Veronica's POV May klase na. Katamad pumasok. Naglalakad kami ni Klayne sa hallway nang biglang sumulpot si Rendell. "Hey." "Ay palakang kabayo." Natawa kami ni Rendell sa reaksyon ni Zai. Kailan naging palaka ang kabayo? I'm imagining it and it's so disgusting. "Tae, Rendell. Kabute ka ha? Kabute ka? Manggugulat pa, e." "Hindi kita ginulat, Zai. Sadyang nagulat ka lang talaga. You should stop drinking coffee." Inirapan lang ni Zai si Rendell. Natawa na lamang nang mahina si Rendell. Napatingin kami sa babaeng dumaan nang mahulog ang librong dala niya. Nilapitan ko siya at tinulungan. "Maraming salamat." "You're welcome." Medyo nagulat ako nang mapatingin ako sa mukha niya. It was her. 'Yong babaeng matakaw sa Jollibee. Dito rin pala siya nag-aaral. Napatingin ako sa ibang dal

