Matagal sa loob ng banyo si Tor at halos ayaw na nga nya lumabas mula roon. He is wishing na tulog na sana si Ziya paglabas nya, lalo na at maghahating-gabi na. Ang problema pa roon ay hindi sya nakakuha ng damit sa cabinet nya. Nakatapis lang sya lalabas ng banyo. Dati pa naman nya ginagawa ang ganoong bagay, pero hindi nya alam bakit di nya magawa ngayon. Para kasing bigla s'yang nahiya sa kaibigan. Inawang nya ng kaunti ang pintuan at sinilip kung nasaan si Ziya. Nakita nya itong nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. Nakatalikod ito sa kanya. Dadaan kasi sya sa gilid nito bago makapunta sa cabinet kaya mas lalong dinaga ang dibdib nya. "Ziya, can you hand me any clothes from my closet?" utos nya rito. Hindi ito sumagot dahil ang lakas ng volume ng tv. " Ziya??" He called again with a lo

