Episode 20

1320 Words
Nagising si Tor na nasa sarili na niyang kwarto. Pinagtulungan siyang buhatin ni Ziya at ni Nanay Carol. Lumabas lang daw saglit si Nanay Carol, naghanda ng dinner nila. Nag-aalala na rin iyon pero di lang pinapahalata. In-assure naman niya ang dalawa na makikipag-ugnayan siya sa doktor niya as soon as possible. Ayaw pa nga umuwi ni Ziya sana, biniro lang niya na doon na rin sa kwarto niya matulog kung hindi pa ito uuwi. Na mariin namang tinanggihan nito. Pagkatapos ng hapunan ay tinawagan niya ang kanyang doktor. "Doctor Smith, are you sure I am still okay? This fainting spells and headaches are becoming more frequent. Aside from that, I am having nightmares again," mga katanungang ibinato ni Tor sa kanyang American doctor, nasa isang video call sila. "Yes, Tor. It may be a side effect of your head injury. Are you taking your medication on time?" asked Dr. Smith. "Yes, Doc." "Ok, so I will just repeat what you need to watch out for. Vomiting or unusual shaking or twitching; impaired vision, hearing, and speech If your current symptoms become severe, just call me right away. You can also ask for other doctors' opinions there because I am too far away to assess you physically," mahabang bilin ni Doc. "Yes, thanks Doc Smith. I will do that. See you when I go back there," paalam ni Tor. "Okay, then. Bye for now." Doctor Smith waved and Tor did the same before clicking the end button of the video. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Dr. Smith ay dumiretso na si Tor sa isang site na hinahandle nya. Bukod kasi sa joint project nila ng company nila Ziya ay mayroon din silang solo project sa mismong company na pinagtatrabahuhan nya. "Sir Tor, pwede po ba ninyo ma-check yung mga materials na dumating? Parang maliit po ata sa kakailanganin natin," ayon sa isang trabahador nila. "Mukha ngang mali ang naipadala sa atin. Hayaan nyo po at pupuntahan ko ngayon yung supplier natin," wika ni Tor pagkatapos masuri ang mga materyales." Agad-agad namang umalis si Tor at tumungo na sa supplier's store. Sinalubong naman sya ni Mr. Sy. "Engr. Tor, tuloy tuloy ka." Pinapasok sya ng Intsik na supplier nila sa shop nito. "Mr. Sy, mukhang may problema po ata sa sukat na napadala ninyo. Pwede ko po ba makita yung order form na ipinasa sa inyo ng tao po namin?" walang pasakalyeng tanong ni Tor. "Ay, oo, oo. Tara, tara, doon tayo loob." Itinuro nito ang sariling office at pagkapasok nila ay napahinto si Tor, nabigla sa taong naroroon. "Tita C-claire? A-andito ka lang pala, matagal na kitang hinahanap." "Kilala mo, Claire? Pa'no?" naguguluhang tanong ni Mr. Sy kay Tor. "Yes, po. Kapitbahay po namin sya sa Bicol, Mr. Sy." sagot naman ni Tor na hindi inaalis ang tingin kay Claire. Si Claire naman ay hindi makatingin ng diretso kay Tor. "Mr. Sy, maya na lang po ako balik pagkatapos ninyo mag-usap ng kliyente natin," paalam ni Claire sa amo nya. "Ano kaylangan mo? Bakit balik pa? Di pede sabi ngayon?" "Basta po mamya na lang, Mr. Sy. Pasens'ya na po." Nagmamadaling ibinaba ni Claire ang hawak na mga order slip at halos patakbong lumabas ng opisina. "Mr. Sy, balik po ako. Kailangan ko po kasi kausapin si Tita Claire," may pagmamadali ring nagpaalam si Tor at sinundan ang ginang. "Ano problem, dalawa?" nagugulumihanang nagkamot sa ulo si Mr. Sy habang tinatanaw si Tor na hinahabol si Claire. "Tita Claire, waaait!" Hinawakan ni Tor ang braso ng ginang ng naabutan nya ito. "Tor, please, bitiwan mo ako. Wala tayong dapat pag-usapan." "Tita Claire, ang tagal kita hinanap. Saka bakit mo ako iniiwasan? May nagawa ba akong mali sa'yo? Please, I need your help. Nagkapartial amnesia kasi ako pagkatapos ko maaksidente. Baka lang matulungan mo ako," pagmamakaawa ni Tor na hindi pa rin binibitiwan ang bisig ni Claire. "Sabi nga ni Nanay, ikaw daw ang nagdala sa akin sa ospital. Baka alam mo dahilan ng aksidente ko?" Lumamlam naman ang mga mata ni Claire, tanda na naaapektuhan din sa inaasal ni Tor. "Okay. Pero hindi tayo pwede rito mag-usap." Inakay na sya ni Claire palabas ng store at tumungo sila sa isang maliit na karinderya. "Tita Claire?" Tiningnan naman ni Claire si Tor na hindi pa lumalapit sa kainan. "O, bakit?" Lumunok muna ito bago nagsalita. "Okay lang naman sa akin kumain dito pero gusto rin kita ilibre sana sa mas masarap kainan," suhestiyon ni Tor. "Tatawid na lang naman tayo ng daan, ayan na ang mall, o." Suhestiyon ni Tor sabay turo sa natatanaw na mall. "Okay naman dito. Masarap din naman ang mga pagkain.." "Please, Tita, if you want us to talk properly na walang makakadinig, dun tayo sa mas tahimik. Sa mas may privacy." Itinuro ni Tor ang mga dumaraang mga sasakyan sa gilid ng karinderya. Nasa tabi rin kasi talaga ng daan ang naturang kainan. Nang pumayag si Claire ay dinala nya ito sa isang may kamahalang restaurant. Umupo na lang sila sa may tabi ng window, total naman ay iilan lang sila sa loob at di naman sila magkakarinigan ng ibang customer. Umorder na lang si Tor para sa kanila. "Tita, salamat po at pumayag ka. First time kita mailibre sa labas. Nung mga bata pa kami ni Ziya, kung anu-ano pinapakain mo sa amin. Isinasama mo pa nga kami sa kung saan-saan noon makatikim lang kami ng kakaiba," pagbabalik-tanaw ni Tor. " I miss you, Tita. I am sure ganun din si Ziya. " "Si Z-ziya? M-musta na sya?" pansumandaling nakita ni Tor ang kakaibang ningning sa mga mata ni Claire nang nabanggit ang pangalan ni Ziya. Pero baka nagkakamali lang din sya. Siguro dala lang din ng pagka-miss nito sa kababata. "Okay naman po. Sa katunayan nga po, magkikita kami rito mamya. Wala naman po kayo pupuntahan di'ba? Hintayin nyo na rin sya." "T-talaga? Pupunta sya rito? Kailan pa si Ziya rito sa Maynila?" "Matagal na po, dito sya nagpapraktis ng profession nya. Isa na syang interior designer. Ako naman po ay isa nang engineer." "Natutuwa naman ako at maganda na ang kalagayan niyong pareho. Na natupad n'yo na ang mga pangarap ninyo," ramdam ni Tor ang tuwa sa mga salita ni Tita Claire. "Tita Claire? Yung tungkol sa.." "Pwede ba mamya na natin pag-usapan 'yung itatanong mo, pagkatapos kumain?" "O-okay po, Tita." Ayaw namang pilitin ni Tor ang ginang, baka pag nakulitan sa kanya ay lumayo na naman ito. Tahimik lang sila pareho habang kumakain ng biglang may nakita na naman si Tor sa may labas ng restaurant. " Tita Claire, si Tito Cris, o! Tatawagin ko po." Itinaas nya ang isang kamay. " Tito Cri..!" Nahinto ang pagtawag nya ng ibinaba ni Claire ang kamay nya. "W-wag mo nang tawagin. Ano, ah.." Hindi naman na naintindihan ni Tor ang binabanggit ni Claire dahil mas natuon ang atensyon niya sa emerald bracelet na suot-suot nito. Hawig iyon ng bracelet na suot nung babaeng kaaway ng isang lalaki sa panaginip nya! Hindi siya maaaring magkamali! Paulit-ulit yun na napapanaginipan niya kaya alam niya ang itsura niyon. "Tita Claire, matagal mo na bang bracelet 'to?" Hinawakan na rin ni Tor ang bisig ng ginang pati na rin ang mismong alahas upang mainspection mabuti. " Yes, b-bakit?" Pero ang atensyon ng babae ay wala na sa kanya kundi sa lalaking malapit ng pumasok sa resto, pero hindi naman sila napapansin. " Excuse me, Tor. M-may kailangan pa pala akong gawin. Ano, ahh, balik na tayo sa store?" " P-pero, Tita, 'di pa tayo tapos kumain..." " Mauna na ako sa'yo, kung gayon." Hindi na hinintay ni Claire ang sagot ni Tor at halos magkandarapa sa paglalakad palabas ng resto, sa kabilang side malayo sa entrance ng resto. " Tita Claire!!" sigaw ni Tor, naguguluhan sa pagmamadali ng babae. Aktong susundan na nya ang ginang ng marinig nyang may tumawag sa kanyang pangalan. " Tor??" untag ni Cris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD