Hilong hilo si Ziya pagkagising nya kinabukasan. She literally dragged her feet para lang makaligo at makapasok sa trabaho. Ayaw nya sana pumasok dahil makikita na naman nya si Tor pero mas 'di nya gusto na mag-stay sa bahay para lang isipin ito. Wala pa syang tulog dahil nga sa kakaisip sa biglaang pagpapakita ni Tor after nitong mawala na parang bula. Ang kinaiinis nya ay ang pag-asta nito
"Feeling close! Manigas sya! May pagame-game pang nalalaman. Siraulo! Ano yun? Aalis tapos babalik na parang walang nangyari, na wala s'yang ginawang mali! Hayop!" nanggigil pa ring bigkas nya.
For the past two years, unti-unti na nyang tinanggap na baka nga hindi na ito babalik pa. Kung babalik man, wala na s'yang pakialam. Total naman, madalang na rin sya umuuwi sa kanila.
Wala naman sya mapagsabihan dahil nga natakot na rin sya makipagkaibigan. Pakiramdam nga nya, nawalan na sya nang gana makipag- friends sa kahit kanino, mapa-lalaki man o babae. Ayaw na kasi n'yang maranasan yung naramdaman nya dati.
"I felt abandoned! No, I've really been abandoned!" Inis na inis na bulong ni Ziya habang mabigat ang mga yabag na pumasok sa company building nila. Dumiretso na sya nang upo sa cubicle nya at binuksan ang kanyang computer.
" Kailangan ko magtrabaho para malibang ako. I need to work, work, work," patuloy na sambit ni Ziya sa sarili. Sa sobrang internalization ay 'di nya namalayang nasa tabi na pala nya si Dean.
"Ziya, can you visit our site in Pasig again today?" Kinalabit ni Dean ang balikat ng babae nang 'di pa rin ito kumikibo. "Ziya, do you hear me? Hello?!"
"Owww! S-sir, sorry po, ano po yun?" nagulat na sagot ni Ziya.
"Ang sabi ko.. bisitahin mo ang Pasig site natin. Sumabay ka na lang din kay Tor, nasa repair shop pa kasi yung service natin. Bukas pa raw maibabalik."
" Okay, Sir! I can commute naman po. Baka makaabala pa po sa kanya." Please Sir, don't make my day unbearable. Nagmamadali n'yang inayos ang kanyang gamit para makaalis kaagad. Alam nya na wala pa ang lalaki. Di pa kasi nya ito nakikita.
" O, Torrrr! Paalis ka na rin, 'di ba? Can Ziya come along with you?" Tiningnan ni Ziya ang direction nang kinakausap ni Dean. Nasa likuran nya na pala ito at titig na titig sa kanya!
"Definitely! Actually, kanina ko pa sya hinihintay. Nakatitig nga lang yan sa monitor at walang ginagawa e. Baka mas may pakinabang 'yan pag nasa site na, Dean," pagpaparinig nito.
" Excuse me?! Do I know you?!" Ziya hissed. How dare this guy badmouthed her in front of her boss and colleagues?!
"Ooppsss! Hindi pa rin pala marunong tumanggap ng jokes si Ms. Gracias, Dean," patuloy na pang-aasar ni Tor kay Ziya.
"You are being cocky again, Tor. Wag mo nang pagalitin si Ziya at baka nga mag-commute na talaga 'yan," sawat ni Dean
" Ok, so let's go now, Ms. Hardworking?" pabiro pa ring wika ni Tor kay Ziya.
Sa halip na sumagot ay padaskol na lang na kinuha ni Ziya ang kanyang laptop bag at humarap kay Dean.
"Sorry Sir, for my actions. I just.. I just.."
"It's ok, Ziya. I understand."
"Thank you, Sir. Mauna na po ako." Pasimple pang nginitian at tinanguan ni Ziya si Dean.
Naunang lumakad si Ziya papuntang parking lot ng building. Gusto lang nya makalayo sa nakakabwisit na nilalang na ito, kahit sandali lang. Hindi nya rin alam kung 'san nakaparada ang sasakyan nito, basta naglakad lang sya.
" Hoy, Miss, san ka pupunta? Di ka ba sasakay?" Hindi na napansin ni Ziya na nasa tabi na pala nya si Tor na sakay ng bagong-bago na pulang Geely Coolray SE. "Kung sa tingin mo ay pagbubuksan kita ng sasakyan, wag ka na maghintay," pagmamayabang na wika ni Tor.
"Lord, give me patience today, please? Ayaw ko po masira ang buong araw ko." Panalangin ni Ziya habang binubuksan ang pintuan sa likuran. Nang makasakay na si Ziya ay hindi pa rin nito agad pinaandar ang kotse kaya napatingin sya rito. " Hindi pa ba tayo aalis?" Itinaas pa nya ang kanang kilay.
" Well, kung d'yan ka uupo sa likod at pagmumukhain mo akong driver, 'di talaga tayo makakaalis," seryosong sagot nito.
Nagkatitigan ang dalawa hanggang 'di pa rin kumikilos si Ziya.
" Suit yourself. Okay naman ako dito basta bukas ang aircon. Makakatulog pa nga ako nito." Ipinikit ni Ziya ang mga mata. Narinig na lang nya ang mabilisang pag-arangkada nang sasakyan ng "driver" nya for the day.
Nice one, Ziyanna.
Pagkarating sa site ay lumabas na si Ziya ng kotse na 'di nililingon ang lalaki.
She needs a lot of inspiration sa trabaho at malayong-malayo si Tor sa pede n'yang gawing inspiration ngayon.
Pagkapasok nya sa building ay nawili na sya sa pag-inspect ng condo project nila. Mostly Scandinavian to Modern ang style design na napili nila depende sa mga magiging owners nito. Malapit na naman maging sold-out ang mga buildings at nakausap na rin nila ang karamihan sa mga customers.
Pumasok sya sa isang kwarto sa may dulo ng pasilyo sa ika-15 palapag. Busy ang mga trabahador nila sa ibang unit dahil patapos na rin naman ang kwartong 'yun. Pinasadahan nya nang tingin ang kabuuan ng kwarto.
Sa malapit sa entrance ay may isang divider na kakulay ng araw pagka-summer. Naiisip na nya ang mga pedeng ilagay na decors dun. Maaaninag mo rin ang bagong pinturang green na pader sa isang side kung 'san pede ilagay ang headboard.
Lumakad sya papasok at binuksan ang sliding window. Napapitlag sya nang marinig ang isang baritonong boses.
"How are you really, Ziya?" si Tor. Nakatayo ito sa may hamba ng pinto.
"Do I really need to answer that question?" Pinagkrus pa nya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. "For all I know, wala ka naman talaga pakialam na sa buhay ko, simula nang 'di ka nagpaalam nung umalis ka," mataray nyang sagot.
Nagtitigan sila, naghihintay kung sino ang unang magbababa ng tingin. Si Tor ang natalo nang tumingin ito sa gilid nito at ngumisi.
Pero mayamaya ay humakbang na ito papasok sa loob ng kwarto. "Mataray ka pa rin 'gang ngayon. I think naaalala mo pa rin ang ginagawa ko kapag tinatarayan mo ako?"
Nakarating na ito sa tabi ni Ziya.
"Don't.. you.. dare..! Wag mo ako hahawakan!" banta ni Ziya.
Umiwas sya rito at tatakbuhin na sana nya ang pinto nang hilahin sya nito palapit sa katawan nito at niyakap sya. Nagpupumiglas sya pero lalo namang humihigpit ang yakap nito. At that moment, parang bumalik si Ziya nung pagkabata nila. Gusto n'yang umiyak dahil kahit naiinis sya rito, alam nya na malaki pa rin ang bahagi ng puso nya na umaasang makikita nya ulit ito. Na mayayakap nya ulit ang kaibigan. Pero hindi sya dapat magpadala sa bugso ng damdamin nya.
Huminto sya sa pagpiglas. "Kapag 'di mo ako binitiwan, makakatikim ka sa'kin."
"Then, do it!" he sexily dared.
Inangat ni Ziya ang mukha at tinitigan si Tor. "Then, wag mo ako sisihin.."
Bumwelo pa sya at malakas na hinead-butt ang lalaki sa ulo bago tumakbo palabas. Hindi na nya nakita ang pagbagsak ni Tor sa sahig.
*****
Nagising si Tor na pilit inaaninag kung 'asan sya. Hinawakan nya ang ulo nang bigla itong kumirot. Nasa ganoon syang pwesto nang pumasok si Ziya at Dean.
"Tor, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dean.
Hindi sumagot si Tor na nakatulala lang kaya lumabas na si Dean upang tumawag ng nurse. Hindi pa rin makalapit si Ziya kay Tor. Nahihiya sya sa kagagawan nya.
"Anong ginagawa mo d'yan? Di mo ba ako lalapitan?"
Itinaas pa ng lalaki ang dalawang kamay nya, nang-aanyaya ng yakap. Kaya di na napigilan ni Ziya na takbuhin ang binata at yakapin ito.
"I'm sorry, 'kaw kasi 'eh."
"Nasanay kasi ako ng batok lang, ibang level ka na ngayon, ah! Headbutt."
Natawa si Ziya saglit bago hinawakan ang ulo ni Tor.
"Ganun ba 'yun kasakit? How could a woman's head knock you down?"
Ngumiti lang si Tor sa dalaga. "Pwede bang tapusin na natin yung deal natin sa batukan? Hindi na bagay sa'tin ngayon."
Nahihiya namang tumango si Ziya. "Okay. I'm sorry, again."
"Apology accepted."
Nagka-ilangan na naman sila nang mamayani ang katahimikan kaya nang pumasok si Dean at ang nurse ay dumistansya na si Ziya. Pinakinggan nya muna ang mga bilin ng nurse bago nagpaalam upang mamili ng snacks.
*****
"Tor, bakit ba kasi hindi ka na lang umamin kay Ziya? Natatandaan ko pa nga na gumawa ka pa ng dummy account para lang mang- stalk sa social media account ni Ziya. Wala naman ako nababalitaan na boyfriend nya. 'Kaw naman walang girlfriend. Ano bang problema?" tanong ni Dean.
"I can't give you details now, Dean. Kasi kahit ako pilit ko inaalala." Hinawakan pa nya ang ulo nang kumirot na naman iyon.
Natahimik sila nang dumating na si Ziya.
"Cookies?" alok nito.
"O 'sya aalis na muna ako." Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa dalawa. "Ziya, 'kaw na muna ang bahala kay Tor. Total ikaw din naman may kagagawan n'yan."
Nangingiti ito na ikinatawa na rin ng dalawa.
Tiningnan ni Tor si Ziya habang nilalantakan nito ang mga cookies na binili. Pumikit sya at inalala ang nakaraan.