Veronica's POV
Three months passed at gano'n pa rin ang nangyayari. Maingay pa rin ang mga ugok. Si Klayne, nanliligaw pa rin. Nag-e-effort siya palagi. I really don't know if he's serious or not.
Nandito ako ngayon sa bahay. Walang pasok dahil may meeting ang teachers. Importante daw. I'm talking with Zai who's happily sharing what happened in her first date with Ash even though I didn't ask her.
They're not dating yet. Nanliligaw pa lang si Ash. Zai said na sasagutin niya si Ash 'pag 18 na siya. Two years na lang. After three months passed, napatunayan ko na seryoso talaga si Ash. According to Jay, Zai is the first girl he had serious feelings with. Tch.
"Wah! Kilig na kilig ako. OMG!"
Napailing na lang ako sa kanya na ngayon ay tumitili sa kilig. Aigoo. Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring ito. Nagtaka ako nang mabasa kung sino ang tumawag.
Si Emp? This must be important. Once in a blue moon lang tumatawag si Emp sa 'kin at alam kong importante ito. Sinagot ko ang tawag.
"Yes, Emp?"
"May pag-uusapan tayo."
"Okay."
Binaba ko na ang tawag at nagbihis para pumunta sa bahay. Kapag sinabi ni Emp na may pag-uusapan kami ay alam ko na agad na kailangan kong umuwi. Napatingin ako sa orasan. 5:00 pm na pala.
"Oh? Saan ka pupunta?"
"Home. Meeting, I guess."
Tumango lang si Zairie at binigay sa 'kin ang duplicate key ng pinto. Kumunot naman ang noo ko.
"Lalabas pala kami ng classmates ko. Project e, baka gabihin ako."
"Oh. Okay."
I left after I said those words. Of course nag-commute lang ako. Isang oras ang makalipas bago ako makadating sa bahay. Malayo din kasi, tch. Nadatnan ko si Vance sa gate at napatingin ito sa akin.
"Oh. 'Andito ka na pala. I was about to fetch you."
"Well. No need. Anong meron?"
Naging seryoso ang mukha ni Vance. Yeah, importante nga ang pag-uusapan.
"Tara, pasok na tayo."
"Sige."
Nang pumasok na ako ay nadatnan ko silang nag-uusap nang seryoso sa sala. Seryosong-seryoso. 'Yong tipong mawawalan ka ng lakas ng loob mag-joke.
"'Andiyan ka na pala, Veronica. Maupo ka."
Umupo ako sa tabi ni Mommy Venice na ngayon ay seryoso rin.
"What happened?"
Hindi na ako nakatiis at nagtanong na ako. Alam kong may masamang nangyari kaya ganito sila. Minsan lang magseryoso nang ganito si Mommy kaya alam kong may nangyari talagang masama.
"Kanina habang nasa mall si Venice at Vinn, may tumangkang kumidnap kay Vinn."
Nanlaki ang mata ko. What the hell? No way! Not Vinn. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag may nangyaring masama kay Vinn. He's precious to us. He's our happy virus.
At sisisihin ko ang sarili ko kung sakaling may mangyari man sa kanya. Nag-aral ako makipaglaban para sa pamilya ko. Para maprotektahan ko ang mga mahal ko kaya dapat magawa ko ang tungkulin ko.
"Anong kailangan nila?"
"We don't know."
Si Paps lang ang sumasagot sa 'kin. This is a serious matter. Oo, maraming crimen ang nagagawa mga tao sa Manila at isa do'n ang mangidnap ng bata at ibenta ito. Pero nakasalalay ang pamilya ko rito, lalo na si Vinn.
"Let's double our security. Baka na-trip-an lang ng mga tao. Alam mo naman ang mga tao ngayon masyado nang nagpapadala sa temptasyon," sabi ni Dad na alam kong pinapataaman din ako. Tch. Trip? No. Sa tingin ko hindi.
"Trip? Hindi ito trip lang. Una, nandito tayo sa Taguig, may mga kidnapper ba rito? Wala. Kung meron man, e di sana marami nang balita ang kumakalat na may nawawalang bata. Pangalawa, alam nilang apo ni Emp si Vinn. Kilala si Emp kaya matatakot silang saktan ang pamilya ni Emp dahil knowing Emp, gagawin niya lahat para sa ikaliligtas ng pamilya niya."
"At pangatlo, knowing Emp, marami siyang connections kaya mahahanap agad ang nagtangkang mangidnap kay Vinn pero nananahimik lang si Emp ngayon so ibig sabihin, hindi tumalab ang connections ni Emp which is rare. Right, Emp?"
Napatingin kami kay Emp na ngayon ay nakangiti nang malawak sa 'kin.
"You're right, Veronica. Ang talino mo."
"Thanks, Emp."
Mabuti pa si Emp sinasabihan ako ng matalino. Napatingin ako kay Dad pero blangko pa rin ang mukha niya na parang wala lang sa kanya ang pag-ala-detective ko. Tch, nag-effort ako para magpa-impress.
"Veronica is right. Magiging madali sa akin ang issue na ito dahil alam niyo ang connection ko pero hindi ko alam pero, hindi nila nalaman ang nagtangkang kumidnap kay Vinn. They must be powerful too. 'Wag niyo muna ilabas ng bahay ang mga bata. I'll investigate more."
Tumango lang kami kay Emp. Let's wait for their next move. Nagtataka ako kung sino ang gustong kumuha kay Vinn. Anong kailangan nila? And who are they?
"Veronica? I'm trusting you na mababantayan mo mga kapatid mo. Kayong dalawa ni Vance. Alam kong nag-aaral kayo pero, please."
Sabay kaming tumango ni C kay Emp. I was about to say thank you to Emp nang bumida si Dad, tsk.
"Si Vance na lang ang pagkatiwalaan mo Emp. Tch, baka puro barkada lang 'yang si Veronica."
Napayuko ako. Why is he like this? Tao rin naman ako. I am hard-headed. I am not sensitive. I don't care about what they say. But it doesn't mean that I don't have feelings and I'm not hurt.
"Vain!"
"Dad!"
Suway sa kanya ni Mommy at C. Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ni Vinn na ngayon ay mahimbing na natutulog. He's so innocent.
"Be safe, Vinn. And you too, Vaughn."
Hinalikan ko ang noo ni Vinn at ni Vaughn. Tumayo na ako at lalabas na sana nang may narinig akong tinig kaya napalingon ako kay Vaughn na nagising.
"Ate? You're here?"
"Yes at uuwi na rin ako."
"Stay for a bit, Ate. I missed you."
Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo.
"I missed you too, Vaughn. But I have to go. May homeworks pa si ate na kailangang tapusin."
"Oh. Okay, ate. Bye!"
Bakas ang lungkot sa boses ni Vaughn nang sabihin niya iyon.
"'Wag ka nang malungkot. I'll bring you ice cream pag bumalik ako dito."
Napangiti siya at sisigaw na sana pero agad kong tinakpan ang bunganga niya at baka magising pa si Vinn.
"Shh. Now go to sleep. Take good care of Vinn, okay?"
"Okay, Ate! Goodnight!"
Ngumiti ako at lumabas na. He's nine years old at malapit na siyang maging teenager yet he's still childish. Bumalik ako sa sala at nakipag-usap kay Mommy at Paps.
We're talking about random things. Nakipagkulitan din ako sa kanilang dalawa. Napatingin ako sa oras sa phone ko. It's already 8:00.
Ang bilis ng oras. Nagpaalam na akong umuwi dahil alam kong hinihintay na ako ni Zai.
"Kumain muna tayo, Veronica."
"'Wag na, mommy. Hinihintay na rin ako ni Zai."
"Are you sure?"
Tumango ako and I gave her a reassuring smile. Hinatid ako ni C at tama nga ako, hinihintay ako ni Zai ng dinner. Pinakain ko muna si C at umuwi na rin siya.
Pumasok na ako sa kwarto ko at humilata sa kama. I'll protect them no matter what. What's the use of my fighting skills? I'll make sure they're safe until we found out who's behind that kidnapping.