Veronica's POV
"Vica! Wake up! Wake up!"
Tch. Zairie's mouth is so loud. Anong nagustuhan ni Ash dito sa babaitang ito? Bumangon na ako at nag-stretch nang kaunti. I did my morning routine.
"Vica."
"Hmm?"
"'Yong ano pala. 'Yong kasama ni Klayne palagi. 'Yong gwapo."
Si Ash? Napangiti ako. Ang bilis ni Ash, pft.
"What about him?"
"In-approach niya ako kahapon. He said 'hi', hihi."
"You like him?"
"Crush lang. Gwapo niya kaya, hahaha."
Aigoo. Magkaka-lovelife na 'ata 'tong best friend ko. Support na lang ako, lol. Although I'm not sure kung seryoso si Ash. Ayokong umiiyak si Zai.
"Tara na. Male-late na tayo."
Tumango ako at sumakay na sa bike papuntang eskwelahan. 15 minutes passed at nakarating na kami.
"Zai, susunduin kita dito sa classroom mo mamayang lunch."
"Sige sige."
Nang makapasok ako sa classroom ay bumungad sa akin ang mga kaklase kong nakapalibot. Hindi nila ako napansin. Mukhang seryoso talaga ang pinag-uusapan nila.
Bakit hindi ako kasama? Aba. I'm also a part of this classroom. Nakinig na lang ako sa pinag-uusapan nila.
"Klayne, hindi mo 'to kailangang gawin."
"Oo nga, Klayne. Porket natalo ka niya noon ay gagantihan mo ang kapatid niya. Siya ang gantihan mo hindi ang kapatid niya," seryosong sabi ni Haiden kay Klayne.
Gantihan? Sino? Tch. Mga basagulero talaga 'tong mga 'to.
"Alam niyo naman ang nangyari, 'di ba? Kailangan kong makaganti. Vance's gang is very powerful kaya do'n tayo titira sa weakness niya," paliwanag ni Klayne.
Wait, what? Vance? May gang si Vance? Impossible. Baka ibang Vance.
"Hoy. Sinong Vance? Sali niyo naman ako."
Napatingin sila sa akin na nanlalaki ang mga mata. Lol, nakakagulat ba ako? Gulat na gulat sila ah.
"Kanina ka pa diyan, Nica?"
"Oo. Sinong Vance ang gagantihan niyo? Sali ako oy."
"Ah, wala wala," sabay na sabi nila. Nagkibit-balikat ako at umupo nang mag-bell. Napaayos rin ng upo sina Klayne nang dumating si Ma'am Prutas.
Matapos ang ilang oras na klase ay lunch na. Sinundo ko si Zai sa classroom nila at sabay kaming pumunta sa canteen.
Nang makaabot kami ay nanlaki ang mga mata ni Ash nang makita niya si Zai. Tsk tsk, kinikilig pa ata ang lalaking ito.
"Uy, Vica. OMG! Nando'n siya, waaah!"
Hindi ko lang pinansin si Zai at um-order na lang ng pagkain at umupo sa tabi ni Klayne. Tch, wala naman akong choice e.
"Zai, do'n ka sa tabi ni Ash."
"H-Ha? Tabi na lang tayo!"
"Wala nang upuan oh."
Sinimangutan niya ako at umupo na lang sa tabi ni Ash na ngayon ay nanginginig ang mga kamay. Hahaha, hindi ko alam na ganito si Ash. Babaero pero ganito pala kapag nandiyan si Zai.
"Ehem. Nilalanggam 'ata ako."
"Woooh! Binata na si Ash, HAHAHA!" kantyaw ni Aiden at Aaron. Namula naman si Zai at Ash. Asus.
"Si Zairie Kai Perez nga pala. Bestfriend ko," pakilala ko kay Zai. Nagpakilala naman ang mga ugok at nakipagkulitan kay Zai.
"Babe! Kumain ka pa."
Natahimik si Zai at tiningnan ako na nanlalaki ang mata. Sh*t, hindi niya pa pala alam. Sinamaan ko ng tingin si Klayne na ngayon ay nakangiti.
"OMG! VERONICA, KAYO NA NI KLAYNE?"
Nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Zai na pati ang ibang estudyanteng kumakain ay napatingin sa table namin. Napahawak ako sa sentido ko. Bakit ang ingay-ingay ni Zai?
"Hindi pa, Zai. Nanliligaw pa lang ako pero kung gusto mo na kami na e di—" Hindi na natapos ni Klayne ang sasabihin niya dahil binatukan ko siya.
"Aray ko naman, babe."
"Umayos ka, Klayne. Tch."
"Oo na."
Kumain na lang ako ulit. Napalingon-lingon ako sa paligid nang makaramdam ako na may nakatitig sa 'kin and there, I saw a group of girls na nakatingin sa 'kin nang masama. Lol, bahala sila diyan.
Wala naman akong kasalanan sa kanila kaya bakit ako matatakot sa titig nila?
"Wah! Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na may nanliligaw pala sa 'yo, Vica. Ayieee, hahaha."
"Sige, ipagkalat mo pa, Zai. Tch, sapakin kita eh."
"Asus. Hahaha, as if kaya mo ako sapakin 'no."
Inirapan ko siya at nagkulitan lang. Nang mag-bell na para sa afternoon class ay bumalik na si Zai. Hinatid siya ni Ash. Tch. Ito namang si Klayne ayaw ako tantanan.
Absent 'ata si Rendell? Hayst. Wala tuloy akong kasamang matino dito ngayon. Patuloy lang ako sa pagkalikot ng cellphone ko nang biglang tumahimik ang mga ugok.
Napatingin ako sakanila na ngayon ay nakatingin sa likuran ko. Napatingala ako only to find C in my sight.
"Anong ginagawa mo dito?"
"We need to talk. Now."
"About?"
"Tch. Just follow me."
Kunot noo kong sinunod si C. Mukhang seryoso talaga siya. Ano kaya ang pag-uusapan namin?
"What's up?"
"Layuan mo sila. Lalo na si Klayne Earl Delfin."
"Why?"
"Just do it."
Anong trip nito at gusto niyang layuan ko ang barkada ko? Tch.
"Walang rason para layuan ko sila. They're my friends."
"'Andiyan naman si Zai ah? At maraming babaeng pwede mong kaibiganin."
"Oo marami nga, pero ayoko ng plastic. Maarte 'yong iba kaya ayoko."
"Paano mo nasabi na hindi sila plastic?"
Saan papunta ang usapang 'to? May mali e. Hindi ako tanga para hindi isipin na may nangyayari between C and my squad.
"Dahil sabi ko."
"And that Klayne. I heard na nililigawan ka niya?"
"Yeah. What's wrong with that?"
"WTF. Do you like him?"
"No. Tch, hindi ko sinabing ligawan niya ako. Siya mismo ang nagkusa kahit ayaw ko."
"Tsk. Don't fall for him. Iwasan mo sila."
Bakit ba gustong-gusto niyang iwasan ko sila? May kasalanan ba sila kay C? Alam ko namang kahit magtanong ako ay hindi nila ako sasagutin. I'll find it out by myself then.
"'Yan lang ba ang sasabihin mo? Tch. Alis na 'ko."
"Okay then. Remember what I said, V. Iwasan mo sila."
"Tch. Ayoko nga. They're my squad." I left after I said that.
Bumalik na ako sa classroom at nadatnan silang nagtatapunan ng papel. Ayan na naman sila. Tch. Ga-graduate na nga bata pa rin, tch.
"Clarey babe! You're back."
Hindi ko pinansin si Klayne at diretso lang ako sa upuan ko.
"Babes naman. Notice me, babes."
Ang ingay naman.
"May ibibigay pala ako sa 'yo," sabi niya sabay abot sa akin ng tatlong rose.
It's beautiful. Napatingin ako kay Klayne na ngayon ay nakangiti sa 'kin. Even his eyes is smiling.
"Babes, alam kong gwapo ako pero tanggapin mo na ang rose, huhu. Mangalay sa kamay."
Kinuha ko ang rose sa kamay niya at inilapag sa arm chair ko. Naglaro ako ng Piano Tiles sa phone ko but I felt uncomfortable. Napatingin ako kay Klayne na ngayon ay nakatitig sa akin.
Anong ginagawa nito? Tch. Alam kong maganda ako. Hindi na kailangan ipamukha sa 'kin.
"Ang ganda mo talaga, babes," seryoso ang kanyang mukha nang sabihin niya iyon. Napatitig ako sa kanya. This is the first time a boy said those words to me.
Nagtitigan lang kami at nagulat ako nang itinaas niya ang kanyang kamay at nilagay sa likod ng tenga ko ang buhok na nasa mukha ko. My heart... it's fluttering.
"Ehem. Mga boi, nilalanggam 'ata ako."
"Ako din, Jay. HAHAHA, taena ang bilis talaga gumawa ng moves si Klayne," kantyaw nila sa amin kaya naman sabay kaming napaiwas ng tingin ni Klayne. Sinulyapan ko siya at nakita kong namula ang tenga niya. Aish.
Why did my heart flutter? I don't even know kung seryoso siya sa panliligaw sa 'kin. Malay mo trip trip niya lang. Aish. Stop overthinking, Veronica. As if magkakagusto naman ako sa kanya. Lol.