"Tito Cris! Wait po habulin ko lang si.." Nilingon nya ulit ang labasan ng restaurant at tinanaw ang mga stalls na nasa tabi ngunit hindi na nya makita pa si Claire. "May kasama ka ba rito?" Nakatingin na rin kasi si Cris sa platong kanina lang ay kinakainan ni Claire. "Sayang nga po dahil hindi na kayo nagpang-abot ni Tita Claire. Nagmamadali kasi syang umal…" "Si Claire? Andito si Claire? Saan?" Tiningnan pa nito ang buong restaurant. "Kasasabi ko nga lang po na di na kayo nagpang-abot. Kakaalis lang." Umupo na si Tor kaya hindi na nya napansin ang dumaang relief sa mukha ni Cris. "Sayang nga di kami nagpang-abot," banggit ni Cris na sumandaling ngumisi pero biglang napalitan ng kaba ang kanyang nararamdaman. "W-wala ba s'yang n-nabanggit sa'yo na mga bagay-bagay, alam mo na tungkol

