom. Gagawa pala kami ng project ngayon. Napatingin ako kay Klayne nang sumabay siya sa 'kin sa paglakad at hinawakan ang kamay ko. Aba. Tsansing na 'to. "Hoy hoy hoy. Napapadalas na 'ata ang paghawak mo sa kamay ko ah. Tch." "Hinahayaan mo rin naman ako ah at nakahawak ka rin kaya. Yieee, hahaha." Agad ako bumitaw sa kamay niya nang sabihin niya iyon. He chuckled at hinawakan ulit ang kamay ko. "Joke lang, hahaha. Nare-relax kasi ako kapag hinahawakan ko kamay mo kaya hayaan mo na ako." Nag-init ang pisngi ko nang sabihin niya iyon. What the hell. At ngayon marunong na ako mag-blush. Aish. Kumunot ang noo ko nang marinig ko siyang tumawa nang mahina. "You're blushing." "H-Hindi ah!" "At nauutal pa. Hahaha." Bakit nga ba ako nauutal? Bakit ba ganito? Ganito ba talaga kapag gusto mo ang tao? I never felt this when I am with him. -- "Mardel! Paabot naman no'ng glue," utos ko kay Mardel. Gumagawa kami ng project. Truss Bridge ang ginagawa namin. Ang hirap ha. "Oh. Aaron at Aiden, kayo naman dito." "Aye aye!" Sabay na sabi nila. Umupo ako sa upuan na katabi ni Rendell. Napatingin siya sa 'kin at gano'n din ako. "Kayo na ba ni Klayne?" "Huh? Hindi 'no." "Oh. Mabuti kung gano'n." Mabuti? Ano raw? Nagkibit-balikat lang ako at pinanood silang gumawa ng project. "Nga pala, may ipapakita ako sa 'yo." May inilabas siyang sketch pad at binigay sa 'kin. Binuklat ko ito. Whoa! Isa itong drawing ng rose na nasa vase. Parang totoong rose talaga. "Ang galing mo mag-drawing." Tiningnan ko lahat ng drinawing niya at napahanga talaga ako. Ang galing. Lalo na 'yong mga drawing na 3D. "Galing." Nang makita ko ang huling drawing ay napanganga ako. It's me. It's a drawing of me holding a rose. "Ba't nandito ang mukha ko?" "Malamang drinawing kita. Wala na akong maisip na i-drawing, e, saktong nakita kita at may hawak kang rose kaya drinawing ko." Binaling ko ang tingin ko sa drawing. Ang galing. Kamukha ko talaga. Binalik ko na ang sketch pad sa kanya. "May future ka." "Compliment ba 'yon?" "Hmm. Parang, hahaha." "E di thank you." Natawa na lamang kami. Binigyan ako ni Rendell ng barnuts dahil hindi iyon nakaligtas sa paningin ko. I love barnuts. I was about to open it nang hinablot ito ni Klayne. "What the hell?" "'Wag mong kainin, baka malason ka, tch." Umalis siya matapos sabihin iyon. Anong problema no'n? Tch. Wala na tuloy akong barnuts. -- "Vica!" "Oh?" "Wah, kinikilig ako!" Dismissal na at pauwi na kami. Tch, kinikilig na naman 'to kay Ash. Palagi naman e, tsk. Speaking of kilig, naalala ko na naman ang ginawa ni Klayne kanina. Napahawak ako sa tuhod ko na may band aid at napangiti. "Ay. Akala ko ako lang ang kinikilig. Meron din palang kinikilig dito, HAHAHA." "Tch." "Namumula ka, Vica. Ayieee! May gusto ka na ba kay Klayne?" Napatahimik ako. Binilisan ko ang pag-pedal sa bike kaya nauna ako kay Zai. "SILENCE MEANS YES, HAHAHA!" rinig kong sigaw niya. Aish. Aasarin na naman ako no'n. Pero sh*t, kinikilig ako. Peste talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD