Veronica's POV
Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Klayne since he's acting very weird these past few days. Kung noon ay halos patayin ako ni Klayne para mapaalis sa section nila, ngayon ewan ko.
Ang sweet niya sa 'kin which hindi naman tumatalab sa 'kin. Nagki-cringe ako sa ginagawa niya. Hindi ako sanay, mas sanay ako sa pang-iinis niya araw-araw.
Pumasok na ako sa classroom at bumungad agad sa 'kin ang nakangiting si Klayne. Tsk tsk.
"Good morning, Clare!"
"I said don't call me Clare," may diin ang pagsagot ko sa kanya. Naiirita na ako.
"Mas bagay sa 'yo 'yong Clare at gusto kong maiba tawag ko sa 'yo."
"Tsk. Bahala ka nga diyan."
Lumapad ang ngiti niya and unexpectedly, nag-wink siya sa 'kin. What the heck!
Tinalikuran ko siya at pumunta sa upuan ko. Nagtaka ako nang may makitang nakalapag na rosas sa armrest ng aking upuan. Ba't may rose dito? Teka.. Mukhang alam ko na kung saan galing ito.
"Nagustuhan mo ba? Hehe."
I told yah. It's from Klayne. I hate it when he does this. It's giving me chills. Goodness! Kinuha ko ang rose at tinapon ito sa basurahan.
"Cut the crap, Klayne. What do you want?"
"Huh?"
"What do you want? Why are you doing this?!"
"Anong this?"
Napapikit ako sa inis. Masasapak ko ang lalaking ito. Naiinis na ako. Naiinis na talaga ako sa pinanggagawa niya. Nakaka-t*ng*na na talaga.
"This rose-thing! Your sweetness! These sh*ts you've been doing!"
"I'm just being nic—"
Naputol ang sasabihin niya nang biglang sumigaw ang mga ulol.
"WOAH, LQ! LQ!"
Sa sobrang inis ko ay umupo na lang ako at hindi sila pinansin. Hayst, bakit nga ba ako affected sa ginagawa ni Klayne? Baka nawi-wirduhan lang ako. Yes, baka 'yon nga.
"Anyways, wala na naman si Maam Prutas. May pinuntahan daw siya," announce ni Kaiden. Hindi pa ba sila sanay? Tsk tsk.
"Hey."
Kahit nasa likod ang nagsalita ay kilala ko pa rin kung sino ito. It's Rendell. Siya lang naman ang may cold voice.
"Nics."
"What?"
"Nothing. May sasabihin lang ako."
At ano naman kaya ang sasabihin ng lalaking ito?
"'Wag magpapadala sa mabulaklak na salita."
"What do you mean?"
"Hmm."
Wow, ang ganda ng sagot niya. Satisfying answer. Tsk, insert sarcasm here.
Isinawalang-bahala ko na lang iyon dahil parang wala namang kwenta 'yong sinabi niya. Napalingon ako sa kanya pero nagulat ako nang makitang nakatingin din siya sa 'kin.
"Waeyo?"
What the hell. Anong excuse ang sasabihin ko? Should I tell him na gusto ko lang makita ang mukha niya? That's stupid.
"Uhm, magpapasama sana ako sa canteen."
"Woah, si Veronica Clare Dellvega-Jung, magpapasama sa canteen. That's new."
"Tsk. Kung ayaw mo, e di 'wag."
"Wala akong sinabi na ayaw ko. Tara na."
Tumayo na ako at lalabas na sana nang biglang nagsalita si Klayne.
"At saan kayo pupunta?"
Kailan pa nagkaroon ng interes kung saan ako pupunta ang lalaking ito?
"Wala kang paki."
"Meron akong pakialam, Clare. I should know."
Tsk, ayoko ko nang makipagtalo sa lalaking 'to. Lumabas na lang ako at hindi na siya sinagot. Pagkalabas ko ay narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Tsk, annoying.
"I think he likes you."
Minsan na nga magsalita ang lalaking 'to, walang kwenta pa ang sinasabi.
"Gusto nga niya akong paalisin sa section niyo tapos gusto niya pa ako? Wow."
"Section natin. You're one of us, tch."
Sinabi ko bang hindi ako parte nila? Tsk.
"Anyways, what are you going to buy?"
"Food."
Tumango lang siya at bumili na ako. Binilhan ko na rin si Jay dahil alam kong manghihingi siya, psh. Binilhan ko na rin 'yong iba. Ganyan ako kabait.
Tahimik kaming naglakad pabalik. Wala naman kasing mapag-usapan at ayoko makipag-usap. Naiinis ako ngayon.
"Ayaw mo ba sa kanya, Nics?"
"Kanino?"
"Kay Klayne."
"Oo. Ayoko sa kanya."
"Good to hear."
Ano raw? Good to hear? Tsk. Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking 'yon. Kahit kailan. Over my dead gorgeous and beautiful and sexy body.
"Wait, tara dito."
Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Rendell.
"H-Hey!"
Nauutal ako. Hinahawakan niya ang kamay ko. Ang lambot-lambot ng kamay niya. What am I feeling? Bakit nagkakarera ang puso ko? Dahil ba hinahawakan niya ang kamay ko?
Tumigil kami sa garden dito sa school. Dito ako minsan natutulog dahil peaceful at masarap ang hangin dito.
"Oh, namukadkad na pala."
Napatingin ako sa tinutukoy niya. Namukadkad na nga 'yong rose. Ang ganda. Bigla itong kinuha ni Rendell at inamoy-amoy. Lalakad na sana ako paalis nang hilahin niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya.
His eyes, it's, it's melting me. Kinuha niya ang buhok na nasa mukha ko at nilagay ito sa likod ng tenga ko kaya nagulat ako sa ginawa niya. Nilagay niya ang rosas sa tenga ko.
"Bagay sa 'yo."
Matapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya. Ang gwapo niya. Wait, what? Anong sinabi ko? WTH, this is the first time na may sinabihan ako ng gwapo.
Umiwas ako ng tingin at lumakad palayo sa kanya. Napahawak ako sa puso ko. It's beating so fast. What does that mean? Is he... Is he my crush already? Rendell?
"Nics! Where are you going? Ito na ang classroom natin."
Lutang ako, sh*t. Pumasok na ako sa classroom at binigay agad kay Jay ang binili kong pagkain. Tuwang-tuwa naman siya, tsk tsk.
"Nica, bagay sa 'yo ang rosas. Ayieee, hindi na siya tibo, hahaha."
"Ulol ka, Axel! Hindi naman ako tibo ah."
"HAHAHA."
Umupo ako sa teacher's desk at kumain. Napatingin ako kay Klayne na ngayon ay tulala. Oh? Ba't kaya tulala 'yon? Nang matauhan siya ay kinalabit niya si Ash.
"Bro, may tubig ka? Nauuhaw ako e."
"Wala, bro, sorry."
Hayst, buti na lang talaga at mabait ako. Kinuha ko ang tubig sa bag ko at nilapag sa arm chair niya kaya napatingin siya sa 'kin at ngumiti.
"Yieee, concerned siya sa 'kin," taas-baba ang kilay niyang sabi sa 'kin. G*go talaga. Sana pala hindi na ako nag-offer ng tubig.
"Tsk. Inumin mo na. 'Wag kang mag-alala dahil hindi ko pa 'yan nabubuksan."
"Mas okay nga 'pag nainom mo na, e. Magkakaroon tayo ng indirect kiss."
Napanganga ako sa sinabi niya. Ano raw? Anong sabi niya?
"WOOOH! BANAT PA, PRE, HAHAHA!" kantyaw nila.
"Mga g*go! Ulol!"
Babalik na sana ako sa inuupuan ko nang bigla akong hinawakan ni Klayne sa kamay. Aba, pambansang hawakan 'ata ang kamay ko ngayon ah. Binigyan ko siya ng bitawan-mo-'ko-look pero tumayo lang siya at hinarap ako.
Kinuha niya ang rosas na nilagay ni Rendell kanina at tinapon. WTF!? May kinapa siya sa bulsa niya at inilabas ang isang pangbabaeng clip sa buhok. It's color violet and it has a violet and gold butterfly attached.
Nilagay niya ito sa buhok ko. Did he buy that for me? Ano ba ang pinapahiwatig niya? Tsk, I hate this. I really hate this.
"Wear that always."
Napatitig ako sa mata niya na ngayon ay nakatitig din sa akin. Yeah, titig hindi tingin.
"Ehem."
Napatingin ako sa tumikhim. Oh, it's C.
"V, let's talk."
Lumabas ako ng classroom at hinarap ang kapatid ko.
"What are you doing here again, Vance Clark?"
"I came here to say something, Veronica Clare. Before that, bakit gano'n kayo magtinginan ng lalaking 'yon? Anong meron sa inyo?"
"Wala. I don't like him."
"Mabuti naman. Layuan mo ang lalaking 'yan. Hindi ka pwedeng ma-attach sa kanya."
"Why? Do you know him that much that you will command me to stay away from him?"
"Just do it. Anyways, mag-ayos ka mamaya. May pupuntahan tayo."
Pupuntahan? At saan naman 'yon?
"Where?"
"You'll know. Balik na ako sa klase. Mag-ingat ka ha. Susunduin kita sa bahay niyo at 6:00."
Tumango ako. He kissed my forehead at tumakbo papalayo na tumatawa. WHAT THE ACTUAL HECK!
"VANCE CLARK!! WHO TOLD YOU THAT YOU CAN KISS MY FOREHEAD?!" galit na sigaw ko. That bas—Aish. He's really good in pissing me off. I hate it when someone kisses my forehead. I really f*cking hate it.
But, saan kaya kami pupunta mamaya? Anyways, malalaman ko rin 'yan mamaya.