Pumasok nang maaga si Ziya kinalunesan. Gagawa pa kasi sya nang bagong design sa computer nya sa office. Wala pa syang ibang naiisip dahil nga ibinigay na nya ang lahat ng effort sa mga nauna n'yang designs. Tapos, nabwisit pa sya sa kaiisip na naman kay Tor. Wala na nga syang inspiration, nalulungkot pa sya.
Napu-frustrate na sya kaya naisipan nyang pumunta sa katabing cafe nang marinig nya ang boses ng boss nya.
" Hi, Ziya! Good to see you!" Magandang bati nito sa kanya na hindi maitago ang ngiti.
"Anong good sa morning?! Wala pa akong bagong design, Boss! Malapit na ang deadline natin." Gustong gusto nya sana sabihin sa boss nya pero pinigilan lang nya ang sarili. Hindi uubra ang kamalditahan nya ngayon, baka mawalan sya ng trabaho. " Good morning din po, Sir," matipid nyang bati dito.
"And by the way, approve na nang client ang design mo," wika nito.
"Wala naman po ako pinapasa pang bago,Sir. Ano po yung i-aapprove?"
" Yung first design mo."
Natulala si Ziya.
Tama ba pagkakarinig ko? Yung una?! E bakit pinagawa pa ako nang tatlo pa?! Sayang ang effort ko, huh? Makakasapak ata ako nang 'di oras.
"Darating nga pala sya ngayon. Mag-usap kayo mamya, okay? si Dean.
Tumango na lang sya pero sa loob-loob nya. Makakatikim sa'kin kung sino mang siraulong yun!
Nang makalayo si Dean ay lumabas na sya para magpahangin. Pumunta sya sa gilid ng building malapit sa entrance at sumandal doon.
Inangat nya ang sigarilyong hawak at akmang sisindihan 'to pero di naman nya itinuloy. Inilapit pa nya sa labi at kunwari'y humihithit. Props lang nya yun, actually. Gustong gusto nya gawin pero dahil alam nya ang capacity nya na maaddict sa isang bagay, never nya sinubukan. Sweets lang talaga ang addiction nya.
Lumakad na sya pagkatapos ipasok sa cigarette case ang naturang sigarilyo. Tinungo na nya ang cafe.
*****
Masiglang bumaba sa sasakyan si Tor sa harapan ng office nila Ziya. Papasok na sana sya sa loob niyon nang mamataan ang pamilyar na pigura sa gilid ng office.
"Kelan pa natutong manigarilyo ang babaeng 'yun?!"
Sinundan nya ito hanggang pumasok ito sa loob ng cafe. Umorder lang ito ng isang pastries at nanghingi ng service water.
"Ano ba 'yan? Gang ngayon ba naman kuripot ka pa rin?"
Lumapit sya sa cashier at umorder pa nang dagdag para dito. Umalis na rin sya pagkatapos dahil hinihintay na sya ni Dean sa loob ng office.
Enjoy na enjoy si Ziya sa kinakain nyang croissant. Comfort food talaga nya ang kahit anong matamis. Kinukurot lang nya ito dahil gusto pa nyang namnamin ang pagkain, baka maubos agad, eh. Ayaw nya nang umorder dahil para sa kanya, dagdag-gastos lang 'yun. Nasa middle class sila, ang pamilya nila. Actually dahil nag-iisa syang anak, sunod pa nga ang luho nya. Kaya yung mga sobra, inilalagay nya sa stocks, for future use. Ayaw naman nya umasa sa magulang habambuhay. Noon pa mandin ay matipid na sya.
Malapit nang maubos ang croissant na inorder nya nang nilapitan sya ng waiter. Inabot sa kanya ang 2 piraso nang macaroons at 3 chocolate chip cookies.
"For you, Ma'm," wika nito.
" Ay, wait! Baka nagkakamali ka, 'di ako umorder nyan."
"Inorder po ng lalaking nakaupo d'yan kanina," Itinuro nito ang upuan na malapit sa pintuan. Nagpalinga-linga sya dahil wala nang tao dun.
" Asan? Nag-CR ba?"
" Hindi po Ma'm. Umalis na po."
" Then, 'di ko tatanggapin yan." Tatayo na sya nang sinabihan sya nito.
"Ma'm, bayad na po ito,eh. Sayang naman."
Nagdalawang-isip sya. "Sigurado kang akin yan, ha? Baka sa susunod na punta ko rito singilin mo ako."
" Yes na yes po, Ma'm."
" Edi, ibalot mo na. Hintayin ko."
Pagkabigay sa kanya ay bumalik na sya sa office. Baka naroon na ang siraulong hinihintay nya. Kaya na nyang makipag-tuos, busog na sya, e.
*****
Pagpasok sa loob ng company building ay pinadiretso na sya ng secretary sa loob ng opisina ni Dean. Meron daw mahalagang bisita na kakausapin sya. Kumatok sya ng tatlong beses bago pumasok. Nakatalikod sa kanya ang bisita raw.
"Here, Ziya. Please sit down." Itinuro pa ni Dean ang upuang katabi ng lalaki."Kayo na muna raw ang mag-usap. Maiwan ko na kayo saglit."
Naguguluhan man ay tumango na lang si Ziya.
"Hi, miss designer. I'm T…" wika nito pagkalabas ni Dean.
Inilalahad nito ang kanang kamay na hindi naman nya tinanggap.
"Let us cut the introduction, Sir. Ano pong problema n'yo sa mga designs ko?" pangbabara ni Ziya sa lalaki. Kung gusto nito ng laro, pwes! Hindi sya ang babaeng katapat nito.
" Woooh! Chill lang, Miss. Ganyan pala tumanggap ng katrabaho ang mga tao rito?"
"Wag nyo po isama ang iba. I am actually controlling my emotions right now kaya nga po kaylangan nyo mag-paliwanag para ma-in-tindi-han ko," sagot ni Ziyanna.
"Gusto ko nga maintindihan mo kaya nga nagpapakilala muna ako, pero, dada ka naman nang dada."
Huminga nang malalim si Ziya bago nagsalita, trying her best to still be a professional. "Sino po ba kayo, Mr. Engineer?"
Tumikhim ito sandali. "Hi again, Ziya. Si Tor, ito."
Napatda na sa kinatatayuan si Ziya. Ang tagal nyang inasam na makita itong muli.
Sa likod ng kanyang isip ay ang mga sumbat na gustung-gusto nyang ibato rito. Ngunit wala ni isang kumawala.
Sa halip ay pinagmasdan nyang mabuti ang lalaki dahil naghahalo-halo na ang emosyon nya.
Biglang kumirot ang puso nya sa muling pagkakabukas ng tinatago nyang sakit, galit at pananabik.
Hindi nya mapaniwalaang nasa harapan na nya ito ngayon.
Her Tor,
Her childhood friend,
Her first love,
Her first heartache.
Ngunit sa lahat ng emosyon ay mas namayani ang tampo at galit dito. Di pa nga nya alam kung ano ang mas nakakagalit, yung pakikipaglaro nito sa emosyon nya patungkol sa kanyang designs o ang hindi nito pakikipagkita sa kanya sa loob ng siyam na taon.
Nine long years!
Di nya alam kung paano sya gumigising araw-araw na wala ito. It has been excruciating!
"Ziya?" Hinawakan sya nito sa balikat at marahang inalog.
Nang matauhan si Ziya ay malakas nyang binatukan sa ulo ang binata.
Napayuko naman si Tor at hinawakan ang parte ng ulo na nasaktan. "Heyyy, nambabatok ka pa rin pala hanggang ngayon? Ang sakit nun ah!" Napangisi tuloy si Tor. Si Ziya nga ito, still the aggressive one.
Nakita nya ang patuloy na panlilisik ng mga mata ng babae.
"Why are you here, Tor?! And why are you messing with my designs? Niloloko mo ba ako?"
"No, Ziya. You know I've always been a fan of your designs. Lahat nga ng ipinasa mo approve ko, e. Dinelay ko lang ang pagsasabi. I know you like games." Tor gave his sexiest smile, that no girl can resist.
"G-Games?" hindi makapaniwalang sambit ni Ziya "Ano ako bata? Potek ka, Tor! Twenty-four years old na tayo at mga propesyonal na. Hindi ito ang tamang lugar pala maglaro!"
Dun lang na-realize ni Tor ang impact ng ginawa nya. You are such a moron, Tor!
Magso-sorry na sana si Tor ngunit napigilan iyon nang patuloy na panlilisik ng mga mata ni Ziya. Tumalikod na ito at tinungo ang pintuan. Pero hindi napaghandaan ni Tor ang ginawa nito pagkatapos. Bumalik ito at padaskol na kinuha ang plastic ng cookies na naiwan sa table. Naguguluhan man ngunit napapangiti na sya sa iniaakto ni Ziya. Lalo na sa susunod nitong sinabi.
"Sayang naman, laman-tiyan din ito."
And then she zoomed out of the room. Naiwan si Tor na tawa pa rin nang tawa.
Nagpupuyos pa din sa galit si Ziya nang bumalik sya sa kanyang cubicle at kinuha ang kanyang bag.
"Ziya, sa'n ka pupunta? Tapos na ba kayo mag-usap ni Tor?" tawag-pansin sa kanya ni Dean.
Hindi na napansin ni Ziya na naroon pala ang kanyang boss, kausap ang isa sa mga engineers nila. "Ahh, tapos na po. Alis po muna ako saglit, Sir. May titingnan lang s-sa Pasig site natin."
She needed to get out of that place, for now. Di nya kaya na makasama pa kahit isang segundo si Tor.
*****
Umuwi si Tor sa condo nya pagkatapos ng meeting with Dean and their customers.
Pagkaupo nya sa sofa ay naalala nya ang naging muling pagkikita nila ni Ziya sa office kaninang umaga. It was kinda refreshing and hilarious.
Hindi sya nagkamali sa desisyon na umuwi para sa tsansa na makita ulit ito. He knew that Ziya was working with Dean, syempre dakilang stalker sya sa account nito na finallow nya gamit ang dummy account a year ago.
Naalala nya tuloy yung moment na marinig nya na may ipapadalang tao ang company nila sa Pilipinas, nag-volunteer sya agad. He knew at that instant that he needed to go back now to the Philippines. Masyado nang matagal ang inilagi nya sa Amerika. She badly needed to see Ziya.
Natutuwa sya dahil nagustuhan nang customer ang business proposal nila, especially ang interiors. Naalala nya na magaling talaga mag-design si Ziya. Akala nga nya ay magiging fashion designer ito dahil ang hilig nito ay gumuhit ng damit para sa Barbie nito.
Paghiga nya ay sigurado syang makakatulog sya nang mahimbing.
Kahit na hindi naging maganda ang muli nilang pagkikita ay masaya pa rin sya. Mas gusto nya na nagagalit ito sa kanya dahil ibig sabihin nun ay may nararamdaman pa rin ito sa kanya. Kesa naman sa tuluyan syang binalewala nito at pormal syang pinakitunguhan, dahil sigurado syang kung hindi man ito nakalimot ay wala na itong pakealam sa kanya.
He envisioned Ziya's face again. Her Ziya who turned to be so independent and magnanimously beautiful.