Veronica's POV "All students please gather in the gymnasium. Again, all students please gather in the gymnasium. Thank you." Napatingin kami sa nagsalita. It's Nicole. Nandito kami sa classroom namin. Since nakabukas ang classroom, kita namin ang mga nangyayari sa labas. Sumilip si Nicole sa classroom namin at pumasok nang makita kami. "Hey, Nicole." Feeling ko, hindi niya alam pangalan namin. She never asked for our name and we never introduced ourselves. "Hello, Veronica!" "Oh, kilala mo pala ako." "Oh yes. Sikat ka kaya rito sa school." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nicole. Sikat pala ako rito? Iba talaga kapag maganda. "Uy, pumunta na kayo sa gym." Tumango lang ako at nginitian siya. Umalis na si Nicole at pinagpatuloy ang pag-inform sa mga estudyante na pumunta sa gym.

