Veronica's POV
Papunta ako sa school nang may nakabanggaan akong babae. No, scratch that. Binangga pala ako.
"What the hell? Try to look where you're going."
Napairap na lang ako at aalis na sana nang hinawakan niya ako sa braso nang mahigpit. At ano naman ang kailangan ng babaeng 'to?
"Layuan mo si Klayne, b*tch."
"Hindi naman ako ang lumalapit sa kanya. Bakit hindi siya ang sabihan mo?"
"Kahit na! Better stay away from him, or else."
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at umalis na. As if I'm scared. Tumuloy na ako sa classroom at nadatnan sila Jay na nagpa-panic sa pagkopya ng assignment. Pft.
"Good morning, Nica! May assignment ka na ba?"
Tumango ako. Lahat ng subject may assignment. Hayop kasi magbigay ng assignment si Ma'am Prutas, tch. Pero natapos ko din naman lahat. Ewan ko lang sa mga nandito sa classroom at nagpa-panic para makakuha ng sagot.
"Nica! Sobrang bait mo, pramis. Pakopya naman ng assignment sa Math! Huhu."
Napailing na lang ako kay Jay at binigay sa kanya ang Math notebook ko pero sinabi kong hanggang 10 lang ang kopyahin niya. Aba, pinaghirapan ko 'yan.
"Hoy! T*ng*na mo, Jay! Share your blessings!"
"Ulol ka, Axel! Magpaalam ka kay Nica."
Aba't pinag-aagawan pa ang notebook ko. 15 minutes passed at binalik na ni Jay ang notebook ko sa 'kin pero gusot-gusot na ito. Sinamaan ko siya ng tingin pero kumakain lang siya. Tch.
"Good morning class! Please pass your copied assignment."
Napatawa kami ni Rendell nang mahina. Nagpasa na kami at nagsimula nang mag-lesson si Ma'am. Nakikinig ako since hindi ako nakapag-advanced review kagabi.
"Mr. Weiger! Solve this problem using elimination method."
Agad namang pumunta si Kieran sa gitna at nagsimulang mag-solve.
"Mr. Gallardo, solve the same problem using substitution method."
"Ang hirap naman, Ma'am! Sa elimination na lang ako!"
"Tch. Magsosolve ka o minus five ka?"
Tumayo si Kahlil at nagsimulang mag-solve sa blackboard. Luckily, tama ang sagot nilang dalawa. Magkapareho dapat ang sagot.
Nang mag-bell para sa recess ay pumunta na kami sa canteen. Kasama ko mga kaklase ko at si Zai. Pero parang may kulang. 'Asan si Klayne?
"Ash."
"Bakit, Nics?"
"Si Klayne?"
Nagkatinginan silang dalawa ni Zai at ngumisi siya sa akin. Tch. Kung ano-ano na naman ang iniisip ng dalawang 'to.
"Hindi ko napansin, e. Bakit, Nics?" tanong sa akin ni Ash habang tinataas-baba ang kilay niya. Tumango lang ako at napatingin kay Zai nang sikuhin niya ako.
"Tsk. Masama bang magtanong kung nasaan si Klayne?"
"Hindi naman. HAHAHA."
Napailing na lang ako. Malisyoso at malisyosa nga naman. Napatingin ako sa hallway na papunta sa stock room nang makita ko si Klayne at 'yong babaeng binangga ako kanina.
"Uy. Ayun pala si Klayne oh! Nica, pakitawag na lang, HAHAHA."
"Ikaw na, Jay. Tch."
"Ikaw na dali! Una na kami ah! Bye, HAHAHA!"
Hayst. Bakit ba nagkaroon ako ng ganitong mga kaklase? Lumapit ako sa kinaroroonan ni Klayne at nung babae pero napatigil ako nang marinig ang sinabi no'ng babae.
"Klayne. I... I love you."
"I'm sorry but I'm in love with someone else."
"But that person doesn't like you, Klayne. Sa 'kin ka na lang. I'll do my best to make you happy."
"I'm sorry."
Bakit parang gusto ko sabunutan ang babae? Hindi naman ako ganito pero, why do I have this feeling that I want to pull the hair of this girl?
Lumakad na papalayo si Klayne pero napatigil ito nang magsalita ang babae.
"Aagawin kita kay Veronica, Klayne. I swear."
"Tch. Don't be like that. Find someone else."
Lumakad na ulit si Klayne at nakita niya ako. Our eyes met and I felt something inside my tummy. A tingling sensation. Ngumiti siya sa 'kin.
"Tara na sa canteen."
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papuntang canteen. What the hell is wrong with me? 'Di ba dapat kinukuha ko na ang kamay ko sa kanya? Bakit ko siya hinahayaan na hawakan ako?
And why the heck am I feeling this electric-like something in my hands simula no'ng hawakan niya ako? Aish. Wala 'to. Wala lang 'to. Nang makaabot kami sa canteen ay agad kaming pumunta sa table nila Zai.
"Oh. 'Andiyan na pala kayo. Nag-order na kami para sa inyong dalawa. Tagal niyo kasi, tsk tsk."
Napatingin si Zai at Ash sa kamay namin ni Klayne na magkahawak kaya naman napabitaw ako agad. Nakita kong ngumisi si silang dalawa pati ang kambal na si Aiden at Aaron.
"Nakita namin 'yon."
Umupo na lang ako sa tabi ni Zai. Gano'n din si Klayne. Nagsimula na kaming kumain. I felt something strange na parang may nakatitig sa 'kin kaya nilibot ko ang tingin ko.
And there I saw a group of girls na masamang nakatitig sa 'kin. One of them is 'yong babaeng nag-confess kay Klayne. I still don't know her name.
"Zai."
"Hmm?"
"Alam mo ba ang pangalan no'ng babaeng maganda sa kabilang table?"
"Oh? 'Yong naka-ponytail? Si Juliette Lilly Demis 'yon. Classmate ko. Naiinis ako sa babaeng 'yan. Ang arte. Nakakabwisit, tsk."
Juliette Lilly? Tch. Magkakaroon na 'ata ako ng kaaway. Natapos ang araw na wala akong ginawa kundi ang isipin ang magkahawak na kamay namin ni Klayne kanina. Aish.
I don't know kung bakit ayaw maalis sa isip ko iyon. Fudge! I hate this. I was about to ride my bike when I saw C's friend na tinatawag ako. Lumapit ako sa kanya.
"Oh, bakit?"
"Hi Nica! Long time no see, ah?"
"Tch. Ang pangit mo pa rin."
"Panira ka talaga. Nga pala, pinapabigay ni Vance."
May inabot siya sa 'kin na sobre kaya tinanggap ko naman ito. Mamaya ko na bubuksan sa bahay.
"Sige, salamat."
"Una na 'ko ah? Bye!"
"Sige ingat ka."
Tinago ko ang sobre sa bag ko at nag-bike na pauwi. Letseng kamay ni Klayne na hindi mawala sa isip ko. Tch. This is the first time na may humawak na lalaki sa kamay ko.
Whatever. Nang makaabot ako sa bahay ay kumain na kami ni Zai at natulog na.