Chapter 14

1236 Words
Veronica's POV "Wow! For the first time in forever, medyo maayos 'yong suot mo ha." "Tsk, shut up, Zai." "Bwahaha. Sa'n punta?" I was about to answer when somebody knocked. Si C na siguro 'yon. Binuksan ni Zai ang pinto at tama nga ako. "Hi, Kuya Vance!" "Hey there, Zai." "Pasok ka muna." Lumapit na ako at hinila agad si C. "Zai, may pupuntahan lang kami." "Ahm, sige! Ingat!" Tumango lang ako at sumakay agad sa kotse ni C. Tsk, new car again. Ang hilig-hilig talaga nito sa kotse. "You like my new car?" "Whatever." Tinawanan lang niya ako at nag-drive na. If I know, iniinggit niya lang ako, tsk tsk. "Saan nga pala tayo pupunta, C?" "You'll know it later." "Make sure that I'll love it, or else." Nakita kong napalunok siya sa sinabi ko. Something's wrong. Mukhang hindi ko magugustuhan ang lakad na ito ah. Ilang minuto ang lumipas at nagsimula nang maging pamilyar ang daan. Tsk, I knew it. "Ibaba mo 'ko, C." Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa pag-drive. Mukhang wala na akong magagawa ah. T*ng*na. T*ng*na talaga. Letse. Nang makaabot kami ay hindi ako bumaba sa kotse. Ayoko bumaba at pumasok sa bahay na 'yon. Tsk tsk. Isang malaking t*ng*na para kay Vance. "Baba na, V." "'Wag mo 'ko kausapin, Vance." "Hays, sorry." P*ta niya. Naiinis ako sa kanya. Hindi talaga ako bababa. Dito lang ako kahit anong mangyari. Napatingin ako sa bahay. Ilang taon na pala akong hindi nakauwi dito. I miss them but, now is not the right time. "V, please, bumaba ka na. May pag-uusapan lang tayo kaya kita dinala rito." Hindi ko siya sinagot. Bumuntong hininga siya at pumasok sa bahay. Gusto ko nang umuwi. Ilang minuto ang lumipas at lumabas ulit si Vance dala-dala si... VINN AT VAUGN! "ATEEE!!" Agad akong bumaba at niyakap sila. F*ck, I really miss these two. Naramdaman ko na lang na basa na 'yong pisngi ko. Niyakap ko sila nang napakahigpit. "Ateee, huhu, na-miss kita." "Ako rin, Vaughn. Na-miss din kita. Binata na tayo ah, hahaha." Napatingin ako kay Vinn. Ito talaga 'yong pinakana-miss ko sa lahat. Ang makulit na bunso namin. "Ate, na-miss po kitaaa." "I miss you too, bunso." Pinahiran ko ang luha sa pisngi niya. Gahd, how I miss these two. "Tara, Ate, pasok na tayooo. Miss ka na ni Mommy." "Uuwi na 'ko eh." Kinalabit ako ni Vinn kaya napatingin ako sa kanya. "Sige na, Ate. 'Wag ka muna umuwi." Hayst. Kaya ayokong pumunta dito sa bahay eh. It's hard for me to go because of these two. "Sige na nga. Dapat may gummy worms ah." "Yeheeey! Oo naman po, Ate!" Ngumiti ako at ginulo ang buhok nilang dalawa. These two are my younger brothers. Vaughn Calvin and Vinn Caleb. So si Vance ang panganay and then ako, sunod si Vaughn and then Vinn. Kaso ako, anak sa labas. Pagkapasok ko ay bumungad agad silang lahat. Including him. Nakangiti silang lahat p'wera lang sa kanya na blangko akong tinitingnan. Tsk. "Veronica anak, na-miss kita." Niyakap ako ni Mommy Venice. Ang nanay nina Vance, Vaughn, at Vinn. My stepmother. Siya 'yong tumayong nanay sa akin simula noong binigay ako ng totoong mama ko sa kanila. "I miss you too, Mommy." Nginitian niya ako at pinaupo. Wow, kaharap ko pa siya ha. I bet he's still angry at me for no reason, tsk. Ganyan naman palagi. "Apo! Naku, ang tangkad mo na!" "Paps, kamusta?" "Still kicking, apo, hahaha." Natawa na lang ako. Namiss ko din itong lolo ko na mas magaling pa sa 'kin makipaglaban. Siya ang tumuro sa 'kin ng self-defense pero habang tumatagal, hindi na self-defense, hahaha. His name is Vince but we call him Paps dahil 'yon ang gusto niya. Nakakatanda raw ang lolo eh. He's the father of my dad. "Asan si Emp?" "Paparating na siya, apo. May inasikaso lang daw sa kompanya." Tumango lang ako. Si Emp ay kapatid ng ama ni Paps. His real name is Vlad pero Emp ang tawag namin sa kanya. Shortcut for 'Emperor'. He's the CEO of our five companies. Yes, five companies. Dalawa sa SoKor at tatlo dito sa Pilipinas. Our family is known for being rich pero hindi pa nila nakita ang mukha ni Emp. Hindi rin nila alam ang totoong pangalan ni Emp. And I don't know why they're hiding Emp's true identity. "So kamusta ang pag-aaral, apo?" "It's okay, Paps." "Expected from you, hahaha." Ngumiti lang ako. Nilaro ko muna si Vinn samantalang nag-uusap lang sila. "Vaughn." "Wae, noona?" "How's your studies?" "Top 1, noona, hahahaha." Nag-pogi sign pa siya matapos isagot sa akin 'yon. Tsk tsk, magsama sila ni Vance. Mga mayayabang, buti pa ako hindi. "Ate!" "Bakit, bunso?" "Si Vaughn hyung may nililigawan na." Napatingin ako kay Vaughn na ngayon ay nanlaki ang mga mata. "H-Hoy! Wala akong nililigawan! Manahimik ka nga, Vinn." Binatukan niya si Vinn matapos sabihin iyon. Hays, mga bata talaga ngayon. "Aray! Ate oh! Nambabatok." Natawa na lang ako. "Okay lang kung may nililigawan pero 'wag muna mag-girlfriend at 'wag pabayaan ang pag-aaral. 'Pag nalaman ko na may girlfriend ka, naku." "Aye aye, noona!" Ginulo ko ang buhok niya. Binata na talaga ang batang ito. He's already 13 years old. Samantalang si Vinn ay 9 years old pa lang. At ako ay 16 years old. Si Vance, 19 years old. "Veronica anak?" Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay sumesenyas na lumapit ako sa kanya. "Sandali lang ah. Maglaro muna kayong dalawa. 'Wag mag-away lagot kayo sa 'kin." "Araseo, noona." Lumapit ako kay Mommy. "Ano 'yon, Mommy?" "May ibibigay lang ako sa 'yo. Tara sa kwarto." Tumango ako at sumunod sa kanya papuntang kwarto. Ang laki ng pinagbago ng bahay na 'to. Ang daming gamit kumpara noon. "Ano 'yong ibibigay mo, mommy?" Ngumiti siya at may kinuhang maliit na kahon mula sa drawer. Umupo siya sa tabi ko at binigay sa 'kin ang kahon. Ano 'to? Magtatanong pa lang ako ay nagsalita na siya. "Galing yan sa totoong ina mo. Sabi niya, ibigay ko yan sa 'yo 'pag 16 ka na. Ibinilin niya 'yan sa akin no'ng binigay ka niya sa 'kin." Tinitigan ko lang ang kahon at hinimas-himas. I wonder what my real mother looks like. Tsk, malamang kamukha ko. Ngumiti ako kay Mommy at nag-thank you. For me, she's the best mother. Kahit na hindi niya ako totoong anak, minahal niya ako katulad ng pagmamahal na binigay niya kina Vance. I'm glad that she's not like Cinderella and Snow White's step mom. "Mom? V? Emp's here." Napalingon kami kay C at tumango. Emp's here already. I miss him. I missed Emp so much than my father. Naunang bumaba si Mommy samantalang naiwan naman kami ni C. Nakipagtitigan ako kay C. May kasalanan pa 'to sa 'kin eh, tsk tsk. "V? Sorry na kasi. Napag-utusan lang. Sorry na!" Aba't nag-pout pa. Mukhang pato naman, psh. "You're not cute, C." Ngumiti siya nang malawak at dinambahan ako ng yakap. T*ng*na, ang bigat niya. And who told him that he can hug me!? "Get off, idiot!" "Ayoko nga, hahaha. Hindi mo talaga matitiis 'tong gwapong kuya mo 'no? Hahaha." "Shut up! Papagalitan na tayo ni Emp, tsk." "Ay oo nga pala. Tara na!" Bumaba agad siya pagkasabi niya no'n. Hindi man lang ako hinintay. Napangiti ako. I don't know why I have this kind of brother. Bumaba na ako at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Emp.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD