Simula
Disclaimer: This is an original work of the author. Some of the names, characters, places, and events are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is purely coincidence.
All rights reserved 2022. RROZELA
PLAGIARISM IS A CRIME!
No parts in this book may be reproduced in any written, electronic, recording or photocopying without the permission of the author.
Number 1 Lorenzana
Tumatakbo ako sa corridor ng school habang umiiyak. Nakita ko ang paghawi ng mga estudyante ng dumaan ako. Malabo ang mga mata ng tinungo ko ang laboratory room at agad ko naman nakita si Eloise na naka-abang sa pinto.
“Nasia anong nangyari sa’yo?” Kita ko ang gulat sa mga mata ni Eloise ng makita ang ayos ko.
Binalingan niya ang loob ng laboratory room bago binalik ang tingin sa akin. Inalalayan niya ako palabas ng pinto at pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Basa ang mukha dahil sa luha, namumula ang mga mata, at pinanghihina.
This is my first heartbreak but this is not our first breakup that's why I don't understand why it has to be hurt like this.
“Bakit ganyan ang itsura mo?” nag-aalalang tanong niya sa akin at hinawakan ang braso ko.
Mas lalo lang akong naiyak sa tanong niya. “He-Henry broke up with me.”
“Ano?! Na naman? Pa--paano? Bakit? Kaylan daw kayo ulit magkakabalikan?” sunod sunod na tanong niya na para bang walang nakakabahala sa sinabi ko.
Mas lalo akong naiyak sa naging reaksyon niya.
"Eloise! This is serious! This is different than our last break ups!" Aniya ko. Pinipilit na seryosohin niya ang sinabi ko at maniwala sa akin.
I cried again remembering what happened earlier. We've been in a relationship for one and a half years, at hindi ko alam kung ano ang problema niya kung bakit niya naisipan na break-an ako.
Natulala ako sa mukha ni Henry ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Mali ba ako ng dinig?
"Bakit?" I asked almost in a whisper.
He kept his head down and unable to look at me. I took a step once but also stopped when he looked up at me this time. Namumula ang mga mata at kita ang lungkot at pagod duon.
The violent wind blew causing my hair to fly backwards. We were here on the rooftop because he said he had something important to tell me. I even thought he had a surprise for me dahil hindi naman kami madalas dito sa rooftop, pero ako ata ang nasorpresa sa sinabi niya.
"We should stop, Nasia... I can't." Umiiling na aniya niya.
Umawang ang labi ko at naramdaman ang init sa aking mga mata.
"I'm sorry. We need to break up." Ulit niya pa sa naunang sinabi kanina.
"Wh-why? I don't get you Henry." Ngumiti pa ako kahit hilaw na ang naging ngiti ko.
"Let's break up."
"Pero bakit? May problema ba?" I asked calmly and stepped closer to him but he backed away. Napakurap ako sa ginawa niya. May dumaang kirot sa aking dibdib.
"Mag break na tayo--"
"Is this a prank?" Pigil ko sa kanya.
Why don't he tell me the reason so I could understand. Ang ayaw ko sa lahat ay yung ganito na bigla nalang nakikipag hiwalay out of nowhere. Wala naman kaming pinag-awayan, we were fine earlier. Kaya hindi ko siya maintindihan.
I waited for his answer but he gave no reason.
"Your pranking me. Asan ang camera?" I asked.
I look around to look for the camera. Pero saan nga ba pwedeng itago ang camera dito sa rooftop? I can't even find a place to hide it, except for the broken chairs that were scattered and stored around the right corner of the rooftop.
"There's no camera here, Nasia. I'm serious let's break up." Seryosong sambit niya.
"Why? Is it because you think I'm too young for relationship? Or... is it because I didn't show up on our date last week?.... pero, ok naman tayo nung mga nakaraan kahit hindi kita sinipot. Or maybe it's because you're jealous because I talked to Bryan yesterday. Ano? Anong dahilan mo?" Sunod sunod na tanong ko.
Umiling siya. "I told you ayaw ko na--"
"Bakit nga?!" I cried out in irritation and in pain. Kanina pa ako nagpipigil, but I can't control it anymore. I don't understand. Why?
"Ano?! Bakit hindi ka makasagot!" Galit ng sigaw ko. "Ano! Sabihin mo!--"
"Dahil ayaw ko na!" Sigaw niya pabalik na siyang nagpalaki sa mga mata ko. "Ayaw ko na! Alright!? I don't want to be in a relationship with you anymore! That's why I want us to give up! Bakit ba hindi mo maintindihan?! Bobo ka ba?!"
What the hell?!
"f**k you! Ikaw ang bobo! Napakabobo mo dahil nakakabobo 'yang walang dahilan mo! Give me a good reason for us to break up ?!" Halos pumiyok ako sa sigaw ko sa kanya.
Bobo huh? That terms hurt me now. Kung dati ay ginagawa lang naming biro ang mga mura at marahas na batuhan ng salita. Iba parin pala talaga kapag seryoso niya iyong sinabi. Yes! We were both used to throwing hurtful words against each other. Ganito ang relasyon namin. Kaya madalas ay naghihiwalay kami pero nagkakabalikan din ulit. Pero bakit ngayon...bakit parang pakiramdam ko. Ito na ang huli.
"This is my reason. Dahil ayaw ko na sayo."
Umawang ang labi ko sa pangalawang punyal na salita niya. "Just like that? Dahil ayaw mo na...at...sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko.
He fell silent and shook his head at my reaction. Seems disappointed not to hear me say yes, so we can break immediately right now. Para bang atat na atat siyang maghiwalay kami at walang ibang dahilan ang pinunta niya dito kundi sabihin ang tatlong salita: maghiwalay na tayo. That's all. Nothing more. Nothing less. No other reason, no explanation, just a sudden...break up.
"Nasia, don't make this hard for me let's just--"
"Fine!" sigaw ko na sobrang lakas na halos mapaos ako. I saw the shock in his eyes
I'm not born to please anybody anyway.
"Tang-ina mo! Ayaw ko na din sayo!" Sigaw ko pabalik. And just like that. I turned my back on him and walk away.
Dederetso ang lakad ko pabalik sa pinto at pababa ng hagdan. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng tumigil na ako sa ikalimang baitang para maghintay sa paghabol niya.
Dati rati ganito din eh...hinahabol niya ako. Mag sosorry tapos makikipag bati sa akin.
Baka prank lang. Pero...15 seconds, 30 seconds, 40 seconds. 50...
I closed my eyes tightly when he did not come to stop me. Tanga ka ba? Ayaw na nga daw sayo! Hindi mo dapat pinipilit ang ayaw na sayo!
The face of a person I had first begged for when I was still a kid flashed on my mind.
No. Hindi ko gagawin iyon! I would never do that again!
Humakbang muli ako pababa ng hagdan. Gusto ko sanang manghingi ng iba pang dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay sa akin, pero hindi ko na kayang pigilan ang luha ko. Kung kanina ay malakas pa ako, ngayon ay nanghihina na. Kanina pa nag-iinit ang mga mata ko. Hindi lang dahil sa sakit, kundi dahil sa galit!
Dala na din siguro ng frustration, sakit at galit ay sinud sunod na tumakas ang luha sa mga mata ko. My vision blurred as I quickly stepped down the stairs. Bahala na kung madapa ako sa hagdanan basta makaalis lang ako dito.
Tang-ina niya!
Henry's been my boyfriend for almost a year now. I cannot believe na maghihiwalay kami sa kadahilanang. 'Ayaw niya na.' What a f*****g good reason for a breakup.
He's lucky because out of those men who try to woo me, he's the only man I answered to say yes. Tapos sasayangin niya lang ang salita Kong Oo at mauuwi ang lahat sa rason niyang ayaw niya na. f**k him and his goddamn reason!
"Bakit?" Napalitan ng pagkunot ng noo ang mukha ni Eloise.
I just shook my head in front of my friend. “I don't know…” Feeling the pain in my chest made me gasp. “Sinabi niya lang na ayaw niya na.” I added while holding back my tears. "And damn this tears! I don't know why I'm crying!"
Hindi ako kaylan man naging ganito sa harapan na kahit na sinong Tao at hindi ako kaylan man umiyak sa harapan ng mga Tao. Kaya maging ako ay naninibago sa reaksyon ko.
Does it mean that I fell inlove with him?! No, impossible, pero anong iniiyak-iyak ko ngayon?!
I didn't cry when we first broke up. I didn't cry the second time either. Nung pangatlo. Nung pang-apat. Nung panglima. At sa iisang Tao pa. Pero ngayon. Bakit ako umiiyak?
For sure, he'll be back and beg to ask for me again. Just like before.
I never admitted to myself that I loved him. We never say I love you. We just want each others company. Nagsimula sa bangayan hanggang sa magkasundo na maging kami! That was all at first. That's where our relationship started. An on and off relationship, because of some conflicts and simple reasons. Noon naman may dahilan siya. Pero bakit ngayon, wala.
I was suddenly scared of my own thoughts. I answered him because I like him, but to think that I love him, disgust me. To such a man who's swearing! Doesn't even back down to fight a woman? Doesn't even care about what he says as long as he speaks his head. Bakit nga ba ako nakipag kasundo na maging kami. I don't even deserve a man like him. I deserve more. More than him.
“Hindi kita maintindihan Nasia---“
"Eloise!"
Sabay kaming napabaling sa kaklase namin na tumawag sa kanya. Natigil lang nga ito ng makita ang ayos ko. “Anong nanyari sa’yo, Nasia?" Gulat ding tanong niya.
I did not speak. I turned slightly away and wiped my own tears.
"Nag break sila ni Henry." Mahinang aniya ni Eloise sa kanya.
I can't believe she just said that!
“Na naman? Bakit daw?" Napapakurap na tanong niya at binalingan ako. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagpupunas ng pisnge.
Sa dalas naming mag break at magkabalikan ay tila hindi na iyon bago sa mga esgudyante na nakakalam sa relasyon namin. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam kapag hindi sila makaramdam ng simpatiya sayo.
"A-anyway, hiramin ko lang si Eloise ah. Nandiyan na kasi si Ms. Cass baka mapagalitan kami--" natigil siya sa pagsasalita ng siniko siya ni Eloise. Lalo pa ng matalim ko siyang binalingan. "Uh...Mamaya niyo nalang pag-usapan. Magagawan naman siguro yan ng paraan, pero hindi ang marka namin, hehe.” Naiilang na ngumiti ito sa akin bago dinugtungan ang sinasabi. “Aral muna bago lovelife—“
Muli na naman siyang natigilan ng hampasin siya ni Eloise sa braso. “stop it!”
“Hehe, Excuse us.” Nahihiyang paalam nito at hinila si Eloise palayo sa pinto.
Am I that obvious for my classmate to said that. Even I was ashamed for myself. Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ganito nalang ako mag-react. She's got a point, anyway. Nasa loob ako ng eskwelahan, kaya dapat pag-aaral ang pinoproblema ko at hindi lovelife!
Tinalikuran ko ang pinto. Pakiramdam ko ay namumugto at namumula na ang mga mata ko sa pag-iyak. Muli kong pinunasan ang pisnge ko. Hindi ko alam na ganito na kasakit ngayon ang breakan ng boyfriend. Kung Alam ko lang ay hindi na sana ako nag boyfriend. Sakit lang sila sa puso.
I closed my eyes tightly and look down, lalo na nang makita ang ibang estudyante na dumadaan sa corridor at pinag tsitsismisan ako.
“Nasia, Ayos ka lang ba?”
I quickly looked up to see a group of men stop in front of me and ask me a question.
Tiningnan ko ang nagsalita.“Sa tingin mo ayos lang ako!” iritadong sigaw ko. Napatalon naman siya sa sigaw ko.
Bakit ba sila nagtatanong. Nakita naman nila na hindi ako okay pero nagtatanong pa din kung okay ako. What a stupid question!
“Umalis ka nga sa harapan ko! Naaalibadbaran ako sa mukha mo!” inis na sigaw ko sa pangit niyang mukha. Mabilis naman siyang napaatras at lumayo. Tila na-offend sa sinabi ko.
The men with him laughed. "Damn Bro. Ginalit mo ang Prinsesa." Pang-aasar ng mga kasama niya.
"I was just asking." said the ugly one.
"Hindi ako interesado sa tanong mo, kaya umalis ka sa harapan ko!" Sigaw ko pa habang nagdidilim ang paningin at halos manginig ang kalamnan ko sa galit. Pakiramdam ko ay galit ako sa lahat ng Tao ngayon.
Sa galit ko ay hinubad ko ang maluwang na sapatos at ambang itatapon sa kanya iyon. Naitulak niya sa gulat ang mga kasama at mabilis na tumakbo. Sumunod naman sa kanya ang mga kasamang lalaki habang tumatawa.
Napabaling ako sa mga grupo ng babae na pinag tsitsismisan ako. “What are you looking at?! Umalis kayo sa harapan ko kung ayaw niyong madamay sa galit ko!” Sigaw ko.
Kagaya ng mga lalaki ay mabilis silang naglakad palayo sa kinatatayuan.
“Argghhh!" Gigil na sigaw ko at padabog na itinapon ang sapatos.
“Ouch.”
Inis akong napabaling sa nagsalita. Nagulat ako ng makita ang dumi sa likuran ng puting uniporme ng lalaki. Napabaling ito sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.
Nanlilisik ang mga mata nito ng makita ako. Napapakurap ko naman siyang tiningnan pero mas lamang pa din ang galit na nararamdaman ko.
“Anong karapatan mo na ibato sa akin ang marumi mong sapatos?” Mariin na tanong niya. Naruon ang galit sa mga mata.
Taas noo ko siyang tiningnan at sinigawan.“Wala akong pakialam. Umalis ka sa harapan ko!”
Umawang ang labi niya at bahagyang natigilan pero unti-unting ding nagseryoso. “Kung may galit ka sa boyfriend mo, wag kang mandamay ng ibang tao.” he said in a baritone voice that makes me stop for a moment, pero agad ding nakabawi.
“Wala akong pakialam!” inis na sigaw ko na siyang ikinagulat niya.
I catch my breath as I stare angrily at him. Tears welled up in my eyes in anger. Lalo pa sa nangyayari ngayon. Wala man lang nakisimpatiya sa nararamdaman ko. Tila biro lang para sa kanila ang lahat ng ito.
Napapabuntong hininga niyang pinulot ang sapatos ko at unti-unting lumapit sa akin. He blurs in my vision as I watch him approach me.
He knelt down in front of me causing me to back away in shock. He quickly took one of my feet and try to put on my shoes. Bahagya pa akong napahawak sa balikat niya ng mawalan ako ng balanse. When he finally put on my shoes he looked up at me. Nanatili naman akong nakayuko at hindi siya gaanong maaninag dahil sa patuloy na pamumuo ng luha.
Tumulo ang luha ko at dahil nakayuko ako ay pumatak iyon sa pisnge niya. Napapikit siya at pinunasan ng daliri ang pisnge.
I heard him sigh and slowly stood up. When he finally stood in front of me, I looked up at him because of his height. He's so tall! Hanggang dibdib niya lang ang paningin ko.
“Kung wala kang pakialam. Ako may paki-alam." Aniya niya.
Tumulong muli ang luha ko at bumagsak iyon sa aking pisnge. Tila may kung anong bagay ang kumurot sa akin.
"Hindi uubra sa akin ang pagiging brat mo." Dagdag niya. He tilted his head and glanced at my cheek. His forehead furrowed. Naitikom ko ang labi sa reaksyon niya.
Who is this man? Anong alam niya sa nararamdaman ko?
"Siguro kaya ka hiniwalayan ng boyfriend mo ay dahil diyan sa ugali mo." He said and turned his eyes back at me.
Ako naman ngayon ang nagsalubong ang kilay. Pano niya nalaman?
"Kung naalibadbaran ka sa mga lalaking 'yun, mas naalibadbaran ako sayo.” he added.
My lips quivered at what he said. Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang umangat upang punasan ang luha sa pisnge ko. “Fix yourself. You look like a kid to me." He whispered. My lips parted. I couldn't move.
Sinulyapan niya pa ang balikat niya at binalingan ako bago niya ako tinalikuran.
Tumigil siya sa harapan ng isang babae. Nakita ko na kinuha niya ang hawak na cellphone ng isang babae na sa tingin ko ay kumuha ng litrato o video namin. Para namang nanghina ang babae sa ginawa niya kaya mabilis na nakuha iyon ng lalaki. May pinindot ang lalaki sa cellphone niya bago iyon binalik sa kanya.
The man smiled at her. “Kung kukuha ka ng litrato ko, sabihin mo. Magpapakuha ako.”
Napasinghap ako sa sinabi nito. Nakita ko naman ang pag-awang ng labi ng babae.
Sinundan ko ng tingin ang lalaki ng tumalikod siya. Nabasa ko ang nakasulat sa jersey niya.
"Number 1, Lorenzana." Bulong ko.