Chapter 20

1213 Words
Veronica's POV Umaga pa lang ay nasa school na kami ni Zai. Maaga kaming nagising eh. Habang naglalakad kami sa hallway ay pansin ko na tinitingnan ako ng bawat estudyanteng madaanan ko. Hindi lang basta tingin, titig talaga. Titig na may kasamang pandidiri. Ano na naman ba? Tch. "Ba't ganyan sila makatingin sa 'yo, Vica?" "Hindi ko alam." "Tch. Insecure lang siguro. Mga tao ngayon ang wi-weird." Nang makarating kami sa classroom ni Zai ay titig na may pandidiri pa rin ang binibigay nila sa akin. Ano bang problema ng mga 'to? Bakit hindi nila ako diretsuhin? Idadaan pa sa titig e. Tch. Nang pumasok na ako sa classroom ay napatingin sila Jay sa akin. Dumiretso lang ako sa upuan ko. "Nica. Totoo ba?" "Ang ano, Jay?" "'Yong nakasabit sa bulletin board." Kumunot ang noo ko at lumabas agad sa classroom para puntahan ang bulletin board. Nakita kong nakasunod sina Jay sa 'kin. Malayo palang ang bulletin board ay kitang-kita ko na ang nakasabit. What the heck! Ano 'to? It's a picture of me and Vance's friend na may inaabot sa 'king sobre kahapon. At ang nakalagay sa itaas ay 'Veronica Clare, a call girl'. WHAT THE HELL! Napapikit ako sa inis at napayuko. Nanginginig ang kamay ko sa galit. Humarap ako sa mga estudyanteng nakatingin sa akin. "SINONG MAY GAWA NITO?! HA!" sigaw ko at inangat ko na ang ulo ko only to find all the students shocked nang sinigaw ko iyon. "ANO? ANG GALING. BAKIT? NAKITA NIYO BA HA?! KILALA NIYO BA ANG LALAKING NANDIYAN? POR QUE'T MAY INABOT SA 'KIN CALL GIRL AGAD. ITAMPAL KO SA INYO ANG LAMAN NG SOBRE NA 'YON, E." Bumalik na ako sa classroom at kinalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ang judgmental ng mga tao ngayon. Ang sarap manapak. Napasalampak ako sa upuan ko at nag-drawing na lamang ng pinapagawa ni Ma'am Prutas. Buong araw ay hindi ako lumabas ng classroom. Hindi ako nag-recess kaya dinalhan ako ni Zai ng pagkain pero wala akong gana kaya binigay ko na lang kay Earl. Siya naman ang pinakamatakaw rito e. Lunch na pero hindi pa rin ako lumabas. Ayoko talagang lumabas. Ayokong makita ang pagmumukha ng mga taong judgmental. Malaman ko lang talaga kung sino ang may pasimuno no'n ay talagang kakalbuhin ko siya, tsk. Nagulat ako nang may pagkaing nilagay sa armchair ko kaya napatingala ako only to find Klayne. "Kumain ka na. Masama ang nagpapalipas ng gutom." "Wala akong gana." "Tch. Nagpapaapekto ka do'n sa poster na nakasabit sa bulletin board?" "Hindi. Iniisip ko lang kung sino ang may pasimuno no'n." Kumuha siya ng armchair at tumabi sa 'kin. Napatitig ako sa kanya. Ang gwapo ni Klayne, hindi ko maitatanggi 'yon. "Kinikilig naman ako sa mga titig mo. Alam kong gwapo ako, Clare. HAHAHA." Napa-poker face naman ako sa kanya. Tch. Ang hangin din eh. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagustuhan nito, e. O baka naman trip lang ako nito. Tch. "Kumain ka na. Hayaan mo na lang sila. Hindi naman kami naniniwala sa kanila eh. Mas naniniwala ako sa 'yo." Here goes my heart again. It's beating like a damn drum. Bakit ba ganito? Magpapa-check ako sa doctor mamaya. Nagiging abnormal na 'ata ang t***k ng puso ko. Bumibilis din kasi tuwing nakikita kong ngumiti si Klayne. Aish! "Salamat." "You're welcome!" Napangiti ako nang palihim nang kumindat siya sa 'kin matapos sabihin iyon. Kahit kailan talaga. Kinain ko ang dalang pagkain ni Klayne at nakipagkulitan kina Jay. Hindi naman daw sila naniniwala dahil kilala raw nila ako at hindi ko 'yon magagawa. Ni mahawakan daw ako ni Klayne ay mananapak na. Hahaha. "Klayne. Samahan mo 'ko." "Saan?" Hindi ko siya sinagot at lumabas lang ng classroom. Sumunod naman sa akin si Klayne. "Saan tayo pupunta, Clare?" Napatigil ako sa bulletin board kung saan nakasabit ang poster na nagsasabing call girl ako pero wala na ang poster. Kita ko sa peripheral vision ko na lumapit sa 'kin si Klayne. Nagulat ako at napatingin sa kanya nang hinawakan niya ang kamay ko. "Kinuha na namin nina Ash ang poster kanina at sinunog. Dapat sinusunog ang mga walang kwentang bagay." Hinila niya ako at hindi ko alam kung saan kami pupunta. I just found myself looking at him. Nararamdaman ko nanaman ang electric-like sensation sa magkahawak naming dalawa. Fudge! I didn't know that this will happen. I didn't expect this. Am I.. am I starting to like Klayne? What the hell, Veronica! Napatigil kami sa garden ng school. May bench sa gitna kaya naman umupo ako at pilit na isuksok sa utak ko na nagkakagusto na ako kay Klayne. Just, what the hell. Napatingin ako sa rose na biglang sumulpot sa mukha ko. I looked at Klayne who's smiling in front of me and giving me a rose. I felt my cheeks burning. Tinanggap ko ang rose at napayuko. "Alam mo ba? Hindi ko inakalang magkakagusto ako sa 'yo. Ang amazona mo. Hindi kita type. Para kang tomboy, hahaha. Hindi ka rin kagandahan." Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatawa siya. Sinama 'ata ako nito rito para lait-laitin e. Tch. "Pero bakit gano'n? Nagkagusto ako sa 'yo. Hala! Siguro kinulam mo ako 'no? Mukhang mangkukulam ka kasi, HAHAHA." Akmang susuntukin ko na siya kaya napataas siya ng kamay. "OH CHILL! INIT NG ULO NITO, HAHAHA." "Tch. Sige manglait ka pa. Parang ang gwapo-gwapo mo naman, e." Yeah. Ang gwapo mo. At nakakainis na tinatanggap ko na gwapo ka, tch. Klayne's POV Hindi ko alam kung bakit dinala ko siya rito sa garden at hindi ko alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko. Pero mukhang naiinis na siya dahil sa mga sinasabi ko, HAHAHA. Ang cute niya. "Joke lang! Ito naman ang init ng ulo. Sinasabi ko lang naman na nandito lang ako palagi para sa 'yo. Hihintayin kita kahit anong mangyari. Alam ko naman na may gusto ka rin sa 'kin kaya pumayag ka na ligawan kita, HAHAHA!" "Kapal mo! As if mapipigilan naman kita na manligaw e sabi mo pa nga, manliligaw ka kahit pumayag ako o hindi. Tch." Napatawa ako nang mahina. Why does she have to be this cute when she's annoyed? "Oo na, HAHAHA. Napaka-defensive mo. I'll wait for you, Clare. Sana 'yang oo mo naka-reserve para sa 'kin ah?" What the heck. Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Ang corny ko. I've been courting her for three months at sana may gusto rin siya sa 'kin. Nagulat ako nang tumingin siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. She smiled at me. A smile she never showed to anyone and I must say that I'm lucky that I saw it. "Yeah. Wait for me, Klayne." Three words and nine letters. One sentence that haunted me whole day. Its meaning had a great impact in me. Dismissal na. Matapos niyang sabihin 'yon kanina ay umalis siya at bumalik sa classroom. Ako naman ay maghapong lutang at iniisip ang sinabi niya kanina. Does that mean, she likes me too? Papunta na ako sa parking lot nang nakita ko sila ni Zai na paalis na. Nagtama ang paningin namin kaya nanlaki ang mata ko. But what's more surprising is, she smiled again. The same smile she gave me in the garden. Don't worry, Clare. I'll wait for you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD