Veronica's POV
It's been two days simula no'ng mangyari ang sagutan namin ni Dad. Simula no'n, palagi na akong chine-check ni C. I hate to admit it but I'm so lucky to have him as my brother.
"Nica! Nica! Nica!"
"Tch. Ang aga-aga, Jay. Bakit ba?"
"May itatanong daw si Ash, HAHAHA."
Napatingin ako kay Ash na ngayon ay masamang tinititingnan si Jay.
"G*go ka, Jay, manahimik ka!"
"BWAHAHA, dali na! Itanong mo na! Baka gusto mo na ako na lang ang magtanong?"
"Tsh. Ako na."
Humarap sa 'kin si Ash. Naghihintay ako sa tanong niya pero nakatingin lang ito sa 'kin. Nahihiya siguro magtanong. Tsk tsk, may hiya din pala ito. Akala ko puro hangin lang alam niya.
"What? Anong itatanong mo?"
"Uhm, ano. Nica. Uhm ano, hehe."
"Ano?"
'Ano' lang ang naiintindihan ko, tsk.
"A-Anong pangalan no'ng babaeng palagi mo kasamang umuwi?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya and I burst out laughing. Is he talking about Zairie? Pffft. I smell something fishy, hahaha.
"Her name is Zairie Kai Perez."
"Ahh. Sige, salamat."
"Do you like her?"
Umiwas siya ng tingin nang itanong ko 'yon sa kanya. Napangiti ako. Magkaka-lovelife na 'ata ang bestfriend ko.
"Yes. I kinda like her."
Ngumiti si Ash pagkatapos sabihin iyon. Ngiting in love. Bagay silang dalawa ni Zairie.
"Hoy hoy hoy! Ano 'yan, Ash? Sinosolo mo si Clare ko!"
Napa-poker face ako nang sumulpot si Klayne. Anong sabi niya? 'Clare ko'? Kalokohan. Hindi niya ako pag-aari, tsk.
"Gago ka, dre, may tinanong lang ako! Sayong-sayo na 'yang si Nica, HAHAHA."
Isa pa 'tong si Ash. Magsama sila lahat.
"Hindi ako pagmamay-ari ni Klayne."
"Yes, you are."
Liningon ko si Klayne na ngayon ay nakatitig sa akin with a serious face. W-What the? Nagulat ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin. What is he doing?!
"You're mine."
"G-G*go ka. I'm not yours. Sarili ko lang ang may-ari sa sarili ko."
"Nah-uh."
Nagulat ako nang bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. F*ck! Tumayo agad siya at tumakbo palabas.
"KLAYNE EARL DELFIN! F*CK YOU!"
"I love you too. HAHAHA!"
F*ck, he kissed my cheeks. How dare he!? Sh*t. Bakit ba ganyan siya? Parang noon gusto niya ako lumayas sa school na 'to tapos ngayon ganyan pakikitungo niya sa 'kin.
Ano ba ang nakain ng lalaki 'to? G*go, it's unpleasant to kiss someone in the cheeks without permission. Jerk!
***
Lunch na and still, hindi mawala sa isip ko ang paghalik ni Klayne sa 'kin. Pero heto siya, nabuntot sa akin na parang walang nangyari. He really is a jerk.
"Hoy! Pansinin mo naman ako."
Hindi ko siya pinapansin. Ganito ba kamanhid ang lalaking 'to? Hindi man lang naramdaman na galit ako.
"Hoy! Ano ba!"
Binilisan ko ang paglakad ko hanggang sa makaabot ako sa canteen. Um-order na 'ko ng pagkain at nagsimulang sumubo.
Napatingin ako sa taong biglang lumapag ng tray sa mesa ko. F*ck, hindi ba ako tatantanan ng lalaking 'to? Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang.
Nakatitig siya sa 'kin. I feel so uneasy. Sino ba naman ang may gustong kumain na may nakatitig sayo, 'di ba?
"Hindi mo talaga ako tatantanan, Klayne?"
"Woah, ang sarap pala pakinggan kapag binabanggit mo ang pangalan ko."
Hinampas ko ang mesa at tinitigan siya nang masama. Nakakarindi na. Ayoko ang ginagawa niya. Ayoko sa kanya.
"Stop this sh*t."
Umalis na 'ko matapos sabihin iyon. Nawalan na 'ko ng ganang kumain. Pumunta ako sa tambayan ko. Naiinis talaga ako. Ilang minuto ang lumipas at nandito pa rin ako sa tambayan ko. Wala naman si Ma'am Prutas e, tsh.
Maya-maya ay may aninong tumabon sa mukha ko. Bakit 'andito na naman siya? Umayos ako ng umupo at tiningnan siya. Ngumiti siya at inabot ang kamay niya. Ayoko pang tumayo.
"Tumayo ka muna. Sandali lang."
Bumuntong-hininga ako at inabot ang kamay niyang nakalahad. Tsk, istorbo talaga kahit kailan.
"Oh ano? May sasabihin ka?"
Ngumiti siya at inabot sa 'kin ang tatlong rosas na tinatago niya sa likod niya. Takang tiningnan ko ang rosas. Ano 'to?
"Kunin mo na. Mangalay sa kamay."
Nagtataka man ay inabot ko pa rin ito. Mukhang hindi ko magugustuhan ang mangyayari ah.
"Clare. Sorry kung hinalikan kita sa pisngi kanina. At sorry kung inaasar kita—"
"Mm. Sige."
"Teka! 'Wag ka muna kasi magsalita hanggang 'di pa ako tapos."
Tsk. Hindi naman kasi sinabi na kailangan pa pala siyang patapusin aba.
"So ito nga. Sa una, ayoko talaga sa 'yo. You're the first girl who treated me like that. Naiinis ako kapag nakikita kita. Kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ko ang boses mo pero hindi ko alam na sa kabila ng inis na iyon ay mahuhulog ako."
Gulat akong napatingin sa kanya nang marinig ang huling sinabi niya. WTF? A-Ano raw?
"Oo, nahulog na ako sa 'yo. Sa araw-araw na pang-iinis ko sa 'yo, nahulog ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano. Nagulat na lang ako na nahulog na pala ako sa 'yo. Nagkusa lang talaga. I hate you for making my heart explode."
Wala akong masabi. It's really quick. I... I don't know what to say. Nanigas ako nang hinawakan niya ang kamay ko.
"Your smile, your eyes, the way you laugh, it's so amazing. Damn, I'm really so into you. You just captured my heart. Ilang araw ko ring tinanong ang sarili ko kung totoo ba talaga na nahulog na 'ko sa 'yo pero natutulala talaga ako kapag naiisip kita, so yeah, it's confirmed."
Wah? What to do? Hindi ko alam ang gagawin.
"Aish! K-Kinakabahan ako, Veronica Clare! A-Ako si Klayne Earl Delfin, na s-sinasabing liligawan kita Veronica Clare Dellvega-Jung um-oo ka man o hindi."
"W-What the!? Hindi mo pa ako talaga kilala Klayne, tch."
"Liligawan ba kita kung hindi kita kilala?"
A-Ano raw? Wala dapat siyang malaman tungkol sa 'kin. Ayokong may makaalam tungkol sa buhay ko.
"You love black. Takot ka sa heights. May tatlo kang kapatid. Puro sila lalaki at isa ka lang na babae. Ayaw mo ng fitted T-shirts. You love fries. Kasama mo sa bahay si Zairie. Nagta-trabaho ka para sa tuition mo dahil gusto mo maging independent. You love puppies. You hate cockroaches. And many more."
Napanganga ako sa sinabi niya. How the hell did he know about that? WTF? Paano niya nalaman 'yon lahat?
"Oh ano? Naniniwala ka na? I'll court you kahit ayaw mo kaya wala kang kawala, HAHAHA."
"Tch. Bahala ka nga."
"HAHAHA. Ang saya ko, sh*t! Ikaw kasi e."
"Oh ba't ako?"
"Kasi pumayag ka na ligawan kita!"
At kailan ako pumayag? Wala akong maalala na pumayag ako na ligawan niya, tch.
"Hindi ako pumayag. Wala lang akong magawa dahil ikaw na mismo nagsabi na kahit humindi ako, manliligaw ka pa rin."
"Heh! Panira ka naman, e! Pasalamat ka mahal kita."
Inirapan ko lang siya. Ilang oras din kaming tumambay ni Klayne sa tambayan ko. Ilang oras na din siya bumabanat, tch. At ilang oras ko na din siyang pinagtitiisan.
Hindi ko alam kung bakit nahulog sa akin ang lalaking 'to eh wala naman akong balak na pahulugin siya sa 'kin. Mukhang hindi na matatahimik ang buhay ko ah.