Chapter 15

1317 Words
Veronica's POV Bumaba na ako at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Emp. 'Andito na talaga siya. "Veronica, how are you?" "I'm okay, Emp. You?" "Let's eat first." Tumango ako at umupo sa sariling upuan ko. May sariling upuan kasi kami. Naka-assign agad sa 'min. "Manang? 'Asan na ang pagkain?" "'Andito na po, Ma'am Venice." Agad na nilapag nila ang pagkain sa mesa. Tahimik lang kaming kumakain. Walang sino man ang nagtatangkang magsalita. "So, Veronica, how's school?" Napatingin ko kay Emp na ngayon ay kumakain pa rin at biglang tumingin sa 'kin. "It's fine, Emp." "Good to hear." Nginitian ako ni Emp kaya ngumiti rin ako. Hindi ko kayang bastusin si Emp. Sobrang nirerespeto ko si Emp. "Tch. Rinig ko nakipagbugbugan ka doon sa school mo." Napatingin ako kay Daddy. Tsk, 'yong mga mali ko na lang palagi ang napupuna. "Hindi ako nakipagbugbugan. Niligtas ko lang ang kapatid ng dean." "Ah, kaya pala nasa Section A-1 ka. Kung saan nabibilang ang mga basagulero." "At mga matatalino." "Pero mga basagulero." Napahigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor ko. Hindi ko alam kung saan tutungo ang usapang naming 'to. Kaya ayoko pumunta dito dahil ganito ang mangyayari e. "Pero matatalino nga. Ano naman kung mga basagulero? Atleast, matalino. Makakakuha rin naman ng diploma sa huli." "Paano ka makakakuha ng diploma kung nagka-cutting ka?" Nakita kong binaba ni Emp ang tinidor niya at tumingin sa 'kin. "Totoo ba iyon, Veronica?" "Hindi ako nagka-cutting classes, Emp." Magsasalita na sana si Emp nang biglang sumingit si Daddy. "Ah talaga ba, Veronica? Nabalitaan ko rin na binabastos mo ang teacher mo?" P*t*ngina. Kailan niya pakikinggan ang side ko? Hindi ako gagawa ng masama kung walang rason. T*ng*na. Hanggang kailan mo ako kokontrahin, Dad? Bakit ginaganyan mo ako palagi? "Binabastos niya rin ako. Siya ang nauna." "Kahit na, Veronica. Ganyan ka ba namin pinalaki? Ha!? Hindi ka naman namin pinalaki nang ganyan ah? Saan ba kami nagkulang? Aba 'wag ka na mag-aral kapag ganyan din lang ang gagawin mo. Pinapahiya mo kami!" "Vain, that's enough." I've had enough. Ayoko na. I thought this time it's okay to be back here. But I'm wrong. This is worse than the last time na bumalik ako dito. F*ck it! Tumayo ako at hinarap si Dad. "Kung inimbitahan niyo ako dito para ipamukha sa akin na isa lang akong embarrassment sa pamilya, uuwi na ako. Thank you sa masarap na dinner pero mukhang ayaw 'ata ako makasama kumain ng iba." Umalis agad ako matapos ko sabihin iyon. Sh*t, walang dumadaan na sasakyan pala dito. I guess, lalakad ako pauwi. Biglang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi ni Dad kanina. Palagi na lang gano'n. Bakit ba gustong-gusto niyang pinapahiya ako sa harap ni Emp? He really hates me. Well, the feeling is mutual. *beep beep* Napatingin ako sa bumusina. Oh, it's Vance's car. "Sakay na, V. I'll drive you home." Tumango ako at pumasok sa kotse. Isang nakakabinging katahimikan. Walang nagsasalita sa amin ni C. Pero akala niya hindi ko nakikita na kanina niya pa ako tinititigan sa rear view mirror niya, tch. Maya-maya ay 'di na siya nakatiis kaya nagsalita na siya. "V? Are you okay?" "Yes." "Hayaan mo na si Dad. Stress kasi 'yon sa business niya, ikaw ang nalabasan ng stress niya." Stress ba siya kapag nagkikita kami palagi? Ako kasi ang pinupuntirya kada magkita kami tch. "You don't need to explain his side, C. Palagi naman gano'n sa 'kin 'yon ah? 'Di ka pa ba sanay?" "Hindi naman siguro gano'n, V." "Gano'n 'yon! He hates me, okay? Let's just accept that he doesn't like me." Tumingin ako sa malayo matapos kong sabihin kay Vance 'yon. Sh*t, don't you dare cry, Veronica. Hindi ka pa ba nasanay? Sh*t, traydor ang luha ko. Naramdaman kong tinigil ni Vance ang sasakyan. P*t*ngina ayaw na tumigil ng luha ko. Alam kong hindi pa rin alam ni Vance na umiiyak ako dahil he never saw me cry tuwing nag-aaway kami ni Dad. "Hey." Hindi ko siya pinansin at mas tumagilid para hindi niya akong makitang umiiyak. Pero makulit si Vance kaya hinarap niya ang mukha ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. Oh ayan na, nakita na niya akong umiiyak. Great. "You're crying." "Don't mind me. Just drive, Vance." Kahit mahirap ang posisyon namin dahil nasa kotse kami ay niyakap pa rin ako ni Vance. Naiyak na ako nang tuluyan sa balikat ni Vance. "Bakit ba ayaw niya sa 'kin? Wala naman akong ginagawa. I'm trying my best to prove myself to him. Why does he hate me? Why?" "Shh. That's okay, V. Kuya is here, princess." "Masama ba akong anak? Hindi ba ako belong sa Dellvega? Dahil ba may dugo akong Jung?" "No. Hindi ganun, V. Of course you belong in our family. Tama na 'yan. Mahal ka namin, V. Mahal na mahal ka ni Kuya, princess." Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa maging okay na ako. Nagsimula na ulit magdrive si C. Ilang minuto ang nakalipas at nakaabot na kami sa bahay. "Oh, 'andito na agad kayo?" Pumunta ako sa kusina at kumuha ng pagkain. I'm sure nakita ni Zai ang namamagang mata ko, tch. Nagutom ako bigla. Vance's POV Pinapasok muna ako ni Zairie at kinuhanan ng juice. Hays, I saw V crying again. I really hate it when I see her cry. Ayokong umiiyak prinsesa ko. "Uy, Kuya Vance, anong nangyari kay Vica? Umiyak ba? Namamaga ang mata niya, e." "Same reason." Tumango lang siya. Alam na niyan kung ano ang rason pag sinabi kong 'same reason'. The last time V cried, Zairie is the one who comforted her. Napatingin ako kay V nang lumabas ito sa kusina at pumasok sa kwarto niya. Sinundan ko siya at umupo sa kama niya. "Umuwi ka na, C. Baka pagalitan ka niya." "Sleep first, princess. Aalis ako 'pag tulog ka na. You need to rest." Hindi na siya sumagot. Naawa ako sa kapatid ko. Hindi na nga siya umuuwi sa bahay, tapos pag-uwi niya ga'nun ang mangyayari, tsk. I really don't understand kung bakit mainit ang dugo ni Dad kay V. Hinaplos-haplos ko ang buhok ni V hanggang sa makatulog siya. I always do that kapag umiiyak siya since we were a child. Ayoko talagang umiiyak 'tong prinsesa ko. Well, she's not just my princess, she's the princess of Dellvega family. Mukhang tulog na nga siya. Hinaplos ko ulit ang buhok niya at hinalikan sa noo. "Sleep well, princess." Umalis na ako at umuwi sa bahay. I always call V, my princess kapag malungkot siya. She said that when someone calls her princess, she's feeling better. That's why starting that day, everytime she's sad, I call her princess. Nang makaabot ako sa bahay ay nadatnan kong nasa sala sila. Kahit si Emp ay nan'dun din. Umupo ako sa tabi ni Mommy. "Oh, nandiyan ka na pala, Vance. How's Veronica?" "She's okay, Emp." "Tch. Hindi naman natitinag 'yon." Napatingin ako kay Dad nang sinabi niya iyon. Tsk tsk, matapos niyang paiyakin si V, ganyan pa ang sasabihin niya? "Enough, Dad. Veronica cried, okay? You really don't have to make her feel that she doesn't belong here." "Hindi ko naman pinaramdam sa kanya 'yon ah? I'm just asking her sa mga nababalitaan ko sa school niya." "Pero 'yon ang nararamdaman niya, Dad. She felt bad!" "Well, it's not my fault anymore. Siya ang nakaramdam no'n, wala na ako do'n." Napanganga ako sa sinabi ni Dad. Wtf? He really don't care about Veronica. For me, Dad is the best father I've ever had. Maganda ang pakikitungo niya sa amin nina Vauhgn and Vinn pero pagdating kay Veronica, wala siyang paki. "You're hopeless, Dad." Pumasok na ako sa kwarto matapos sabihin iyon. Nagbihis muna ako ng T-shirt dahil medyo basa ang shoulder part ng T-shirt. Probably because of Veronica's tears. Sumampa ako sa kama ko at natulog na. I feel really tired. Sana bukas okay na si V. Zzzzzz..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD